" YOU'VE TOUCHED MY WOUNDED HEART "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER 17
She paid a surprised visit to him but she was the one who was being surprised!
A woman is carrying a child! Kamukhang-kamukha ni Jayson ang bata!
" Anong ginagawa mo dito Sylvia?" malamig pa sa yelo na tanong ni Jayson sa babae na may kalong na bata.
" Bakit Jayson? Wala na ba kaming karapatan ng anak mo na makita ka?" balik tanong ng tinawag na Sylvia.
" Umuwi na kayo ngayon din ni Cedric Sylvia. Huwag na huwag mo akong guluhin dito!" nakasimangot na sagot ni Jayson patunay lamang na hindi nagugustuhan ang presensiya ng babae.
" At ikaw! Huwag na huwag mo akong lukuhin! Sa akala mo ba hindi ko nabalitaan ang dahilan ng bigla ninyong pagpatransfer dito sa Bontoc? Shame on you Jayson isa kang alagad ng batas pero dahil sa kalokohan mo napilitan kang magtrabaho bilang nurse. Tapos ngayon ayaw mo akong nandito?" napalakas na sigaw nito.
" Huwag kang sumigaw Sylvia natatakot na ang bata dahil sa boses mo! Saka huwag lang sumigaw dahil nakakahiya ka nga!" pinipilit pa rin ni Jayson na maging mahinahon ang boses.
" Talagang ipapahiya kita Jayson kapag hindi ka umayos-ayos! Anong akala mo sa akin bobo para hindi malaman ang gusto mo? Matino akong tao pero kapag ako ang ginagago mo puwes diyan ka nagkakamali dahil hindi kita uurungan hayop ka!" galit na sigaw ni Sylvia.
Dahil dito ay nagsilabasan ang mga kasamahan ni Jayson sa pag-aakalang may nangyayaring hindi maganda.
" Sy-Sylvia, Junior nandito kayo?" sabay-sabay pang sambit ng mga ito.
Ang akala nilang mananahimik ng si Sylvia dahil umatras ito ay hindi dahil muli siyang umabante at inisa-isa silang anim including her husband Jayson. Nakatanggap sila ng sampal mula dito.
" Mga hayop kayong lahat! Imbes na salungatin ang hayop na iyan sa ginagawa ay hindi dahil pinagtakpan ni'yo pa siya! Kulang pa ang mga sampal na iyan para sa inyong mga kalokohan! " sigaw pa rin nito na hindi inalinta ang pag-iyak ng batang hawak niya dahil sa galit.
" At ikaw Jayson huwag kang magpakasigurado dahil oras na malaman ko kung sinu ang haliparot na kumakalantari sa iyo ay hindi lang sa ipapahiya ko siya dahil baka mapatay ko siya! Mark my work!" galit nitong sigaw sa mukha ng asawa saka pinatahan ang nag-iiyak na bata.
" Tahan na anak. Binigyan ko lang ng leksyun ang tarantado mong ama. Heto na ang gatas mo anak tahan na." aniya nito sa bata sabay sayaw-sayaw sa bata.
Nagkatinginan naman ang magkakaibigan na para bang sinasabing " patay ka pare ".
Ang hindi alam ng mga ito ay nasaksihan ni Precious ang lahat. Nagagalit siya sa boyfriend niya na sa ayaw at sa gusto nito ay hihiwalayan na niya sa oras din na iyun. Pero ng nakita ang bata na sumisinok-sinok habang nakadede sa bote ay mas nakaramdam siya ng awa dito lalo at halatang kulang sa gatas. Dalaga pa siya pero may mga pamangkin kaya't alam niya ang kalusugan ng isang batang naalagaan ng husto. Dahil dito mas kumulo ang dugo niya sa lalaking natutunan na niyang mahalin. Bilang tao ay nauunawaan niya ang galit ni Sylvia kaya't hindi na siya nagdalawang isip. In her mind she can defend herself in case of emergency.
" Itong para sa panloloko mo sa akin at pagpapaniwala na isa kang binata iyun pala'y isa kang manloloko at iresponsableng asawa't ama sa kanila! At ito naman ang para sa batang iyan na pinabayaan mo at nagbuhay binata dito! " walang babalang sambit ni Precious sabay bigwas sa magkabilang pisngi ni Jayson.