Chandy's Pov
Tahimik lang ako dito kasama nilang kumakain habang sila pinipilit na magpatawa na ang natatawa lang naman ay ang Barkada habang ako busy sa pagkain ko at nanatiling emotionless.
"Eto. Ano english nang Lata Dalawa Sampu?" Tanong ni Kats habang yung Barkada naman ay nagisip at nang maabsorb na ang ibig sabihin ay sabay-sabay nila syang binato nang kutsara, tinidor o kung ano pa ang mapupulot nila.
"Putaina mo!" Sigaw ni Alex kaya sinipa sya ni Janella sa paa sa ilalim nang table dahilan para mapaaray sya.
"No swearing" Pagbabawal nito at kumain ulit habang si Alex naman ay tumingin sa katabi ni Janella na nagkibit-balikat lang naman.
Tumingin naman silang lahat sakin nang maramdamang nakatingin ako sakanila. I wish i could be as happy as them.
"Tapos na ako." Paalam ko at tumayo na tsaka lumabas na nang Dining Room.
Alam kong dapat ay hindi ako nagagalit sakanila because kagaya ni Drake ginawa lang nila yun para sa ikabubuti ko pero di ko naman maiwasan na medyo magtanim nang sama nang loob sakanila dahil sa nangyayari.
"L-love." Nasa gitna palang ako nang hagdan nang may tumawag sakin dahilan para magulat ako at mapaluha.
Lumingon naman ako dun at nakita ko si Drake na dala ang maleta nya habang nasa baba nang hagdan.
"L-love." Sambit ko habang umiiyak agad naman nyang binatawan ang maleta nya at tumakbo sakin tsaka ako niyakap.
"I'm so sorry. I'm sorry." Rinig kong bulong nya habang yakap-yakap ako habang umiiyak din.
Umiiyak lang naman ako sa dibdib nya habang mahigpit ang hawak sa damit nya.
"I'm sorry, Love. Please forgive me. I begging you please forgive me." Mahina nyang sabi habang umiiyak.
"L-love." Umiiyak kong sabi at niyakap sya nang mahigpit.
"Sorry. Sorry, Love. Sorry." Naramdaman ko naman na hinahalikan nya ang pisngi ko habang nagsosorry nang nagsosorry.
"I love you. I love you. Please, Love. Don't be mad at me." Pagmamakaawa nya at mas hinigpitan pa ang yakap sakin.
Si Daniel nakacross-arms lang na nakatingin samin. I guess sya ang sumundo kay Drake since kanina pa sya nawawala.
"I love you." Sabi ko at sumiksik sa dibdib nya.
Kumalas naman sya at hinalikan ako kaya napangiti ako. Pinunasan nya naman ang mga luha ko at ngumiti sakin.
"I love you, Love. To the moon and back." Bulong nya habang nakangiti kaya napangiti rin ako.
"I guess you're happy now. Nandyan na si Drake." Nakangiting sabi ni Daniel pero di mapagkakailang peke ang ngiting yun.
"Sya ang sumundo sakin." Bulong ni Drake sakin kaya ngumiti ako.
"Thank you." Pagpapasalamat ko sakanya kaya tumango lang sya at nilampasan kami pagkatapos tapikin sa balikat si Drake.
May binulong sakanya si Daniel dahilan para medyo mapatigil sya.
"Hey, Are you okay?" Tanong ko nang mapansin na nakatulala sya.
Agad naman syang napatingin sakin at ngumiti tsaka tumango.
"Ofcourse, Love." Ngiti nya sakin kaya tumango nalang ako.
"Kumain ka na?" Tanong ko sakanya habang hinihila sya sa Dining Room.
"Nope." Maikli nyang sagot habang nagpapahila kaya binuksan ko na ang pinto tumumbad samin ang Barkada.