Chandy's Pov
Pirma dito, Pirma dun. Meeting dito, Meeting dun. I swear nakakapagod! This is one of the reasons kung bakit mas gusto ko pa na maging photographer kesa na maging Business woman kasi titignan mo palang sobrang nakakapagod na tignan.
Tinawag ko naman ang sekretarya ko habang nasa Laptop ko ang tingin.
"Yes, Ma'am?" Tanong nya nang makapasok sya sa opisina ko.
"Napapirmahan mo na ba kay Mr. Jimenez yung pinapapirmahan ko?" Tanong ko sakanya habang tutok parin sa Trabaho ko.
Narinig ko naman ang mahina nyang mura kaya napatingin ako sakanya. Don't tell me....
"Sorry po, Ma'am. Nawala po kasi sa isip ko eh. Pasensya na po. Bibilisan ko nalang po." God! Agad naman akong hilot sa sintido ko at sumandal sa swivel chair ko at pumikit.
"Okay. Hurry up, Lea. Because i badly need that now." Mahinahon kong sabi habang nakapikit parin.
"Yes, Ma'am. Sorry po talaga." Rinig kong sabi nya kaya tumango lang ako.
"You can go now."
Maya-maya lang ay narinig ko nang nagbukas at nagsara ang pinto nang opisina ko kaya inikot ko ang upuan ko paharap sa Glass Wall nang opisina ko.
"Really? Nakalimutan na't lahat-lahat nang sekretarya mo ang importanteng files na pinapapirmahan pero hindi ka parin nagalit?" Agad naman akong napaharap sa nagsalita na nanggagaling sa sofa.
Gosh, Padilla!
"Hindi kasagutan yun para sumunod sya sa pinapagawa ko. Hindi naman na mababalik ang mga oras para ma-tama nya ang kasalanan nya diba?" Sagot ko naman sakanya nang makabawi sa pagkagulat.Natahimik naman sya dun kaya umayos ako nang upo at humarap ulit sa Laptop ko.
"What are you doing here anyway?" Tanong ko sakanya habang tumitipa sa keyboard.
Because as far as i remember, Wala naman syang sinasabi na pupunta sya or any important news na kailangan nyang ibalita para pumunta sya dito.
"Drake is in L.A right?" Tanong nya sakin na ikinagulat ko.
Pano nya nalaman?
"Yes." Simple kong sagot sa tanong nya sakin.
"May sinabi ba sya sayo na iba nya pa na gagawin dun except for Business?" Agad naman akong napatingin sakanya nang nagtataka.
"Wala na." Sagot ko at binalik ang tingin sa Laptop ko.
Narinig ko syang bumuntong hininga kaya mas lalo akong nagtaka.
"May dapat ba akong malaman?" Tanong ko na ikinagulat nya.
Unti-unti naman syang tumango sakin at huminga nang malalim.
"Ayaw kong pangunahan sya but..." Tumayo naman sya sa kinauupuan nya at pumunta sa harapan ko at may nilapag na mga litrato.
Kinuha ko naman ito at tinignan. Natulala naman ako sa nakita ko.
Ang laman nang mga litrato ay si Drake na nasa Ospital. Maraming aparato ang naka-kabit sakanya at halata ang pagka-maputla nya.
"W-where did you get this?" Gulat ko tanong habang nasa litrato parin ang tingin.
I remembered the first time we met. Ang sabi nya sakin nagkaron daw sya nang tumor sa utak nya. Pero ang sabi nya natanggal na daw at gumaling na sya pero.... Pero ano toh?
"From my private investigator. Nung nasa resort tayo kinausap nya ako. Kinumprunta nya ako about sa nangyari Last Year. That time muntikan nya pa ako masuntok sa galit sakin pero kumalma rin naman agad, Until i noticed na parang nahihilo sya or something kasi nakahawak sya sa ulo nya na parang sumasakit. That why i asked him and there... He told me na may tumor sya sa utak. Binilin ka nya sakin na bantayan ka daw habang nasa L.A pa sya. I asked him, Ang sagot nya magpapagamot daw sya. At first nagtaka ako kung bakit ayaw nyang sabihin sayo about sa sakit nya pero i think masyado kang mahal ni Drake para saktan ka. That's why pumayag ako. Sinabi ko sakanya na di ko sasabihin sayo pero..." Pinutol ko naman at tumingin sakanya habang naluluha na.