" YOU'VE TOUCHED MY WOUNDED HEART "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER 8
Walang hanggang pasasalamat ang sinambit nilang lahat ng sa wakas ay gumising na rin ang binata sa mahaba-habang panahon na lumipas.
At pagkatapos ng ilang buwang pagpapagaling nito at paghahanda sa kasal at sa wakas natupad na rin ito.
" Congratulations bro and sis. Best wishes to both of you." masiglang aniya ni Rhayne sa kambal niya matapos ang seremonyas sa simbahan.
" Salamat bro." sabayang tugon ng bagong kasal.
Pero kung may tao mang labis na natutuwa sa kasalang iyun ay walang iba kundi ang kanilang abuelo na walang ibang hinangad kundi ang makitang maligaya ang mga mahal sa buhay.
" Salamat Ama dahil sa dami ng mga trahedyang dumating sa buhay ko heto pa rin ako at nasaksihan ko ang kasal ng aking apo. Sana po Ama gabayan mo sila gaya ng paggabay mo sa akin sa mahabang panahon." taimtim nitong dasal habang nakatitig sa imahe ni Jesus na nakapako sa cross.
Few couple of days later......
" Asawa ko may tawag ang companya sa California may meeting ang buong kumpanya." aniya ni CV sa asawa.
" Oh trabaho mo iyan asawa ko eh di pumunta ka. It's for the progress of the company hon." tugon ni Cheska.
" No honey it's not totally meeting. Give away ng kumpanya at bilang bahagi nito kailangan ng mga member na dalhin ang pamilya. So in other words the so called meeting ay isang party." nakangiting aniya ni CV.
" Sus iniba mo lang hon. Gano'n na rin iyun. " aniya ni Cheska sa asawa.
" Ang tanong ngayon hon sasama kaya sina papa at mama? Sina VC at Myrna nasa honeymoon pa naman sila. Si Rhayne eh may trabaho naman. Paano kaya ito?" napapaisip na sabi ni CV.
" Wala naman sigurong masama hon kung subukan nating sabihin kina mama at papa. Baka mamaya niyan si bunso lang maisama natin." tugon naman ni Cheska.
" Sabagay tama ka hon. Hayaan mo kakausapin natin sila mamayang hapunan para siguradong nandito tayong lahat." sang-ayun ni CV sa asawa.
Sa kabilang banda, dahil paminsan -minsan na lang nakakadalaw sa Baguio ang mag asawang Oliver Sr at Angel ay sinulit na lamang nila ito.
" Ay ang daya naman grandpa hindi ako makakasama sa inyo kina lolo Sendong." nakasimangot na aniya ni Precious.
" You can come with us apo ko." aniya ni Grandpa Oliver.
" Iyun at kung gusto niyang lumiban sa klase niya baka hindi niya makita si crush." kantiyaw ni Jameston sa kakambal.
" Hoy Jameston hindi porket may asawa na na at patatawarin na kita nagkakamali ka baka ipahunting kita kay JP." lukot ang mukha na sagot ni Precious.
" Hindi na kailangang ipahunting sis dahil nandito naman ako . Ibitin na lang natin sa puno ng kamatisan ni lola Vinang." panggagatong pa ni JP sa lukot ang mukha na hipag.
" My love naman walang ganyanan. Gusto pa kitang makasama habang-buhay." naka make face na pang-iinis pa ni Jameston.
Kaya't agad pumagitna ang mag-asawa dahil alam nila ni kung paano mang asar ang mag-asawang Jameston at Jannellah.
" Tama na iyan mga apo. Puwedi ka namang pumunta doon anytime dahil ikaw ang nandito sa Baguio. Kung hindi pa nakabakasyon ang kambal mo dito sa bansa hindi rin makakasama ang mga iyan sa Bontoc. Pare-parehas din naman kayong mga busy sa trabaho kaya huwag ka ng magalit apo ko." Pang aalo ng butihing ginang. Tumanda man ito sa edad pero ang pagiging butihing anak, asawa, lola sa mga apo ay hindi nagbago.