" YOU'VE TOUCHED MY WOUNDED HEART "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER 13
Sa paglipas ng mga araw, kapansin-pansin ang ngiti at saya na bumabalot sa katauhan ni Rhayne.
" Sama ka sa amin Lewis apo?" isang araw ay tanong ni grandma Sheryl sa apo.
" Saan tayo pupunta lola?" sagot nito. Ang taong bukod tanging tumatawag ng lola at lolo sa mga magulang ng ama't ina.
" Binisitahin natin ang ate Joy mo sa US saka si Aries." tugon ng ginang.
" Matagal ba tayo doon lola? Eh sasama pa sana ako kay kuya Chass sa province nila ate Myrna." tugon ng bata na akala mo ay matanda kung magsalita.
Nakatingin naman ang mag-asawang Sheryl at Roy dahil sa sagot ng bata. Kung sa ibang bata man siguro si tuwang-tuwa kapag bakasyon ang pinag-uusapan pero para kay Lewis ni hindi nila ito kinakitaan ng interest na mamasyal. Mas nakikita nila ang kabaliktaran ng mga kuya nito.
" Hindi mo ba gustong makita si Aries Dale? Ang ate Joy mo ayaw mo ba silang makita apo? " pagbabakasakaling tanong ni grandpa Roy.
" Gusto po lolo pero hindi ba sila uuwi? You always go there for them pero hindi man lang sila makauwi para sa iyo." tuloy ay simangot ng bata.
They all know him, bata man ito sa edad pero matalas ang kanyang pag-iisip. Kaya't bago man ito makapag-isip ng hindi maganda sa pinsan niyang si Joy ay nilapitan at niyakap ito ni grandma Sheryl. Second genius from their family.
" Lewis baby alam kung sa mura mong edad ay may trauma ka na sa pagkawala ng daddy at mommy ninyo pero alam ko ring sa mura mong edad ay nauunawaan mo na ang lahat though not at all. Someday mauuunawaan mo din ang tungkol sa hindi pag-uwi ng ate Joy mo dito sa piling natin. But it doesn't mean na ayaw na niyang umuwi nagkataon lamang na may dahilan siya kaya't hindi siya makauwi ng agad-agad." sambit ng matanda habang hinahaplos ang curly black hair ng bunsong apo.
Kumawala naman ang bata at muling lumapit sa abuelo saka iminuwestra ang mga braso na nais magpakarga dito.
" Okey come baby halika dito kay lolo." aniya ng matandang lalaki. Inalalayan naman ng ginang ang asawa habang kinanlong nito ang apo.
" I'm so sorry lolo dahil sa nasabi ko po. Since that nakailang pasyal na ako kay papa Chass sa inyo na lang po ako ni lola sasama pero kailan po tayo bibiyahe? " masuyong aniya ng bata.
" After your class apo. Sabi ng teacher mo ilang linggo pa ang natitira sa klase ninyo. " tugon ng matanda.
Pero muli silang napanganga sa sagot ng bata dahil sa narinig tungkol sa klase.
" I know what that teacher is teaching us lolo. But she never believe me. She want me to go further to the next level but I don't want 'cause if I'm going to do it I'm cheating them already so I stay with the other kids like me." napasimangot nitong sambit.
Kaya't muling napangiti ang ginoo na nakaupo sa silyang de-gulong sa tinuran ng apo.
" Tama na diyan Lewis baby--Lewis apo ko. Yes we can say matalino ka pero hindi rin naman dapat ang gano'n. Always bear in your mind panlalamang sa kapwa iyun apo. Your still young kaya you should go on with the flow." masayang aniya ng ginoo.
" Yes I will lolo but...." pambibitin pa nito.
" But what Lewis baby? Ano iyun apo? " tanong ni lola Sheryl.
" But I'm hungry now. Gusto ulam nila nana." aniya nito ng walang pag-aalinlangan. Kapag gano'n na ang tono ng pananalita nito ay they need to be " alarmed " dahil kung ang sinasabi nito sa ga'nong paraan at hinahayaan.