" YOU'VE TOUCHED MY WOUNDED HEART "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER 10
Parang sirang plaka na paulit-ulit sa pandinig ng binata ang balitang sumabog sa kanya.
" Wala na ang daddy at mommy ninyo apo. They're gone because of a plane crashed. On the way na ang papa Shane and mama Marga ninyo para maiuwi ang mga bangkay nila dito sa Baguio. " salubong na balita sa kanya ng butihin niyang abuelo na nasa sala at halatang may hinihintay.
Pasalampak siyang naupo sa carpeted floor ng kanilang tahanan dahil sa kabiglaan.
" Ngayon napagtatagpi-tagpi ko na ang lahat grandpa. Araw-araw sumasama sa akin ni Lewis pero tahimik lamang sa isang tabi kung saan siya naglalaro mag-isa. Minsan pinag-aagawan pa siya ng mga kaopisina ko para makalaro. Pero sa hindi malamang dahilan ay ayaw niyang makipaglaro sa kanila today, mas gusto niyang naglalaro at gumagawa ng paper planes sa tabi ng table ng bawat classroom kung saan ako nagtuturo pero sa tuwing pinapalipad niya ito ay laging pabulusok hindi deretso at kani-kanila lang bago kami umuwi at bigla siyang umiyak mabuti na lang patapos na ang oras sa klase ko. Ngayon alam ko na kung bakit para siyang sinasakal kanina at parang hinihila palayo sa akin. Iyun pala may ibig sabihin. Diyos ko tulungan mo po kaming tanggapin ang nangyari kina mommy at daddy." nakatingala sa kisame na aniya ng binata.
In his baby talk, lumapit ang batang si Lewis sa kanilang abuelo na nakamuwestra ang maliliit nitong braso pero dahil hindi mabuhat ng matandang lalaki ay binuhat ito ng kanilang abuela at ipinakanlung dito saka nagsalita in his baby talk.
" Grandpa bakit nila tayo iniwan? Mababait naman po sina mommy at daddy ah. Marami pong bad bakit hindi na lamang po sila ang namatay?" aniya nito sa matanda.
At his young age or sa edad nitong dalawa ay matalas na ang kanyang isipan iyun nga lang bata pa.
" Lewis apo ko don't say that okey. Oo alam nating masakit ang pagkawala ng mommy at daddy mo pero paglaki mo mauunawaan mo rin ang sinasabi ko." malumanay na sagot ni grandpa Roy na hinahaplos-haplos ang likod nito.
" Pero grandpa bakit sila pa ang nawala? Bakit hindi na lamang ang mga bad? Kagaya ng mga nasa school ni kuya nagkukupyahan ng papel, bakit sina mommy at daddy pa grandpa?" inosenting aniya nito.
Marahil nga ay mahigit dalawang taon lamang ito pero ang isip ay matalas na.
Kung sa iba siguro ay pagtutuunan ng pansin ang sinabi ng bata na nagkokopyahan ng papel. ( lagot kayo nakakamatay na ang mangopya ng papel😂😂😂) Pero para kay Rhayne ay hindi na niya ito inisip pa. Nanatili itong nakasalampak sa floor na yakap ang sarili.
Nang napansin ito ng bata ay muling bumaba at sa kuya niya lumapit.
" Kuya." pukaw nito sa binatang parang wala sa sarili.
" Yes Lewis ano iyun?" tugon nito.
" Sabi noong isang araw sa kanila ( mga studyante ) kahit anumang pagsubok ang dumating sa buhay ay manatiling matatag. Sabi mo sa kanila kung kailangan nilang umiyak ay gawin nila kung ito ang way para gumaan ang kanilang damdamin. Kuya kaya po ba cry ka dahil wala na sina mommy at daddy? " inosenting aniya ni Lewis in his baby talk.
Sa kawalan ng masabi ay iminuwestra na lamang ni Rhayne ang kanyang mga braso na agad ding nagpakanlong ang bata. Kung tutuusin parang mag-ama na ang dalawa. Kung iba ang makakakita at hindi kilala ang dalawa ay malamang mapagkamalan silang mag-ama lalo at ang dalawa ang magkahawig na sa matandang Calvin ang features.