Chandy's Pov
'Napakahina mo'
Tama naman sya eh. Wala ka naman talagang karapatang magtapang-tapangan dyan kasi in the first place, kung hindi mo pinairal ang pagiging childish mo noon ay edi sana di lumala lahat ng toh. Edi sana okay pa kayo.
Pero kasi... ewan ko ba.
Namalayan ko nalang na mabilis na palang akong tumatakbo papalapit sakanya na naglalakad na rin palayo at niyakap sya patalikod.
"I'm sorry. I-i'm really sorry. Di ko sinasadya." Umiiyak na sabi ko habang mahigpit ang pagkakayakap sakanya. Mabuti nalang ay walang katao-tao dito.
Naramdaman ko naman ang kamay nya sa mga braso ko na nakayakap sakanya bago inalis at humarap sakin.
Nakatingala naman ako sakanya habang ang mga mata nya ay may lungkot at awa. Pinunasan nito ang mga luha ko na tuloy-tuloy ang pagtulo bago ako niyakap.
"I'm sorry." Iyak na ko ng iyak dahil sa sobrang pagsisisi.
Maya maya lang ay kumalas na rin sya at ngumiti sakin.
"B-bes." Tawag nito sakin na mas ikinaiyak ko. Niyakap ko naman ulit sya. I missed this.
"I-i'm sorry. I'm sorry for leaving you. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko nun at naisip ko na magpakalayo-layo muna. I'm sorry kung hindi ko inisip ang mararamdaman mo nun. Pasensya na kung nasaktan kita. Sorry." Umiiyak na sabi rin nito habang mahigpit ang yakap sakin.
Nanatili naman kaming ganun hanggang sa bumitaw na kami pareho.
Umupo naman kami dito sa swimming pool since lahat naman kasi ng tao nasa garden at kami lang ang nandito.
"Kung hihingi ba ko ng tawad sayo ngayon? Papatawarin mo ba ko?" Ako na ang pumutol sa katahimikan dito.
Narinig ko naman syang natawa ng malungkot.
"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong nyan?" Napangiti lang naman ako ng pilit habang tulala parin sa sahig. Nakakaantok talaga ang pagiyak.
"Oo. Siguro naging sobrang childish lang talaga ako kaya pati mga maliliit na bagay, pinapalaki ko."
"Hindi naman yun maliit na bagay. Malaking bagay yun. Kaya nga naiintindihan kita nung nalaman kong sobra kang nagalit sakin. I can't blame you. Nasira ko ang tiwala mo."
Hindi nalang ako sumagot at napangiti nalang ng maliit bago nanahimik ulit.
"N-nung nasa america ako..." Panimula nito kaya napatingin ako sakanya.
"May nakita akong magbestfriends dun. Ang saya saya nila. Parang tayo lang dati. Pilipino rin sila. Ayaw kasi samahan nung lalaki yung bestfriend nyang babae na magpunta ng mall para magshopping. Kaya yun, nainis yung babae at di na pinansin yung lalaki. Maya-maya biglang bumuntong hininga yung lalaki at tumingin sa bestfriend nya na mangiyak-ngiyak na sa tabi nya." Napatigil sya sa pagku-kwento dahil natawa sya ng mahina bago tumingin sakin.
"Kagayang-kagaya mo sya. Tapos yun hanggang sa sumuko na sya at pumayag na sa gusto nung babae kaya biglang lumiwanag yung mukha nung babae at niyakap yung lalaki sa sobrang saya. At dun na ko umiwas ng tingin. Naalala kasi kita dun sa babae eh. Yung bestfriend ko na ubod ng ganda at ubod ng cute kapag umiyak dahil di ko sya napapagbigyan sa isang bagay. I missed you all of sudden. Parang gusto ko agad bumalik at sabihin sayong 'bes, andito na ko. Wag ka nang malungkot please. Sorry sa nagawa ko.' Pero wala eh. Nasaktan na kita. Kaya siguro pumasok dyan sa isip mo na gumanti sakin kasi sobra kitang nasaktan." Nagsimula nanamang tumulo ang luha ko. Siguro nga.
"Bago ako umalis ng U.S ay nagdadalawang isip pa ko. Kasi hindi ko alam kung pano kita haharapin eh. Hanggang sa umuwi ako at nabalitaan ko na may boyfriend ka na pala. At mahal na mahal mo sya. Aaminin ko na nasaktan ako nun. Pero ano ba laban ko? Wala naman na akong pinanghahawakan eh. Kaya ayun. Hanggang tingin nalang ako sainyo. Kahit ang sakit sakit na." Sabi nito at yumuko bago pinunasan ang luha.
"Ang gago ko kasi eh. Paulit-ulit ko nang sinasabi sa puso ko na wag na wag mahuhulog sayo pero.." Sabi nito at napayuko ulit bago napasabunot sa sarili nya.
Natigilan naman ako dun.
"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong ko dito kaya tumingin sya sakin at bumuntong hininga.
"I like you, Chandria-- no scratch that, i love you. Matagal na, Chandria. Pero hindi mo nararamdaman yun kasi hanggang bestfriend lang ang tingin mo sakin kaya akala mo normal lang ang mga pakikitungo ko sayo. Akala ko paguwi ko makakaamin na ko sayo. Pero wala. Mas lalo lang akong nawalan ng pag-asa sayo dahil meron ka na."
"N-nung nagaway kayo ni drake? I was there the whole time. Pinapakinggan ko lang kayo. Dun. Dun ako umasa na baka meron pa akong chance. Pero pano ko naman magagawang ligawan ang isang taong galit naman saakin." Pagak itong tumawa at sumandal sa upuan nya.
"Kaya lumayo rin ako. Naisip ko na, kapag nagkabati na tayo. Dun nalang kita liligawan. Pero mukhang malabo naman yata. Kasi kita ko eh. Kita ko sa mata mo na sagad na hanggang buto ang galit mo sakin. Na wala na talaga akong pagasa. Pero wala naman kasi sa bokubularyo ko ang salitang 'suko' eh. Kaya lalaban ako hanggang huli. Wala akong pakielam kung masasaktan ako. Kung magmamahal ka ng iba. Basta maghihintay ako. Kasi alam kong darating ang araw na, ako naman ang mamahalin mo." Wow. Just wow.
"Grabe ah. Kakabati pa lang natin may pa-ganyan ka na agad?" Biro ko at tumawa kaya natawa rin sya.
"Mabuti nang ipaalam ko na sayo agad noh. Para naman hindi na ko mahirapan umamin sayo kung kelan meron ka nang mahal na iba." Napatawa lang ako.
"Adik." Bulong ko pero syempre narinig nya parin. Bwisit yan eh.
"Sayo? Yiiiieh." Pangaasar nito kaya nabatukan ko sya.
"Gago." Sabi ko sakanya at tumawa. Natatawa rin naman syang tumingin sakin.
"Swerte mo nga eh. Alam mo bang sayo lang ang ganito? Tapos babatukan mo lang ako hmp." Kunwaring nagtatampong sabi nya at ngumuso na parang bata kaya napahalakhak ako.
"Kina-cute mo yan?" Natatawa kong pangaasar kaya sinamaan nya ko ng tingin.
"Matagal na kong cute noh." Mahangin na sabi nya.
"Weh? Kelan? Nung sanggol ka?" Napahawak naman sya sa bandang puso nya at umaktong nasaktan.
"You're mean." Pagda-drama nya kaya natawa ako lalo.
"I know, bes. I know." Natatawa kong sabi kaya natawa rin sya.
Finally. Sa wakas ayos na rin kami.
Tumigil naman ako sa pagtawa at tinitigan lang sya habang tawa parin sya ng tawa. Nakakamiss.
Nang mapansin nyang di na ko tumatawa at tumigil na sya at tumingin sakin. Ngumiti naman ako ng matamis sakanya.
"Merry Christmas." Bati ko sakanya kaya napangiti rin sya at lumapit bago ako halikan sa noo na ikinapikit ko.
"Merry Christmas." Bulong nya at niyakap ako kaya yumakap rin ako pabalik.
Sobrang saya ko na. Sobra-sobra na.