" YOU'VE TOUCHED MY WOUNDED HEART "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER 14
" Hanggang tingin ka na lamang diyan Jayson." kantiyaw ng kaibigan ng binata ng makita siyang nakatanaw sa bagong professor ng MPSPC.
Pero ngumiti lang si Jayson sa kaibigan. Alam niyang tutuksuhin lamang siya nito kaya't hindi na lamang niya ito pinatulan. But the world is not on his side dahil ang pag-iwas niya sa isa pang kaibigan ay siya namang pagbalik nito.
" Aba Jayson sa ganda ni ma'am umayos-ayos ka na baka maunahan ka ng iba. Balita ko apo iyan ni lolo Sendong." aniya naman ng isa.
" Kung may anak-anakan may apo-apohan din guys dahil hindi naman lingid sa ating kaalaman na ang asawa lang ni tito Arman ang anak ni lola Vinang." muli ay aniya ng isa.
Dahil ayaw din naman niya ang matukso o tinutukso ay nagsalita rin siya sa wakas.
" Ang iingay ni'yo guys. Kahit ano pa man o sinu pa man siya ay wala na tayo doon lalo na kung anong pamilya siya nagmula. Hindi ko man siya kilala ng personal pero kagaya ninyo alam ko kung ano ang pangalan niya. She's Precious Jennifer Smith. So ibig sabihin hindi siya apo ni lolo Sendong dahil Vergara sila. And I'm additional guys I need your help to pursue my plan." may ngiti sa labi na sambit ng binata.
Pero bago pa may makapagsalita o makasagot sa kanila ay natigilan na sila I natahimik at napalingon silang apat ng may naunang nagsalita sa kanilang likuran.
" Hep! Hep! Hep! Anong ginagawa ninyo dito? Akin na ang bayad ninyo. Aba'y hindi na kayo nahiya ah dito pa sa campus nag-uumpukan samantalang may mga trabaho pa kayo? Ang mga nurses na tulad ninyo na hindi marunong magbayad ng upa!" pasigaw na aniya nito.
Sasagot sana si Jayson pero hinawakan siya sa braso ng isa sa kanila.
" We're running out of time madam. Better luck next time." aniya ng isa at saka tumingin sa mga kasamahan .
At bago pa man makapagbunganga ang matandang-dalaga na dati nilang pinakiusapan na makitira muna sila pansamantala sa boarding house nito pero hindi natuloy dahil nadestino rin naman sila sa ibang lugar. Kung tutuusin wala itong habol dahil hindi naman sila natuloy pero ang rason nito ay dahil daw sa kanila ay hindi naupahan ang apat na room dahil sa kanila. Pinareserved daw nila na hindi man lang nagbayad.
" Kung hindi dahil sa pakiusap ninyo naupahan sana ang mga kuwartong iyan. Sa dami ng mga studyante na nangangailangan ng boarding kaya't sa ayaw at sa gusto ninyo magbabayad kayo!" lagi nitong sinasabi sa kanila.
" Wala kaming babayaran sa iyo nana dahil hindi naman kami natuloy. Isang taon na po nakalipas sinisingil ni'yo pa rin kami sa bagay na hindi namin dapat bayaran." pasigaw ding tugon ng isa bago sila tuluyang tumakbo palayo sa school campus kung saan nila sinamahan di Jayson para muling masilayan ang lihim nitong iniibig.
Wala na ring nagawa ang matandang-dalaga kundi ang lumayo o umalis sa lugar na nagngingitngit dahil sa mga ito.
Para namang mga palakang binuhusan ng maiinit na tubig ang magkakaibigan sa loob ng sasakyan ng sa wakas ay nakalayo na sila.
" Bayaran na lang kasi natin guys kaysa lagi tayong pinapahiya ng matandang iyun samantalang hindi naman natin ginawa ang mga binibintang. Hindi rin siya ang napapahiya kundi tayo rin naman. " nakailing na sambit ni Jayson ng nasa sasakyan na sila.
" Naku Jayson huwag ka ngang ganyan. Atleast wala tayong ginagawang iba at masama sa kanya kaya't huwag na huwag kang magbayad sa taong iyun. Any isipin mo kung paano tayo makalapit kay ma'am para maisagawa mo ang panliligaw mo sa kanya. Aba'y nadestino na nga ang tao dito wala ka pa ring magawa para makalapit sa kanya." sermon naman ng isa na nasa manibela na sinang-ayunan mga ito kaya't walang nagawa ang binata kundi ang pumagitna.