Chapter 19

352 16 0
                                    

Chandy's Pov

Kakabalik ko lang sa opisina ko galing meeting nang biglang pumasok si Lea na halatang natataranta.

"Ma'am! Ma'am Chandria!" Natataranta nyang tawag sakin kaya agad akong napatingin sakanya.

"Lea? What happened?" Nagtataka kong tanong sakanya nang makapasok sya.

"Tumawag po dito ang secretary ni Mr. Dela Cruz. Sumasakit nanaman daw po ang ulo nya." Sabi nya kaya napatayo agad ako.

"What?!" Agad-agad naman akong tumakbo palabas nang opisina ko at hindi na inisip pa ang mga gamit ko at trabaho kong naiwan.

Paulit-ulit kong pinindot ang button nang elevator dahil sa pagmamadali.

"Hurry!" Napasuklay ako sa buhok ko dahil sa frustration.

Nang bumukas na ang elevator ay dali-dali akong pumasok at pinindot ang Ground Floor.

Habang nasa elevator ako ay paulit-ulit kong dina-dial ang number ni Drake pero ring lang nang ring.

"H-hello?" Rinig ko sa kabilang linya nang sa wakas ay sumagot na sya.

"Love? Love where are you?" Natataranta kong tanong sakanya habang patingin-tingin sa taas kung anong floor na ako.

30th. Fuck! Wala na bang mas ibibilis toh?!

"Love... Love i need you.." Sabi nya sa kabilang linya habang halata ang sakit sa boses.

"Where are you, Love?!" Dahil sa inis ay napataas na ang boses ko.

25th.

"C-company. Love please come here..." Pagmamakaawa nya kaya halos mapaluha na ako.

20th.

"Love call an ambulance!" Natataranta kong sabi dahil rinig ko na ang daing nya sa kabilang linya.

15th.

Pagkatapos kong sabihin yun ay rinig ko ang sigawan sa kabilang linya dahilan para mas lalo akong mataranta.

"Love!" Tawag ko pero puro sigaw lang ang naririnig ko.

May narinig akong yapak na palapit at pinulot ang phone.

"Hello, Miss Chandria?" Rinig kong boses ni Raf sa kabilang linya.

"Raf! Call an ambulance!" Sigaw ko.

5th.

"O-opo, Miss." Rinig kong sabi nya sa kabilang linya kasabay nang pagpatay nang phone.

Agad-agad akong tumakbo palabas nang elevator nang magbukas ito at di na pinansin ang tingin sakin nang mga tao.

Agad kong binuksan ang kotse ko at pinaharurot papuntang Kumpanya nila Drake.

Nang makarating ako ay lumabas agad ako at sinalubong ako ni Raf na natataranta.

"M-miss Chandria!" Sabi nya nang makalapit ako.

"Bakit hindi pa kayo tumawag nang ambulansya?!" Tanong ko agad sakanya nang makalapit ako.

"Ayaw nya po, Miss. Paulit-ulit nya pong sinasabi na tawagan kayo." Natataranta nyang sabi habang ako ay tumakbo na papuntang elevator. Sumunod naman sya at pinindot ang floor ni Drake.

Nang makalabas kami nang elevator ay agad akong tumajbo papuntang opisina nya na maraming nagkukumpulang mga empleyado.

"Excuse me!" Sabi ko at agad naman silang nagsialisan sa daan.

Our Story As Ex-BestfriendsWhere stories live. Discover now