" YOU'VE TOUCHED MY WOUNDED HEART "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER 4
Sa paglipas ng mga buwan kasabay ng pangangampanya at nalalapit na butuhan ay siya ring paglaki ng tiyan ni Cheska hanggang sa manganak. Pero dahil may edad na ito ng manganak ay minabuti nilang nag stay muna ang mga ito hospital kung saan ito nanganak.
Isang araw, dahil wala namang pasok si Rhayne ay nagbuluntaryo na samahan ang mga magulang sa hospital. Pero ng makabalik ang ama na sumaglit din ng uwi ay siya naman ang pinauwi para may makasama ang mga grandparents nila.
Napangiti ang binata dahil sa sitwasyong nadatnan niya. May mga edad na ang mga ito pero hindi kumupas ang sweetness ng mga ito. At bago pa siya mapansin ng mga ito ay siya na mismo ang nagparamdam.
" Ahem grandpa, grandma, mukhang nag mo moments kayo ah." aniya ng binata sa mga ito.
Ang mag asawa nga naman ay sabay pang lumingon sa bagong dating.
" Come closer Rhayne apo. Let's have a group hug." nakangiting aniya ni grandpa Roy.
Sinunod ni Rhayne ang utos sa kanya ng mga ito. Pero bago siya tuluyang makalapit at makayakap sa mga ito ay naagaw na ang kanilang pansin sa kasalukuyang balita.
" Magandang hapon po sa inyong lahat mga kapamilya, isa pong aksidente ang naganap sa probinsiya ng Abra. Ayon sa aming panayam sa isang concern citizen ay kadarating lamang sa probinsiya ang may ari ng bahay o ang tagapagmana ng tahanan ng mga Valera sa nasabing probinsiya ng bigla na lamang may sumabog sa harapan ng bahay pero ayon sa concern citizen ay wala naman daw nakuhang resulta ang mga rumispondeng mga police dito. Sa ngayon po ay hindi pa namin nakakausap ng personal ang binatang si Victor Chass Calvin na aming napag alamang kandidato para sa pagka congressman sa nalalapit na election. At ang kasama nito ay aming napag alaman din na ang kasama niyang dalaga ay kagaya rin niyang isang kandidato para sa pagkamayor sa bayan ng Tineg na isa ring bayan sa probinsiya ng Abra.
Ito po ang inyong lingkod. Florence Alvarez. Magandang hapon kapamilya."
Ang balitang gumimbal sa tatlo. Pero ang hindi alam ng mga ito ay napanood din ng mag asawang Princess Hanxi at Ralph Raven ang balita.
" Prepare the car Rhayne! Let's go to Camp Villamor now!" mauturidad na utos ni Grandpa Roy sa binata.
" 'Tart nam-----
" Wala nang pero pero 'Tart apo natin ang sangkot dito!"
" Now Rhayne go and prepare again your car and let's go to Camp Villamor to talk to the general." pang uulit pa ni grandpa Roy sa mauturidad na boses.
" Okey grandpa." tugon ng binata at tinulungan ang abuela sa pagtulak ng wheelchair ng grandpa niya.
Matapos mabilinan ang mga katulong nila ay agad ding tinungo ni Rhayne ang sasakyan at pinausad patungo sa Camp Villamor.
" Diyos ko ito na nga ba ang kinatatakutan kung mangyari. Hindi pa man nangyayari ang eleksiyon pero sunod-sunod na kinasangkutang gulo ni kambal. Lord ibalato mo na sa amin Ama ang kaligtasan ni kambal sa probinsiya. " piping panalangin ni Rhayne habang nagmamaneho patungo sa Camp Villamor.
Samantala dahil tapos na ang klase ni Precious ay napagdesisyunan niyang umuwi na lang kaysa makipagplastikan sa mga co-teachers niya sa kanilang department. Pero ng matapat siya sa mall ay napatigil siya.
" Hmmm mag window shopping kaya muna ako total maaga pa naman kaysa maboring ako sa bahay. Umuwi na rin sa Harvard si kambal." bulong ng dalaga.