" YOU'VE TOUCHED MY WOUNDED HEART "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER 18
Kung paano nakauwi sa tahanan ng kanyang mga grandparents si Precious ng gabing iyun ay hindi na niya alam. Isa lang ang sigurado niya sa buhay she still love her ultimate crush.
" Bruha of course mahal mo iyong tao isinuko mo nga ang sarili mo sa kanya agad-agad eh!" kastigo tuloy ng inner mind niya sa kanya.
" Kaya siguro hindi ko maisuko -suko ang sarili ko sa hayop na iyun dahil it's reserved for him." napapangiting sambit at sagot ng dalaga.
Kinapa niya ang kanyang sarili kung may pagsisisi nga ba siyang nadarama sa nagawa o ang pagsuko ng gano'n na lamang sa crush niya sa kanyang sarili pero ni katiting ay wala siyang maramdaman.
" Don't worry pananagutan kita Jennifer." paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan na mas nagpapakilig sa mga patay niyang kuko at kulot -kulot niyang buhok at kinikilig.
Masakit man ang buong katawan niya dahil sa ilang ulit nilang pagtatalik ni Rhayne ay hindi ito inalintana ng dalaga. She managed to washed and fixed herself before she laid down on her bed.
" May ilang oras pa para matulog. May pasok pa ako bukas." bulong niya ng nakahiga na siya sa higaan niya.
Kitang -kita niya ang maamong mukha ng ultimate crush niya na nakatunghay sa kanya. But before he can say a word, ay hinila na siya ng karimlam. She slept with a huge smile covering her whole face.
Kinabukasan, sa hapag ay nag-uusap-usap ang mga magulang ni Jonas.
" Mukhang may himala dito kagabi ah." nakangiting aniya ng ina nito.
" Ano namang himala iyan Andring eh magkakasama tayo ng anak natin kagabi ah. Madaling araw na nga tayong nakauwi." napatigil sa paghigop sana ng kape na aniya ni mang Andong.
" It's not what you think Andong ikaw naman eh. Hindi mo ba napansin kaninang pagdating natin ang sasakyan diyan sa labas pero wala na ngayon saka kagabi may kasama si Rhayne." aniya ni Aling Mercy.
" Naku Mercy hayaan mo na iyan nasa tamang edad na siya at alam na niya ang tama o mali. Kung sakali mang nauna na ang honeymoon eh di mabuti para siguradong walang kawala ang masuwerting babae na magiging mama ni tandang maliit. Saka isa pa normal na sa panahon ngayon ang nauuna ang honeymoon kaysa kasal. " kibit-balikat na tugon ng lalaki.
" Amen." sa haba ng paliwanag ng asawa ay amin lang ang isinagot nito. Ano pa nga ba ang dapat niyang sabihin eh tama naman kasi ang tinuran nito.
Instead, bumaling siya sa anak at binilinang katukin ang kanilang bisita na napahimbing na yata sa pagtulog.
" Kuya bangun na diyan mataas na ang sikat ng araw. Kain na po tayo." aniya ni Jonas sabay katok sa pintuan.
Pero nakatatlong katok na siya pero hindi pa rin ito sumasagot kaya't in exaggerated term, ay kinalampag niya ng pagkalakas-lakas ang pintuan.
Mula sa mahimbing na pagtulog dagdag pa ang panaginip na kayakap habang natutulog ang babaing mahal niya ay napahimbing ang tulog niya. Kung hindi pa kinatok ng binatang si Jonas ang pintuan ng kuwartong inukupa niya ay hindi pa siya magigising.
" Kuya! Kuya! Bangun ka na diyan tanghali na kuya mainit na sa daan." dinig niyang tungayaw nito.
Sa narinig ay napabalikwas siya pero agad na nasapo ang ulo dahil sa sakit nito.