Chandy's Pov
Isang linggo na ang nakalipas simula nung napanood ko yung balita tungkol sakanya.
"Love? Wake up. Malalate ka na" Gising sakin ni Drake.
Imbis na bumangon ay ungol lang ang isinagot ko sakanya at tumakip pa lalo sakin ang Comforter.
"Love, Wake up. Papasok ka pa diba?"
And for the second time, Hindi ko sya sinagot imbis kinuha ko ako kamay nya at hinawakan.
"L-love?, Are you alright? Ang init ng kamay mo" Nagaalala nyang tanong at nilagay ang kamay sa Noo ko.
Narinig ko naman syang mahinang napamura at Tumayo.
"Just wait here, Okay? Kukuha lang ako ng Breakfast mo" Aalis na sana sya ng Pinigilan ko sya at Hinila ulit.
"N-no" Nanghihina kong sabi sakanya habang nakahawak parin sa Kamay nya.
"But Love, Kailangan mong kumain. Kukuha lang akong Food mo then after that babalik agad ako, Alright?" Unti-unti ko namang binitawan na ang kamay nya at tumayo na sya tsaka ako hinalikan sa noo.
Narinig kong nagbukas at nagsara ang pinto ko sign na lumabas na sya para kumuha ng pagkain ko.
Maya-maya nagbukas na ulit ito at pumasok sya na may dalang Tray na naglalaman ng pagkain ko at Gamot.
"Kain na, Love. Here" Aya nya sakin sabay lapit ng spoon sa bibig ko.
Sinubo ko naman ito at Uminom ng tubig.
"Tskk... Sinabi ko naman na kasi diba? Magpahinga ka muna para hindi ka magkasakit. Pero ano ginawa mo? Hindi ka nakinig." Sermon nya sakin habang sinusubuan ako.
"At sinabi ko na rin sayo na tigilan muna ang pagiging workaholic. Hindi naman babagsak yang Kumpanya mo kahit hindi ka pumasok ng isang araw." Dadag nya pa.
Sinermonan nya lang ako ng sinermonan hanggang sa maubos ko na ang kinakain ko at pinainom nya na ako ng gamot.
"Sleep na" Sabi nya at binalot ulit saakin ang comforter.
"Sleep tight, Love" Sabay hinalikan ako sa Noo at Nagsmile.
Nagsmile din naman ako ng maliit sakanya at pumikit na habang sya nasa tabi ko lang at hawak ang kamay ko.
Nagising ako, Gabi na pero ang pinagtaka ko nandito parin si Drake at naka-business attire parin habang tulog.
"Love" Gising ko sakanya at mabilis din naman syang nagising.
"Oh shit, Love" Natataranta nyang sabi at Pinahiga ulit ako.
"What?"
"Wag ka munang babangon. Nilalagnat ka pa oh" Sabi nya sakin at nilagay ulit yung basang towel sa ulo ko.
"Konti nalang naman ah" Makulit kong sabi sakanya.
"Still, Nilalagnat ka parin kaya wag kang makulit" Masungit nyang sabi at Umirap sakin.
"Tsss, Pero Gutom na ako!"
"Then, ipapahatid ko nalang kay manang ang pagkain mo"
"Hmpp!"
"Love." Medyo naiinis nyang saad.
Aba! Sya pa may ganang mainis ah! Eh sya nga tong sobrang kulit eh!
"What?" Masungit kong tanong sakanya.
"Aisshhh! Don't be stubborn!"
"Hindi ako makulit, Gusto ko lang bumaba. Masama na ba yun?" Naiinis kong tanong sakanya.