Chapter 24

458 14 3
                                    

Third Person's View

Alas tres imedya na ng madaling araw sa mansyon ng magbabarkada kasabay ng malakas na ulan na halos walang tigil sa pagbuhos.

"Ma'am!/Miss Chandria!" Pagkakagulo ng mga kasambahay sa mansyon. 

Samantalang sa ang kanyang mga kabarkada naman ay isa-isang nagising dahil sa ingay na naririnig.

"What's happening?" Tanong ni Inigo ng magkasalubong-salubong sila sa hallway ng kanilang mansyon. Kibit-balikat lang naman ang naisagot sakanya ng mga kaibigan at isa-isa na nagsibabaan.

"Chandria!/ Bro!" Gulat na sigaw ng mga ito.

Seeing Daniel na buhat-buhat ang basang-basa at walang malay na si Chandria. Bridal Style.

"Sir, Towel." Iniabot kay Daniel ng isang katulong ang dalawang tuwalya na ang isa ay pinatong nya sa natutulog na Chandria sa harapan nya habang ang isa naman ay pinatong sa likuran nya.

"Ano bang nangyari sainyo? Ba't basang-basa kayo?" Tanong sakanila ni Julia na humihikab pa.

"Ask her. Her stubborness attacked again." Cold na sabi nito bago umakyat habang buhat-buhat parin si Chandria.

Sumunod naman sila dito at nakitang inihiga nito si Chandria sa silid nito.

"Manang!" Sigaw nito kaya umakyat agad ang matanda at tinanong sya kung anong kailangan.

"Papunasan naman po sya tsaka pakipalitan narin ng damit." Ngiti nito bago bumaling ng tingin sa mga kaibigan at expressionless ulit.

"You guys can go back to sleep." Sabi nito kaya nagsitanguan sila at pumasok na sa kanya-kanyang silid.

Lumabas muna sya habang hinihintay matapos palitan ng damit si Chandria.

"Okay na, iho." Lumingon sya kay Manang Melda nang lumabas na ito sa silid ni Chandria at ngumiti.

"Salamat po." Sabi nito kaya tinanguan sya ng matanda at nagpaalam nang bumaba habang sya ay pumasok ulit sa loob ng silid ni Chandria.

Tinitigan nya lang ang dalagang tahimik na natutulog na mala-anghel ang itsura. No doubt he fell inlove with her. She's easy to love. Very easy that everyone wants to have her.

"A beautiful angel with a violent attitude." Bulong nito tsaka natawa ng mahina habang nakatitig parin rito.

"A beautiful angel with a numb heart." Dagdag nito at napasandal nalang sa pinto.

"Ikaw parin, Ang hanap ng pusong ligaw." Kanta nito sabay tawa.

'Fuck! Why do you need to be so beautiful, Chandria?' Sigaw nito sa isip habang kinakabisa ang bawat ng anggulo ng mukha ni Chandria.

"Fine! Because i really am jealous. Nagseselos ako sa mga bagay na datirati ay sakin mo lang naman ginagawa. Sa mga bagay na alam kong never ko nang mararamdaman."

"Boyfriend ko sya. Malamang lang na ipagtatanggol ko sya."

Boyfriend.

Agad syang napangiti ng mapait ng maalala ang sinabi sakanya ni Chandria kanina.

Lumapit naman sya sa higaan nito tsaka hinaplos ang pisngi nito papunta sa buhok.

"Buti pa sya." Mapait nitong sabi tsaka yumuko.

"This cat." Bulong nito at pinisil ng mahina ang ilong nito.

"Ouch!" Sigaw ni Chandria ng pisilin ni Daniel ang pisngi nya.

Our Story As Ex-BestfriendsWhere stories live. Discover now