Alex's pov...
Nagising akong nakayakap kay harry kaya naalala ko kung ano ang nangyari samin ni harry kagabi,hindi ko tuloy maiwasang hindi kiligin.. *^_^* grabe! Laki pala ng katawan ni harry. Hihihi.. Ang bango pa nya.. Umangat ako ng konti para mapantayan ko si harry na mahimbing paring natutulog.
Nakatagilid ako na nakaharap sa kanya at pinag mamasdan ang kabuuan ng muka nya. Hayss.. Kaylan man hinding hindi ko to pag sisisihan,miski ang pag pasok ko dito. Mahal na mahal kita harry.
"Good morning..." Nagulat ako sa biglaang pag sasalita ni harry. Bigla ako nakaramdam ng hiya kaya agad akong tumalikod s kanya at nag tulog tulugan. GeeZ.. nakakahiya naman..
"Mmh.. Ganyan kaba bumati ng *Good morning?*hm?" Wika ulit ni harry. Napapikit nalang ako ng mariin ng bigla kong naramdaman na may yumakap mula sa likuran ko.
"Alex... Darling... Nahihiya kaba sakin?" Napatango nalang ako sa tanong nya.
"Hm? Why? Hehe." Ewan ko pero ng marinig kong tumawa ng mahina si harry parang nakiliti ang tenga ko na nag pakilabot sa buong katawan ko.
"Darling..." Wika nanaman ni harry na parang sinadya nyang itapat sa tenga ko. Naramdaman kong hinawi nya ang buhok ko na nakatabon sa balikat ko. At maya maya pa hinalikan nya ang leeg ko.
"I..." Wika nya at inulit nya ang pag halik sa leeg ko. Hinarap nya ko sa kanya.
"Love..." Wika nya na kasunod nun ang pag halik nya sa noo ko.
"You.." Wika nya ulit at sa dulo ng ilong naman nya ko hinalikan.
"Darling.." Wika nya at sa pag kakataong ito nahagkan ko nanaman ang malambot at mapula nyang labi. Ilang segundo rin nag tagal ang paghalik nya at bago pa maulit ulit ang nangyari kagabi ako na mismo ang kumalas sa halik nya.
"Why? May problema ba? May nararamdaman kabang masakit??" Bigla nanaman akong nahiya sa mga tanong nya kaya napatakip nako ng kumot sa kalahati ng muka ko.
"Hmm.. Your so cute darling.." Nakangiting sabi ni harry at kinagat nya pa ang lower lips nya. Wahh!! Ano bang ginagawa nya!? Naaakit tuloy ako sa pag kagat nya ng lower lips nya. Hihihi ^_^
*****
"Kaylan mo ba balak sabihin kay alex ang totoo?" Tanong ni jenny kay raphael. Kaya tumigil ito sa pag eensayo at hinarap si jenny.
"Pag natapos natong laro saka ko sasabihin ang lahat. Ilalayo ko na rin sya dito para hindi na sya madamay sa gulong pinasok ko." Seryosong sabi ni raphael.
"Pero dapat sabihin muna,pano kung malaman nya pa yun sa iba?"
"May tiwala ako sayo jenny,alam kong hindi moko pangungunahan na sabihin sa kanya ang lahat."
Hindi n muling nakasagot si jenny at bumalik na silang dalawa sa pag eensayo.
*****
"Angelica.." Seryosong wika ni lester.
"Hm? May problema ba lester?" Tanong namn ni angelica at tumingin ng seryoso kay lester.
"A-ahm.. May s-sabihin sana ko sayo." Kinkabahan si lester sa sasabihin at itatanong nya kay angelica. Mahahalata mo sa kilos nya.
"Ano ba yun?"
"K-k-kase.... Matagal na kitang gusto."
"Ako?" Wika naman ni angelica.
"Oumm.. Gusto ko sanang malaman kung may pag asa bang maging tayo." Ilang segundong hindi sagot si angelica at tumalikod ito kay lester.
"Sandali! Angelica... S-sorry,hindi ko na kasi kayang itago pa tong nararamdaman ko para sayo. Ok lang naman kun---"
"Oo." Pamputol na sabi ni angelica at iniwang nag iisip si lester.
*****
Pag sapit ng hapon,lahat ay nag hahanda na para sa unang game. Wala nang ni isang makakalabas sa gate dahil nakasarado itong mabuti. Ang lahat ay naka all black clothes,may mask ang kalahating muka sa kalahati ng bandang mata. Hindi nila makilala ang lahat dahil sa mga suot nila at naka mask pa. Lahat ay may kanya kanyang dagger.
Napag isipan muna ng dalawang gang leader na lausapin ang kanilang mga kagrupo.
"Alex.. Mag iingat ka." Wika ng kuya ni alex at niyakap sya.
"Harry,ikaw na bahala sa kapatid ko." Tumango lang si harry at nauna nang lumabas sila jenny at raphael.
Alex's pov.
Hindi ko maiwasang hindi kabahan. Makakita kaba naman ng mga malalaking tao na may mga hawak na samurai. Gezz... Tapos wala kaming ibang mataguan kundi ang malalaking puno at umiiwas sa liwanag ng buwan na bumabalot ngayon sa buong AU.
Anu ba to! Bakit ba nanginginig tong mga tuhod at kamay ko!?
"Alex.. Wag kang matakot." Pabulong na Wika ni harry at hinawakan nya ang mga kamay kong nanginginig.
"P-pano kung..."
"Wag kang matakot. Hindi ba nag training ka?. hindi kita pababayaang saktan ng iba,trust me."
Tumango nalang ako at niyakap naman ako ni harry. Sa ginawa nyang yun nabawasan ang pangamba ko. Oo harry nag titiwala ako sayo.
*****
"Sinabi ko naman sayong tumakas na tayo dito!." Pabulong na sigaw ni JM ang kambal ni Mark.
"Tumahimik ka,baka marinig ka nila."
"Ano ba naman Mark! Makinig ka nga sakin! Mamamatay tayo ditong lahat."
Hindi nalang ito pinansin ni mark.
"Basta! Iaalis kita sa lugar nato."
"Sandali? Bakit hindi ka naka maskara? At ano yang kulay pulang ribon sa damit mo?" Wika ni mark sa kambal nya. Tinignan lang sya nito at iniwan syang mag isa.
Mas lalong nag duda si mark sa kapatid nya. Lalo na ng maalala pa nya na nitong lumipas na mga araw iba na ang kinikilos ng kapatid nya.
"Aaaahhhhhhrkk!!!!!"
Lahat sila nagulat at natakot sa narinig nilang sigaw ng isang babae. Nag simula na ang Dead Game sa Alpha University. Hanggang saan ang itatagal nila? At sino sino ang mamamatay at matitira?
NAGSISIMULA PALANG ANG LAHAT...
