YOU'VE TOUCHED MY WOUNDED HEART

849 45 8
                                    

" YOU'VE TOUCHED MY WOUNDED HEART "
WRITTEN BY : SHERYL FEE

CHAPTER 15

" Papa! I miss you  papa." salubong  na sambit ni Lewis ng makita ang kapatid  sa waiting area ng airport.

" Welcome home baby Lewis and I miss you too. How's  your vacation with Aries Dale? " tugon  ni Rhayne.

" I had a lot of fun with that talkative boy. He always talk too much. Saka  papa para siyang  old man when  he talks lalo at kulay  mais ang buhok  niya." tsismoso ka  Lewis.

" He likes you  so much apo  ko kaya  lagi  siyang nagsasalita at nakikipag -usap sa iyo." nakatawang sabad  ng kanilang abuelo dahilan para mapasimangot  ang bata.

" Oh what's  on that angry face  baby? Are you not  happy with him?" tuloy  ay takang  tanong ng  binata.

" Nothing  to worry papa dahil  kahit  madaldal siya I  like  him  too. Sana makauwi na rin sila ni ate Joy." sagot nito na akala  mo ay naiimagine  nito ang  kalokohan nila ng pamangkin na kaedad.

" Maiba lang ako apo nasaan ang nobya  mo? Akala  ko----"

" Anong ibig sabihin nito  Rhayne? Akala  ko ba binata ka at walang  asawa't anak pero----pero manloloko  ka  Rhayne! Manloloko ka! Kaya pala hindi mo ako  maisabay-sabay sa pagpunta mo dito dahil may anak ka  na pa lang itinatago. " malakas  at umiiyak na sigaw ni Rizza sa kasintahan.

" No hon  it's  not what you  think. " tarantang sagot ng binata  lalo ng makitang umiiyak ang kasintahan.

" Anong  hindi! Kitang-kita  ko na nga sa  dalawa kung mata  ngayon sabihin mo pang  it's  not what I think? Manloloko ka Rhayne!" sigaw pa rin nito na ikinabahala ng tatlo lalo  at nagsimula na silang pagtinginan ng mga tao.

" Rizza iha huwag kang sumigaw nakaka-----"

" Talagang  ipapahiya ko ang manloloko  ninyong apo. Ang  sabi niya'y binata siya iyon pala'y hindi!" sigaw at putol pa rin ni Rizza sa pagpapatahimik sana ni grandpa Roy.

Akmang magsasalita  at sasagot pa sana si Rhayne para ipaliwanag dito na nagkakamali  ito sa nakikita o sa pag-aakalang anak niya ang bunso niyang kapatid pero naunahan na siya nito.

" Ora  mismo Rhayne Calvin hiwalay na tayo! Manloloko  ka  lang pala! I hate you! " sigaw na aniya nito.

Ang kanina pa nakakunot-noo na dahilan ng pag eeskandalo ng dalaga  ay  nagsalita.

" Hey don't  you dare to shout to my papa will you! If you hate him because of me just go away from us. You don't  deserve  his love." akala mo ay matanda at may edad na ito kung magsalita dagdag  pa na nakapamaywang pa ito na sa  murang edad ay nakataas na ang kilay.

Hindi naman alam ng mag-asawang Roy at Sheryl kung matatawa sa bunsong  apo  o hindi dahil  sa tinuran nito.  Kung maiinis ba o  hindi  sa kuya nito na nagpupimilit kausapin at magpaliwanag sa nobya nito na nagpapadala sa  maling akala nito. Kaya't bago pa ito makapanermon ay pumagitna na ang matandang Calvin.

" Lewis apo ko just let your papa handle the situation. Nasa tamang  edad  na sila kaya't  hayaan mo siya at ang nobya niya na e-handle  ang  problema nila." aniya nito bago bumaling sa apo  niyang si Rhayne  na nagpupimilit  paliwanagan ang nobya nito na pinagkamalang  anak ang bunsong  kapatid.

" Rhayne apo  ko mauna  na kami sa  sasakyan. Sumunod  ka na lang sa loob malayo pa ang biyahe natin." aniya nito sa binata saka sumenyas staff ng paliparan  na tumulong  sa kanya para makalabas.

Pero bago pa man sila tuluyang makapasok sa sasakyan ay  muli nilang  narinig ang boses  ng binata.

" Please Rizza let's  talk. Nagkakamali ka  sa iyong  inaalala.  Hindi ko-----"

YOU'VE  TOUCHED MY WOUNDED HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon