YOU'VE TOUCHED MY WOUNDED HEART

957 54 2
                                    

" YOU'VE  TOUCHED MY WOUNDED HEART "
WRITTEN BY : SHERYL FEE

CHAPTER 11

Kung  ang pamilya Calvin  at pamilya Harden  ay  kompleto gano'n  din ang circle  of friend ng matandang Calvin. Ahh pamilya Smith, Harden,  Mckevin at ang pamilya na naghihinagpis ang pamilya Calvin. Ang kulang  lang sa kanila ay ang nauna  ng pumanaw,  ang mag-asawang Allen at Aslea.

Halos isang araw din ang biyahe ng chopper na ginamit  nila para maiuwi sa Baguio ang bangkay ng mag-asawa.

Mula lamay hanggang sa nailibing  ang mag-asawang Collin at Cheska ay hindi nagpabaya ang mga  magkakaibigan. Kung umuuwi man ang mga ito ay upang  magbihis pero agad din namang bumabalik bago man lumaganap ang gabi ay nakabalik na ang mga ito.

Few  days later....

" Pare  ano ngayon ang planu mo?" tanong ni grandpa Ralph I sa kaibigan.

" Nothing pare dahil nawala man ang mga anak natin mananatili pa rin ang pagkakaibigan natin at isa pa hindi naman porket wala na sila ay may magbabago  na." tugon ni  grandpa Roy na banaag sa mga mata at boses ang kalungkutan.

" Tama ang kumpare ni'yo pare  dahil bago man kayo nagsipag-asawa ay  magkakaibigan  na kayo  kaya  you don't  nothing to worry  pare." sang-ayun ni grandma Sheryl sa tinuran  ng  asawa.

" Maraming salamat mare, pare at ito rin ang maipapasigurado namin sa inyo na susuportahan namin kayo sa anumang bagay." tugon  ni grandpa Ralph.

" Thank you  pare." sagot ni grandpa Roy.

As the days goes on, mahirap  man para sa magkabilang pamilya  ang mawalan  ng mga mahal sa buhay pero kinaya pa rin nila ang mag-move  on dahil ang dahilan nila ay kung  silang nakakulong o panatilihin nilang ikulong ang sarili  sa  trahedya  ay  mas masakit itong tanggapin.

Sa  tahanan ng mga De Ocampo, makaraan ng ilang buwan na paglagi  ni Rizza sa kanilang tahanan sa siyudad  ng Manila ay  naisipang  magpaalam  nitong magpaalam  sa  ama  na mamasyal sa  Baguio City. Ang summer capital ng Pilipinas.

" Galit ka  pa ba sa papa anak?" malungkot na tanong ni Mr De  Ocampo sa unica iha.

" Hindi naman ako galit  papa oo  siguro nga nagtampo ako pero hindi naman po ako galit at isa pa hindi naman siguro masama iyun dahil totoo naman pong inilihim  ninyo ang tungkol sa sakit ni mama." sagot ng dalaga  kasabay ng kanyang pagpapakawala  ng malalim na hininga.

" Alam naman iyun  ng mama mo anak at kaisipan naming dalawa ang huwag ng sabihin sa iyo ang tungkol sa kanyang karamdaman dahil ayaw naming  madistorbo sa iyung  pag-aaral. Pero ngayon  na tapos ka  na at handa  ng magtrabaho ay napagdesisyunan  naming ipagtapat  na lang ito  sa  iyo." mahinang sagot ng matanda.

" Ipinagtapat ni'yo  nga po papa pero  hindi  rin naman nagtagal sa mundo  si mama ay lumisan na siya. Pero huwag mo na pong ipaalala . Dati  na pong gusto kung mapasyalan ang Baguio  at ngayon na hindi na mahigpit  ang schedule  natin ay  nais  ko po sanang mamasyal doon. Ikaw papa baka gusto mong sumama sa akin para naman makakita  ka  ng ibang tanawin." sagot ng dalaga na pilit pinapasigla ang boses dahil ayaw naman din niyang  laging iniisip ng kanyang ama paglilihim ng mga ito sa tunay na karamdaman ng yumao niyang  ina  na kaya pala hindi na niya ito masyado nakakausap  bago siya umuwi dahil  nahihirapan na itong magsalita.

" Maraming salamat anak pero sa ibang pagkakataon  na lamang  anak dahil kung sabay tayong mamasyal ng Baguio ay  walang tatao sa opisina. Wala namang problema doon kaso may meeting ang BOD sa makalawa.  Just enjoy your vacation . Anyway kailan mo gustong bumiyahe anak?" tugon ng matanda na kahit papaano at umaliwalas na ang mukha nito unlike before na laging nalulungkot.

YOU'VE  TOUCHED MY WOUNDED HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon