Chapter 15

319 14 0
                                    

Chandy's Pov

Sa isang araw na ang alis namin dito sa Ice Land and since tapos naman na ang Photoshoot namin ay nilulubos-lubos na namin ang stay namin dito.

Kasulukayan akong nandito sa Hotel Room ko habang inaayos ang maleta ko para ready na sa pagalis sa isang araw nang may kumatok.

"Pasok!" SIgaw ko since busy ako sa pagaayos.

Nagulat naman ako nang sumilip dun si Kyle.

"Wanna come with us?" Tanong nya at binuksan ang pinto.

"Saan?" Curious kong tanong sakanya at sinara ang maleta ko.

"Secret." Natatawa nyang sagot kaya natawa ako.

"Saan nga?" 

"May alam akong relaxing na lugar dito. Tara!" Sabi nya kaya tumango ako.

"Sandali lang." Paalam ko at kinuha ang Sweater ko at sinuot.

Lumabas naman na kami at nagulat ako nang makita kong nakasandal si Daniel sa pinto nya.

"Kasama natin sya." Sabi ni Kyle na parang alam ang nasa isip ko.

"Ahhh." Sagot ko at nauna na maglakad.

Sumunod naman sila sakin hanggang sa makapasok sa elevator. Nang makalabas kami ay nauna nang maglakad si Kyle hanggang nakaabot kami sa Kotse ni Daniel.

Sumakay naman ako sa Shotgun  habang si Kyle nasa Backseat. Tinuro naman ni Kyle ang daan papunta sa pupuntahan namin.

Tumigil naman kami sa isang parang bundok na may hagdan paakyat.

"Tara na!" Sabi ni Kyle at nauna nang bumaba kaya ganun din ang ginawa ko.

Nagsimula naman na syang umakyat sa hagdan habang kami nasa baba pa habang nakatingin sa taas.

"Hurry up!" Sigaw nya dahil medyo malayo-layo na sya samin.

Huminga naman ako nang malalim at nagsimula na rin umakyat. 

Maya-maya lang ay nakaakyat na kami.

"W-wow." Literal na napanganga ako sa ganda nang nasa harap ko.

I know sanay na ako sa mga overlookings pero iba ito. It's an overlooking pero it's a rooftop style.

Gosh! Overlookings and Rooftops are my favorite!

"He's right. Rooftops and Overlooking nga talaga ang mga paborito mong puntahan." Bigla sabi ni Kyle na nasa harapan ko.

"Who?" Tanong ko sakanya kaya ngumiti sya at nginuso ang nasa likod ko na nakatingin din pala sakin.

So naaalala nya pa pala? Napangiti naman ako nang mapakla at umiling. 

Naglakad naman ako papunta sa railings dito at sumandal. Umupo naman si Kyle sa sahig at tinapik ang tabi nya kaya umupo rin ako, Ganun din naman ang ginawa ni Daniel.

"Pano mo nalaman ang lugar na toh?" Tanong ko sakanya pero nakatingin lang sya sa harap.

"Dito ko nakilala si Farah." Sagot nya habang nasa harap parin ang tingin.

Nakangiti sya pero malungkot ang mata nya.

"Farah?" 

"My Ex-Girlfriend." Sagot nya at ngumiti sakin bago yumuko.

"Nasan na sya?" Tanong ko habang nakatingin parin sakanya.

"She's G-gone." Sagot nya pero di nakatakas sakin ang pagbasag nang boses nya.

Our Story As Ex-BestfriendsWhere stories live. Discover now