Chapter 27

207 3 2
                                    

Chandria's Pov

Pagkatapos nung Christmas ay naging maayos na ang lahat. Masaya na kaming lahat. Nawala ang awkwardness sa mansion.

"Ma'am. Si Mr. Padilla po nasa labas. Papa-pasukin ko po ba?" Napangiti naman ako sa narinig.

"Sige." Umalis naman na sya at sunod na pumasok ay si Daniel.

"Goodmorning. What do you need?" Tanong ko rito habang nasa laptop parin ang tingin.

"Wala naman. Just checking on you." Sabi nya habang komportableng nakaupo sa harapan ko.

Checking on me? What?

"For what?" This time ay tumingin na ko sakanya.

"Nothing."

"Nothing? Anong nothing? Hayy nako, Daniel. Kung ako sayo magta-trabaho nalang ako. Wala ka bang trabaho ngayon?" Tanong ko dito na parang wala naganap na away noon. Back to normal. Galing diba? Abnormal kami eh. 

"I canceled all my meetings. Kain tayo." Yaya nya sakin sapagkat di ako pwede kasi marami pa kong tinatapos.

"I can't. Marami pa kong tinatapos. This is really important. And i need to attend 4 meetings this afternoon. So? No." Sabi ko at tumawa. Napailing lang naman sya at sumandal sa kinauupuan nya.

"Workaholic." He chuckled.

"I'm not." Sabi ko pero mas tumawa lang sya.

"Yes, you are. You know what? Why don't we test your talent in photography? It will be good. Besides, that's your dream diba? Being a photographer? Then be a photographer even just for a day. Go with me in Batangas." Pagaaya muli nito sakin pero umiling lang muli ako.

"Daniel, You know naman na marami pa kong kailangang tapusin dito sa kumpanya diba? At ikaw rin." Sabi ko muli dito pero umiling lang sya at napapikit.

"Chandria, Hindi bababa ang ratings ng Bernardo Corp. kung mawawala ka lang ng kahit isang linggo. Loosen up. Let yourself be happy." 

"I'm happy."

"Really? Di halata." Irap nito kaya napairap din ako. Bakla.

"I'm happy, Mr. Padilla." Pamimilit ko parin.

"Fine fine. But please.. please go with me in batangas. Bakasyon tayo ng buong Barkada." Napabuntong hininga naman ako.

"Hindi ba dapat sinabihan mo muna yung buong barkada dito para naman malaman mo kung may free sila na isang linggo para magliwaliw?" Nakatingin lang ako sa mga papeles na pinipirmahan ko habang sinasabi yun. And alam kong naiinis na sya.

"Nasabihan ko na sila. Pumayag na sila. Kaya wag ka nang pabebe at pumayag ka na!" Naiinis na sabi nito na parang batang nagmamaktol. And pabebe? Kapal nito ah.

"Hindi ako pabebe. Nagaalala lang ako sa mga maiiwan kong trabaho dito kung sakaling aalis ako ng isang linggo. Walang maiiwan dito."

"Si tito. Willing syang i-manage toh habang nagbabakasyon ka." Napatingin naman na ko sakanya ngayon.

"At pano mo naman nasabi yan? May ibang company na mina-manage si Dad. Mahihirapan sya. Ayoko namang habang nagpapakasaya at nagpaparelax ako dun ay stressed si Dad dito noh."

"Kasi huling huli ka nang sinabihan ko. Nakapagpaalam na ko kay Tito at Tita at sabi ni Tito, pwede nya naman i-manage muna ang kumpanyang toh for the mean time habang wala ka. Kakayanin daw nya since matagal nya naman na daw ginagawa toh. Kaya wag kang O.A dyan." Naiinis na sabi nito kaya inirapan ko sya.

Our Story As Ex-BestfriendsWhere stories live. Discover now