" YOU'VE TOUCHED MY WOUNDED HEART "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER 7
Dahil sa tawag ng tungkulin, kahit saan mapapadpad ang magpartner na sina Daylan at Marie. Sa kadahilanang sa pamosong unibersidad nagkataon na nandoon ang inuubserbahan nila ay napadpad sila doon.
" Smith wait lang parang si kuya Jameston iyun ah." pigil ng dalaga sa partner niya ng akmang lalabas na ito sa kanilang sasakyan.
" Ha? Nasaan sila? Ikaw CM ko ha kung ano-ano ang nakikita mo." tugon nito na ikinaismid ng dalaga.
" Grabe ka naman Smith pamilya mo hindi mo kayang kilalanin? O baka naman gusto mo pang kaladkarin kita patungo doon?" nakataas ang kilay na sagot ng dalaga.
" Ay CM ko sorry naman pero saang banda ba ka---"
" Anong ginagawa nila grandpa at grandma dito?" maang na sambit nito ng masundan ang tingin ng partner.
" Aba'y malay ko Smith. Kaysa naman magtanong ka diyan lapitan na lang natin sila. Total confirmed naman na nandito ang suspect at mamaya ang out niya. Isa pa maganda na rin iyung lumapit tayo sa kanila para makausap natin ang ate Precious malay mo makakakuha tayo ng dagdag impormasyun sa kanya." aniyang muli ni CM.
" Sabagay nga naman CM ko. Halika't lapitan natin sila." sagot ni Daylan at inilapit sasakyan sa mga ito.
Akmang baba na ang binata pero muli siyang inantala ng dalaga na may malapad na ngiti sa labi.
" What's on that naughty smile CM ko?" takang tanong ni Daylan.
" Makuha ka nga sa tingin Smith." CM answered with matching gigling.
" Okey let's go CM ko but be ready baka mabulyawan ka ng wala sa oras ni ate hindi bale si kuya dahil mas mahaba ang pasensiya noon." nakatawang sagot ni Daylan dahil sa kalokohan ng babaing mahal niya.
Dahan-dahan silang lumapit sa mga ito. Ni walang tunog sa kanilang yabag.
" Let's go kambal darating daw sila grandpa at grandma ngayon." dinig pa nilang sabi ni Precious at akmang papasok na ang mga ito sa sasakyan pero nagsalita na si Daylan in a different voice. A very cold voice.
" Your under arrest Miss Smith. You need to come with us to the head quarters." aniya nito sa napakalamig na boses na dahilan upang mapahinto ito.
Agad namang " sumaklolo " si Jameston sa kambal. Agad kumabila ng puwesto pero gano'n na lamang ang halakhak ng makita at mapagsino ang nasa likuran ng kambal niyang Sharp Mouth. Dahil dito ay napalingon ang dalaga at ng nakita ang bunso nilang kapatid at nalamang ito din ang pasimuno sa " aresto " kuno.
" Hoy Daylan! Anong nakain mo at gusto mo akong arestuhin? Lumapit ka nga sa aking bata ka." nakapamaywang na aniya nito at akmang kukurutin ang kapatid pero mabilis nagtago sa likod ng partner.
" Sorry na ate huwag ka ng magalit sa kanya. Actually ako ang may pasimuno ng panggugulat niya dahil kung hindi ko kayo nakita ay hindi niya malalaman na nandito kayo." hinging paumanhin ni CM sa kapatid by partner niya ng akmang kukurutin nito ang nasa likuran niya.
" Kayong dalawa kaya ang kukurutin ko sa singit? Aba'y pasalamat kayo at wala akong sakit sa puso kapag nagkataon aba'y malamang patay na ako this time." nakapamaywang na aniya ni Precious na akala mo'y nasa harap ng mga studyante na nagdidiskuasyun sa kanilang lessons.
" Grabe ka naman kambal patay agad? Puwedi namang magulatin lang." pangangantiyaw pa ni Jameston saka bumaling sa bunsong kapatid at sa partner nito.