Chandy's Pov
Natapos ang isang buong araw ay nandito lang sya sa opisina ko habang nakahiga sa sofa at nanonood ng TV.
"Spongebob Squarepants!" Nagulat ako nang bigla syang sumigaw sa sofa habang nanonood.
Lumapit naman ako at tinignan ang pinapanood nya.
Nickelodeon: Spongebob Squarepants -_-
"Parang bata." Sabi ko at bumalik sa upuan ko.
"Ang ganda kaya. Ang cute ni Patrick oh!"
Umirap naman ako sa hangin at inayos na ang gamit ko.
"Aalis na?"
"Yup, Kaya tumayo ka na dyan." Parang bata naman syang nagpapadyak dun sa sofa habang nakanguso.
"Dali na." Umirap naman sya at labag sa loob na pinatay ang Tv tsaka tumayo.
"Nanonood pa ako eh." Naiinis nyang reklamo na nakapag-pairap sakin.
"Eh kung gusto mo eh bumalik ka dun para manood habang ako aalis na." Sabi ko nang makalabas kami ng opisina ko.
"Tsk. Wag na." Sagot nya at inakbayan ako kahit na nakasimangot parin sya.
"Eh akala ko ba gusto mo pang manuod ng 'Spongebob' mo?"
"Di na. Aabangan ko nalang ulit yun sa susunod."
"Di na! Dun ka na. Pakasalan mo pa kung gusto mo."
"Love naman. Wag mo naman ako ipamigay. Tsaka ang sabi ko lang naman naku-cutan ako sakanila pero di ko naman sinabi na nagagandahan ako noh, Ikaw parin kaya ang pinakamagandang babae sa buhay ko at partida! Cute na cute pa. Parang minion! Hihihihihihihi!"
"Yung totoo, Drake? Anong nakain mo at bumalik ka sa pagkabata?"
"Pagkain."
"Tsss." Sagot ko nalang at lumabas na nang Elevator
"Goodevening po, Ma'am, Sir." Ngiti samin nang guard pagdaan namin sa Entrance.
"Goodevening din po" Bati namin pabalik sakanya tsaka ngumiti.
Hinatid nya naman ako sa kotse ko bago dumiretsyo sa kotse nya.
"Goodnight, Love." Paalam nya sakin bago ako hinalikan sa noo at ngumiti sakin.
"Goodnight din, Love." Paalam ko rin sakanya tsaka sumakay sa kotse ko pero bago pa ako makasakay sumigaw na sya.
"I love you!" Huli nya sabi habang nakangiti
Sinara ko muna yung kotse tsaka inopen ang makina at pinaandar para umuwi pero bago yun huminto muna ako sa harap nya at binaba ang salamin habang sya ay Yumuko para makapantay yung mukha ko.
"I love you too." Ngiti ko tsaka nagpeck sa lips nya tsaka pinisil ang ilong nya at tinaas na ulit ang bintana at umalis na.
Nasa harapan na ako nang Bernardo Corp. nang may tumawag sa phone ko kaya tinignan ko ito.
Calling... Katsumi Kabe!!!!!!
Sinagot ko naman ito at in-on ang speaker para makapag-focus sa pagmamaneho.
"Kats" Bati ko sakanya nang sinagot ko ito.
"Tsk, Landi nyo."
"Huh?"
"Pumunta ako sa kumpanya nyo pero may nakita ako di kaaya-aya."
"Eh ano bang kailangan mo at napadaan ka pa nang kumpanya namin?"