Chandy's Pov
Back to Normal na ang lahat pagkauwi namin galing Ice Land. For now, Weekends pa kaya nandito lang kaming barkada sa Mansyon.
"Ayy puta!" Sigaw ni Kats galing sa kusina.
Well,Yung boys kasi yung nagluluto para may magawa naman since wala sila Manang kasi day-off.
"Shit!" Sigaw naman nila Grey, Drake at Daniel galing dun.
"Eh bakit kaya di kayo tumulong dito? Nakaupo lang kayo dyan oh!" Sigaw ni Alex at lumabas nang kusina.
"Tinatamad ako." Sagot ni Janella habang nagmamanicure.
"Nanonood ako." Sagot naman ni Liza at Julia na nanonood nang Men in Black 2.
"Busy ako." Sagot ko at humarap ulit sa Laptop ko at Nag-tetris.
"Arghhh! Kung di lang kayo babae eh!" Sigaw nya at pumasok na ulit nang kusina.
"Kung di lang sila Babae ano?!" Sabay-sabay na sigaw nila Quen, Drake, Inigo at Elmo sa kusina.
"Wala." Rinig ko namang sagot ni Alex.
"Hoy Alex! Yung isda sunog na!" Rinig kong sigaw ni Chris galing sa kusina kaya inis akong pumunta dun.
Lumapit naman ako sa kalan tsaka hinila kay Alex ang Spatula at Binaliktad nang walang kahirap-hirap ang isda.
"Labas!" Sunod-sunod naman silang nagsilabasan kasunod nang pagpasok nila Liza.
Nagpunta naman sila sa kanya-kanyang ginagawa nila Kats kanina at sinimulang ayusin.
Nang matapos na kami ay nilipat na namin lahat nang pagkain sa Dining Room habang ang mga lalaki naman ay tahimik na inaayos ang lamesa.
Binatuhan ko naman sila nang ointment para sa mga talsik na mantika na nagpantal sakanila. Pagkatapos ay kumain na kami nang tahimik at walang nagsasalita.
Nang matapos kami ay nilagay na nila ang mga pinagkainan sa sink kaya sinimulan na namin maghugas habang sila ay pumasok nang living room.
"Movie Marathon tayo." Yaya ko sakanila habang naghuhugas nang pinggan.
"Sure." Sagot naman nila habang nakangiti kaya tinapos ko na ang mga hinuhugasan ko at umakyat na kami.
Naligo muna ako bago ako dumiretsyo sa Movie Room. Naabutan ko naman yung Girls dun na nakaupo at namimili pa nang papanoorin.
"Ano papanoorin?" Tanong ni Janella na namimili nang movie.
"TFIOS nalang." Sabi ko at tumingin sakanila.
"Sige!" Excited nilang sabi kaya pinindot na ni Janella yung Movie kaya humiga na kami dito.
Nanonood lang kami dito hanggang sa hindi na namin napansin na nakatulog na kami.
Nagising ako nang may maramdaman akong malambot na bagay sa likod ko kasabay nang may dumampi sa noo ko.
"Sleep tight, Love." Rinig kong bulong nito bago ako may narinig na pagbukas at pagsara nang pinto.
Pinagpatuloy ko nalang naman ang tulog ko hanggang sa magising ako dahil kumukulo na ang tyan ko.
Bumaba naman ako at dumiretsyo sa kusina. Napansin ko lang naman na gabi na dahil sa nadaanan ko ang sliding door papuntang swimming pool.
Naghanap naman ako nang makakain sa ref pero wala akong mahanap kaya nagluto nalang ako nang itlog at nagsimula nang kumain magisa. Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ulit ako at tinignan ang oras sa bedside table ko.