Chapter 28

344 10 13
                                    

Chandy's Pov

Marami akong natutunan sa buhay. Isa na dun ang kahit na gustuhin man natin na ibalik ang dating pagtuturingan ng isang tao ay hinding-hindi mo na ito maibabalik. Kumbaga, magiging magkaibigan kayo ulit, oo pero hindi na katulad ng closeness nyo dati.

Pero hindi naman ako nagrereklamo sa kung anong turingan namin ngayon pero nakakamiss lang kasi talaga yung dati. Pero wala naman nang magagawa. Atleast nandito sya. Yun ang importante.

"Hey." Napalingon ako sa tumawag sakin.

Nakaupo ako dito sa veranda habang nakatanaw lang sa napakagandang tanawin sa harap ko. Ang ganda.

"Hey." Ngumiti naman ako rito ng makaupo ito sa tabi ko.

"Ang ganda noh?" Huminga naman ako ng malalim ako pumikit para damhin ang malamig na hangin.

"Sobra."

May nilapag naman ito sa harap ko kaya napatingin ako.

Nips. Red. Peanuts. Fudge.

Tbh, favorite ko talaga 'to. Sharap kaya.

"That's yours." Natatawa nyang sabi ng tumingin ako sakanya.

Napangiti naman ako ng malaki na kinangiti nya lalo.

"Thank youuu!" Parang bata kong sabi. Ewan ko pero nagiging pabebe ang boses ko kapag nagte-thank you ako. I don't know why but i don't care anyway.

Pinanood nya lang ako habang kumakain nito at nakatingin sa harap ko.

"Water." Abot niya sakin ng tubig ng mapansin nyang masyadong nang marami ang nakain ko.

"Thanks."

"I missed this." Nagtataka naman akong tumingin sakanya nang sabihin niya yun.

"Yung nakikita kang masaya dahil lang sa maliit na bagay na nagawa ko o binigay ko."

"Ang drama mo ah." Natatawa kong sabi para di niya makita ang pamumula ko.

"Seryoso." Natatawa niya ring sabi.

Sige tawanan nalang kami dito. Awkward kasi eh.

"So kelan alis natin papuntang Batangas?"

"Tomorrow morning." WHAT?!!!

"Huh?!! Pero wala pa 'kong gamit na nahahanda!!" Gulat kong sabi sakanya.

"That's not my fault, Chandria." Tumawa pa ang mokong tss.

"Sinabi ko bang kasalanan mo?" Mataray kong sabi sakanya kaya mas lalo syang natawa.

"Chill. Sige na mag-ready ka na ng mga dadalin mo." Sa sinabi nyang iyon ay tumakbo na ko pero agad rin bumalik at kinuha yung Nips at agad rin ulit tumakbo.

Makalimutan ko na lahat wag lang yung Nips ko.

"Careful!" Rinig ko pang sabi nya kaya medyo bumagal takbo ko hanggang sa naging lakad nalang.

Nang nakarating ako ng kwarto ko ay nilabas ko agad ang maleta ko at pumasok ng walk-in-closet ko.

"Hmm." Kumuha ako ng two piece, see-through na dress, shirts and shorts para pantulog.

Our Story As Ex-BestfriendsWhere stories live. Discover now