" YOU'VE TOUCHED MY WOUNDED HEART "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER 5
Halos kakauwi lamang ni Rhayne at nasa gate pa lamang siya ng marinig ang malakas na iyan ng kanilang bunsong kapatid kaya't halos takbuhin niya ang pagitan ng gate at kabahayan. Hindi na nga niya pinansin ang pakikipag usap ng guwardiya sa kanya na labis namang nagpaisip sa huli.
" Daddy what's wrong Lewis?" takang tanong ni Rhayne dahil nasa gate pa lamang siya pero dinig na dinig na niya ang iyak nito.
" Hindi nga namin alam anak ayaw tumahan mula ng nagising sa ingay ng nabasag na photo frame ng kambal mo." kabadong sagot ni Collin.
" Huuh? Bakit po nahulog dad ang ganda ng pagkasabit niya sa dingding ah." takang tanong ni Rhayne sabay baling sa lugar kung saan nakasabit ang frames nilang magkapatid at tama nga ang ama nila wala doon ang frame ng kambal niya.
Hindi nakasagot ang ginoo dahil sa pagkaalala sa anak ay natahimik ito. Na maski ang alaskadura nilang ina ay himalang tahimik ito at ipinaubaya ang bunso nila sa asawa upang alagaan ito. Nasa harap ito ng groto sa mismong loob ng kabahayan at nakaluhod ito na taimtim na nanalangin.
" Daddy?" kabadong untag ni Rhayne dahil sa katahimikan ng mga ito.
" Your twin is in danger anak. Kaya't kung mapapansin mo wala ang grandpa Roy at grandma Sheryl mo kasama ng grandma Princess at grandpa Raven mo. Nagtungo sila sa Abra para ilabas ang kapatid mo sa kulungan pero---
" Wait lang dad at sagutin ko muna itong tawag si insan Clyde." putol ni Rhayne sa pagsasalita ng ama.
" Hello insan napatawag ka?" sagot ng binata sa cellphone.
" Okey lang kuya. Nasaan ba sina tita at tito hindi daw nila sinasagot ang tawag ni daddy." aniya ni Clyde sa kabilang linya.
" Nakaluhod sa harap ng grotto si mommy insan at si daddy ay pinapatahan si Lewis na kanina pa daw nag iiyak. Bakit insan anong problema?" walang kamalay-malay na tanong ni Rhayne.
Hindi agad sumagot si Clyde dahil sa katunayan ay ayaw sana niyang sabihin ang bagay na iyun over the telephone pero karapatan ng mga ito na malaman ang tungkol doon.
" Sad to tell you insan pero under comatose stage si kuya Chass and to make the story short, ang mga taong umaresto sa kanya ay mga iskalawag at tauhan ng kabilang kampo. Imbes na sa presinto ito dalhin para maimbistigahan sana ito pero hindi dahil ilalayo sana nila ito sa bayan ng Bangued pero planado ang lahat sa kanila pinaambushed ang patrol car na sinakyan nila pero it's miracle na nakalabas si kuya dito pero dahil nakaposas ito ay walang nagawa kundi ang nagpagulong gulong hanggang sa bumagsak sa isang tabi. Ayon sa aming pag iimbistiga may palo ng baril sa kanya at nauntog sa matigas na bagay bago man ito nahulog o ihinulog ang sarili sa sasakyan dahil sa may tuyo ng dugo sa ulo niya. Sorry kuya nahuli kami ng dating dahil nangyari na ang lahat ng lumapag ang sinakyan nina daddy dito sa probinsiya ng Abra at saka siya tumawag ng nandito na sila. Ikaw na muna ang bahalang magsabi kina tito at tita." pahayag ni Clyde sa kabilang linya.
Dahil sa kabiglaan ay hindi agad nakasagot si Rhayne. Unti-unti ng nagtatagpi-tagpi ang mga pangyayari sa isipan niya. Mula sa hindi niya maunawaang kaba habang nagdidiscussed siya sa philosophy subject niya hanggang sa logic subject ay wala siya sa focus, nadatnan niyang nag iiyak ang bunso nilang kapatid dahil sa ingay galing sa ingay ng photo frame ng kambal niya, ang pagiging tahimik ng mommy nila at kahit pa sabihing debusyunada ito ay naiiba ng araw na iyun dahil hindi nito inalintana ang ingay ng paligid bagkos naka focused ito sa pagdarasal. Iyun pala ay hindi lang in danger ang kapatid niya. He's not a jerk nor stupid not to understand what are effects of being in comatose. It may lead him to his death.