" YOU'VE TOUCHED MY WOUNDED HEART "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER 12
" Sir Calvin aba hindi na tayo bumabata we need to free ourselves too." biro ng kaibigan ni Rhayne ng tumanggi siyang sumama sa mga ito sa party ng isa rin nilang kaibigan.
" Matutuloy ang party bro kahit wala ako. Alam ni'yo namang kahit saan ako magpunta nandiyan ang kapatid ko. Kita ni'yo namang kahit dito sa school nakasunod. Wala nga lang ngayon dahil sumama kay kambal." sagot ni Rhayne.
Kasalukuyan silang nagtatanghalian sa canteen ng unibersidad na kanilang pinagtuturuan.
" Bro don't get me wrong pero alam mo you need to have a social life also. Oo alam natin na mahirap ang mawalan ng magulang pero nandiyan ang buong angkang ninyo aba bro ayun sa ama ko malaking pamilya ang pinagmulan ninyo. He knows your grandparents kaya go on bro to have social life." aniya ng ni Gabriel. Isa sa mga katrabaho ng binata.
" Pre ayan dinaan ka na sa english para kasingliwanag ng araw. Alam naman naming lahat na englesero na." nakatawang aniya ni Errol.
" Pambihira naman kayong dalawa Errol, Gabriel imbes na ma convince ni'yo ang kaibigan natin pinalabo ni'yo naman eh." sita naman ni Arthur. Kaya't " I shall return " ang tawag nila dito.
Pero bago pa muling mag-ingay ang mga ito ay pumagitna na ang binata.
" Okey guys tayo-tayo na nga lang nagtatalo-talo pa kayo. Kailan ba ang party Gabriel?" sukong aniya ni Rhayne.
Tama naman kasi ang mga ito na panahon na rin para harapin niya ang kanyang buhay o love life. Mahigit isang taon na rin ang nakakaraan mula ng iwan sila ng sabay ng kanilang mga magulang nila.
" Mamayang gabi bro. Wala ng bawian ha ipapakilala kita sa pinsan kong bakasyunista galing sa Manila. Noon ko pa sana ipakilala iyun sa iyo kaso parehas naman kayong hindi mahagilap este parehas kayong nagpapagamot sa puso." kaylapad ng ngiti na sambit ni Gabriel pero batok lang ang inabot sa katabing si Errol.
" Ayan na naman kayo guys para kayong hindi mga professional eh nasa loob pa naman tayo ng unibersidad. Be professional naman." muli ay protesta ni Arthur na tinawanan nilang lahat pero agad silang nagtakip ng bibig na parang mga batang nahuli sa akto dahil napatingin sa kanila ang mga kapwa nila educators na nasa canteen.
" Kita-kits na lang tayo sa party mamayang gabi guys and bring your own partner I mean dalhin ni'yo mga gf ninyo ako na ang bahala kay sir Calvin si insan ang ipareha natin sa kanya para magkalove life naman." pahabol pang aniya ni Gabriel.
" Sabi mo eh. Sige back to work na muna tayo baka ma bad image pa tayo nito party ang pinag-uusapan sa school campus." aniya ni Errol.
" Atleast we're not talking about lives of other people and not making gossips." sa wakas ay sang-ayon ni Arthur.
" Yes it's true guys kaya bago pa kayo muling magharutan diyan tara na sa office." nakatawa na ring aniya ni Rhayne dahil kabisado na niya ang ugali ng mga kaibigan niya. Na kasabay niya na nag-aral, hanggang sa nakapagturo sila sa pamosong unibersidad ng Baguio City iyun nga lang siya ang naunang nakapasok bilang isang professor sa Saint Luis University.
Kanya-kanyang dampot sa kanilang folder ang magkakaibigan saka sabay-sabay ding nagtungo sa engineering department para sa kanilang next subject.
Samantala dahil ala-una natapos ang subject ni Precious ay that time pa siya papuntang canteen.
" Wow si miss Smith makakasalubong si crush." panunukso ng kaibigan nito.
" Eh ano naman kung makakasalubong natin eh hindi naman tayo lulubog. " patay-malisyang sagot ni Precious dahil ayaw na ayaw niyang tinutukso siya lalo kapag nasa trabaho sila. Pero deep inside of her ay kinikilig siya. Matagal na kasi siyang may gusto siya sa binatang professor ng Engineering Department. Isa pa iyun sa dahilan niya kung bakit siya sa SLU pumasok o nagturo.