" YOU'VE TOUCHED MY WOUNDED HEART "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER 19
Ang planong pagpunta ni Rhayne sa Bontoc ay hindi na natuloy dahil sa pabalik-balik na ang grandpa Roy nila sa pagamutan. Minsan isang linggo pa ito na naka confine.
" Rhayne apo nasa tamang edad ka na and it's your time to face your own life." nakuha pang aniya ng matanda minsan ay binisita niya ito.
Actually sila namang magkapatid ang araw-araw nandoon sa hospital para magbantay dahil ang kambal niya at ang asawa nito ay busy sa mga kasong hawak though, bumibisita naman ang mga ito paminsan-minsan. Ang mama Marga at papa Shane I nila naman ang panggabi kapag nasa pagamutan ito. Sa day time ay marami din sila pero pasulpot-sulpot lang dahil bumibisita lang ang mga ito kaya't sila lang ni Lewis ang nakabantay sa day time.
" Grandpa don't worry makakapaghintay iyan pag okey ka na pupuntahan ko siya at kakausapin ng maayos." tugon ni Rhayne.
" Iho ---"
" No grandpa hindi kita iiwan dito. Di ba kaya ako nag leaved ako sa trabaho para maalagaan kita ng maayos at kapag okey ka na ora mismo pupuntahan ko na siya." nakangiting sagot ng binata dahil totoo namang gusto niya itong puntahan pero hindi maiwan-awan ang abuelo't abuela nila.
Minsan parang nakikinita din niya ang maamong mukha nito at hindi niya namamalayang napapangiti na siya nito.
" Umiibig na ba akong muli? I miss her." he says in his mind na hindi niya namalayang napalakas pala kaya't tinapik siya sa balikat ng pinsan niyang si Garreth isang araw na kasalukuyang pinapaarawan nila ang kanilang abuelo matapos itong naiuwi sa kanilang tahanan at dumalaw naman ang pinsan niyang abogado.
" Kung mahal mo siya insan I swear huwag mo ng ipagpaliban ang pagsasabi dahil malay mo hindi mo na masabi dahil pag-aari na siya ng iba." aniya nito na nakapatong ang palad sa balikat niya.
" Oh insan ikaw pala." tuloy ay nabiglang sambit nito.
" Yes insan at inuulit ko kung mahal mo siya ngayon pa lang puntahan mo na. Nandito naman kami para magbantay kay grandpa. Saka parating na si palaka ni bayaw este si Toblerone kaya puwedi mo ng harapin ang love life mo." aniyang muli ni Garreth.
" See? Go on apo kung gusto mo we can ask pareng Oliver para matulungan ka sa apo niya." tuloy ay sabad ni grandpa Roy.
" Oh so one of the Smith ang bumihag sa puso mo insan? Aba'y huwag ka ng magpatumpik-tumpik pa insan magaganda ang mga kambal ni bayaw JC. Sinu sa dalawa?" pangungulit pa ni Garreth.
" Anak naman huwag mo ng itanong secret na nila iyun ikaw naman." tuloy ay pangangantiyaw ni Marga sa anak na halos kadarating din para bisitahin ang mga magulang.
" Okey lang po mama. Si---" pero ang kapatid naman niya ang sumulpot na galing naman sa pangungulit sa mga kasambahay nila na wala na yatang ginawa kundi ang makikain sa mga ito lalo sa umaga.
Paborito daw kasi niya ang small fish kaya sa mga kasambahay siya nakikikain! Clean naman daw!
" No it's not okey papa. You told me that already last time but until now you didn't bring her home yet. Are you sure you love her or not?" animo'y matandang sermon nito sa kapatid dahilan para mapahalakhak ang mga ito lalo ang matanda. ( siyempre Lewis the first eh! )
" Anong say mo insan? Aba'y huwag ka ng magpatumpik-tumpik pa baka masermunan ka ni---
" Tandang Maliit." pagtatapos na lamang ni Rhayne sa sinasabi ng pinsan dahil sa pangangantiyaw nito.