YOU'VE TOUCHED MY WOUNDED HEART

1.9K 67 0
                                    

" YOU'VE TOUCHED MY WOUNDED HEART "
WRITTEN BY : SHERYL FEE

CHAPTER 3

" Okey ka  na ba insan?  Bakit ka umiiyak?" tanong ni Rhayne sa pinsan na si  Shainar Joy.

Ito  ang pinili niyang lapitan kaysa sagutin ang telepono dahil umiiyak.

" Ayoko na siya Rhayne! Ayaw  ko na! Manloloko siya." iyak na sagot nito.

" Sinu? Ano ba ang nangyari ? Bakit ba?" nagugulumihang tanong ng binata.

Sa  pagitan ng kanyang pag-iyak  ay  nagawang isinalaysay ni Joy ang dahilan kung bakit siya umiiyak.

" Joy  pinsan minsan alam mo hindi lahat ng nakikita  ng mga mata natin ay  totoo. Minsan akala natin na totoo hindi dahil dinadaya pala tayo. Kaya't kung ako sa iyo kausapin mo muna ang asawa mo bago ka gumawa ng hakbang na ikakasira ng relasyun ninyo.  Lahat naman ay  nadadaan sa magandang  usapan." malumanay  niyang payo dito.

" Hindi! Ayoko  na sa kanya insan! Kitang - kita ng dalawang mata  ko! They're  both naked as well as they're  hugging each other at sa bar pa iyun! Simula sa araw na ito pinuputol ko na kung  anumang  ugnayan mayroon kami." sumisinghot na aniya ni Joy.

Magsasalita  pa sana si Rhayne pero siya namang pagtunog  ng buzzer ng kanilang abuelo. Ito ang  dahilan kung bakit hindi sila puweding sabay-sabay umalis ng tahanan nila. It's  all because  of  their grandfather.

" Diyan  ka  muna insan baka may kailangan si grandpa. Babalikan kita." aniya na lamang niya sa pinsan.

" Sama  ako insan. Gusto kung makausap sina grandpa at grandma." tugon ng luhaang si  Joy.

" Sige halika na nasa taas sila ni grandma." tugon ni Rhayne at inalalayan ang pinsan.

They all her as well. She's  so clumsy. The clumsy princess nga kung tawagin ng mga kapatid. Ayon  pa sa numero unong  alaskador ng pamilya nila na si Garreth. Ito  daw ang nakamana  sa kalampahan ng grandma Rene nila. In other way, " it's  my assets as well " ika  nga  nito. But at the moment ibang Shainar Joy ang nakikita  niya isang babasaging tao.

Umakyat nga sila sa ikalawang  palapag ng malaking tahanan ng mga Calvin kung nasaan ang kuwarto ng mag asawang  Roy  at Sheryl.

Pagka akyat  pa lamang ng dalawa ay  patakbo  ng yumakap si Joy  sa  kanilang abuelo. Nasa tamang edad na sila pero  para silang mga  bata kung maglambing. 

" What happened  princess? Why are you crying?" masuyong  tanong ni Grandpa Roy sa nag iisang babaing apo niya habang hinahaplos-haplos ang mahabang buhok nito.

Pero  nakalipas ang ilang minuto pero hindi pa rin ito sumagot. Kaya't lumingon ang matanda sa kanya.

" Sabi  lang  naman niya grandpa ayaw na niya sa asawa niya dahil manloloko.  Kausapin na lang natin siya ng maayos kapag okey  na pakiramdam  niya." tugon ni Rhayne.

" Tama iyun grandpa manloloko siya! Porke ba't tumataba  na ako ay  ipagpapalit  na niya ako? Hindi ko siya mapapatawad! " iyak  nitong muli habang nakayakap sa abuelo.

Dahil  dito ay  nagkatinginan ang tatlo. Lalo  na ang dalawang matanda, napatingin  sila kay  Rhayne na para bang sinasabi na " anong nangyari  sa pinsan mo ". And he mouthed  too as his answer " I don't know ".

" Princess tahan na. I know you have a good heart. For now you need to take a rest at kapag okey na ang pakiramdam  mo nandito lang kami para makinig sa iyo." masuyong aniya ni Grandpa Roy.

" Grandpa I want to go away from him.  Gusto kung pumunta ng Harvard  ngayon din grandpa." aniya nito na halatang wala ng makakapigil pa.

" Ahem  insan  hindi sa  may  kinakampihan ako sa inyong  mag asawa ha pero dapat mag usap muna kayong dalawa. Hindi naman  siguro masama na mag usap  kayo at kung desidido kang  iwanan siya atleast nag usap kayo." paliwanagni  Rhayne.

YOU'VE  TOUCHED MY WOUNDED HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon