YOU'VE TOUCHED MY WOUNDED HEART

1.1K 52 7
                                    

" YOU'VE TOUCHED MY WOUNDED HEART "
WRITTEN BY : SHERYL FEE

CHAPTER 20

Maayos  ng nakahimlay ang labi ng the great founder ng circle of friends. Kumpleto ang mga kaibigan nito puwera sa matagal ng pumanaw na kaibigan nilang  si Allen Johnson. Mga kaibigan, at mga kamag-anak. Kung kanina ay puno ang tahanan ng mga Calvin ng mga nakikipagsaya sana sa kaarawan nito, ngayon  ay mas punong-puno na ang malawak na bakuran para sa pakikikidalamhati sa mag anak.

Kilalang isang mabait na kaibigan,  katrabaho, kamag-anak, ama, grandparent sa mga mismong apo at mga apo ng mga kaibigan, higit sa lahat isang makataong tao ang taong  nakahimlay sa malawak na bakuran ng  mga Calvin.

" Gustuhin ko mang magtampo sa iyo grandpa pero hindi ko na magawa dahil  kahit hindi mo na nahintay ang apo  mo sa akin na lagi mong sinasabi ay alam kung oras na rin para magpahinga ka. Ilang taon na ring pinapahirapan ka ng iyong  karamdaman kaya dalangin ko ang payapa mong paglalakbay at mamuhay sa kalinga ng ating Amang Lumikha. We'll surely miss you. You're  the best granpa that I've  ever met." aniya ng bagong dating na si VC kasama ang asawa.

" Sorry lolo Roy dahil kahit gustuhin man naming bigyan ka ng apo pero wala naman po kaming magawa para madaliin ito dahil maski  kami ay  sabik na ring magkaanak pero sa ilang taon naming pagsasama  ni VC ay wala pa rin. Huwag  po kayong  mag alala lolo dahil kahit wala ka na po sa piling namin ay  mananatili kang  buhay sa aming puso't isipan." aniya naman ni Myrna habang nakayakap sa ataul ng matanda.

Sabi nga nila sa huling pagkakataon ay ibibigay  nila ang the best para sa mahal  nila sa buhay. Dahil  ang ataul nito ay isa sa ataul na  pinakamahal na sa buong mundo. Ginto ito na napapalibutan ng diyamante that cost of millions but who cares para naman ito sa pimakamamahal at pinakamahalagang tao sa buhay nila ang taong pinagkautangan nila ng  buhay nila.

Kung sa ibang lamayan ay mga kapamilya lang ng nakahimlay ang nasa tabi ng ataul pero sa kaso ng matandang Calvin ay pinapalibutan ng mga mahahalagang tao ang ataul.

" Masakit man para sa akin pare na iniwan mo na kami ng mga bata , mga kaibigan natin pero kailangan  naming tanggapin ang pagkawala mo para sa iyong  tahimik na paglalakbay. You're  one of a kind person who  will  never forget. The founder of the group, our  group that will long last. Nauna ka  man sa amin  ng mga kaibigan natin ipagpapatuloy ng mga bata ang ating grupo. We love you pare." madamdaming sambit ni grandpa Bryan.

" Kung bibilangin ko ang lahat ng nagawa mo para sa akin pare kulang  ang isang araw para dito. There's  no words to describe  you pare dahil nasa iyo na ang lahat. Mula maging  magkakaibigan tayo hanggang sa ngayon na may mga apo  na tayo ay  hindi ka nagbago halos hindi  mo inisip ang kapakanan  mo mas  inisip mo pa ang kapakanan naming mga kaibigan  mo na hanggang sa mga apo natin  ay  nanatiling mas mahalaga ang kapakanan ng mga apo natin kaysa sa sarili mo. We love you  pare." aniya naman din  ni Ralph Raven.

" Madalas ni'yo  man akong tawaging abogago pero kayo naman ang mga taong hindi nang iwan sa akin ng mga panahong kailangan ko ang tulong. Kahit America man at Pilipinas ang tawirin ninyo para lamang masamahan  ni'yo ako sa aking problema ay  ginagawa ninyo. Madalas  ni'yo  man akong batukan way back then pero alam ko namang mahal  na mahal ni'yo  ako. I'll  treasure you till the end of my  life too. We love you pare." aniya naman ni Oliver Sr.

Mga  salitang binitawan ng mga kaibigan ng nakaburol na mas nagpabuhos sa luha  ng mga  nakapaligid  sa kanila.

Sa unang araw pa lang ng burol  ng matandang Calvin ay dagsa na ang mga  tao. Mula  sa Harvard ang ilan sa mga bisita nila. Ampon man ito ng mga Calvin pero itinuring nila itong tunay na kadugo. Maraming tao din na sabi ay tinulungan sila ng nakaburol. Ang  mga  tunay na kamag anak nito mula pa sa isinumpang probinsiya  ng Abra. Ang buong pamilya  ng Aguillar na kumopkop noon  sa batang Regalado ay  nandoon din para makisimpatya sa pamilya. Kaya't kahit napakalawak na ang bakuran ng pamilya ay hindi pa rin ito nagkasya kaya't  nagpagawa pa sila ng mga tent sa labas ng gate. In respect, and for security para sa mga taong nandoon nagpakalat ng bantay ang Camp Villamor para sa dating alagad at asset ng campo.

YOU'VE  TOUCHED MY WOUNDED HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon