" YOU'VE TOUCHED MY WOUNDED HEART "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER 5
Dahil sa nangyari sa mag asawa ng araw na iyun ay kinausap nila ang kanilang anak ng minsan ay dumalaw ito.
" Mabuti naman 'tol naisipan mong umuwi nais ka pa namang kausapin nila daddy." salubong na aniya ni Rhayne sa kambal niya.
" Oo naman 'tol saka tumawag si mommy gusto daw nila akong makausap." tugon ni Chass.
Pero bago makasagot si Rhayne ay tumunog ang bell sa room ng abuelo nila.
" Akyatin muna natin si grandpa baka may kailangan." sambit ni Chass. Kaya't sabay silang umakyat sa kuwarto ng matanda.
Sabay na umakyat ang magkapatid sa kuwarto ng kanilang mga ninuno na siya ring pagpasok ng kanilang mga magulang. Inayos muna nila ang kanilang abuelo sa pagkaupo bago sila naupo sa tabi nito.
" Mukhang napakahalaga ang pag uusapan natin grandpa. " panimulang sambit ni Chass.
" Tama iyan apo ko. Kaya't makinig kayong mabuti dahil para din sa inyo ito." tugon ng matanda.
" Nakikinig po ako grandpa." tugon ni Rhayne.
Samantalang nasa upuan ang mag asawang Collin at Cheska habang si Lewis Roy ay nasa kanlungan ng huli.
Huminga ng malalim ang matandang Calvin bago nagsimula.
" Actually Chass apo ko ewan ko kung nagkataon o talagang kasali sa politika ang nangyari sa mga may magulang ni'yo pero malakas ang kutob na gano'n na nga iyun." aniya nito kasabay ng pagpapakawala ng malalim na hininga.
" Bakit po grandpa?" takang tanong ni Chass pero si Collin na ang sumagot.
" Ako na anak ang magpapaliwanag para kay papa. Kahapon pauwi kami ng mommy ninyo galing sa grandma Princess ninyo ay may sumusunod sa amin na sasakyan na kalaunan ay humabol na. Mabuti na lamang at agad nahalata ng mommy mo ito kaya't sa Camp Villamor kami dumiretso bago kami umuwi dito kasama ang escorts namin." pahayag ni Collin.
" Alam kung maganda ang adhikain mo apo pero kami ang natatakot para sa iyo. " sabad ni grandma Sheryl.
" Tama ang lola ni'yo apo ko. Kung ako lang ang masusunod ayaw kong doon ka pumasok ng politika pero dahil alam kung maganda ang pangarap mo para sa probinsiya ay ibinigay ko na ang blessings ko para sa hangarin mo pero hindi rin lingid sa iyo ang dahilan kung bakit halos ayaw ko ng tumapak sa lugar na iyun. At ngayon unti-unting nangyayari ang kinatatakutan ko. Sunod-sunod ang aksidente na dumating sa iyo habang nasa Abra ka at ang isa pang kinatatakutan ko ay baby ni'yong kapatid baka madamay pa siya. Ngayon ilang araw na lang at magaganap na ang butuhan mas kinakabahan kami para sa iyo." malungkot na pahayag ng matanda.
" Grandpa?" sambit ni Chass.
" Anak mas magandang makiusap tayo sa tito Rey mo para may makasama kayo doon habang hindi pa natatapos ang eleksiyon. Tama ang grandpa mo nakakatakot na ang nangyayari anak." aniya ni Cheska sa anak.
" Five days to be complete 'tol magaganap na ang eleksiyon at habang papalapit ito ay mas nakakatakot na patayan ang nangyayari doon at binalak pa nilang idamay sila mommy at daddy. Ayaw ko mang sabihin 'tol pero mas mabuti pang hindi mo na in involve ang sarili mo sa politika." aniya naman ni Rhayne.
Na mas nagpatahimik kay Chass. Dahil may bahagi ng pagkatao niya ang hindi sumasang- sang ayon sa huling tinuran ng kanyang kambal.
" Alam ko ang nararamdaman mo apo ko at huwag kang mag alala dahil hindi kita hahadlangan ang sa akin lang ay mag ingat ka sana lagi apo." muli ay aniya ni grandpa Roy.