"Dan? Akala ko ba pupunta tayo sa bahay mo,mali ata nalikuan mo papuntang bahay ampunan to." Ika ni rea. Ngumiti lang si daniel sa kanya.
Maya maya. Nag park na si daniel at mabilis na bumaba para pag buksan ng pintuan si rea.
"Thank you. Hnd mo naman sinabing dadaan tayo sa bahay ampunan,ano bang gagawin natin dito?" Tanong ulit ni rea.
"Ipakikilala kita sa pamilya ko,let's go." Nakangiting wika ni daniel at hinawakan ang kamay ni rea hanggang sa makapasok sila sa loob. Pag pasok nila may sumalubong na mga bata at dalawang madre at isang pari.
"Kuya daniel! I miss you po." Sabi ng isang batang babae at yumakap kay daniel.
"Oh. Namiss rin kita,kayong lahat. Hulaan nyo kung anong dala ni kuya?" Nakangiting sabi ni daniel sa mga bata. Savay sabay naman nagsalita ang mga ito.
"CHOCOLATES!!!" Tumango si daniel."Yeeehheeeyy!!" Sabi ng mga bata at niyakap nila ng mahigpit si daniel.
"Mga bata halika dun muna tayo sa playground,mamaya nyo na kulitin ang kuya daniel nyo. Daniel iho nagagalak akong makita ka ulit." Wika ng isang madre. Nag bless si daniel dito.
"Ako rin po ma. Pakikuha nalang po sa sasakyan yung nga pasalubong ko. Salamat po ma." Sabi ni daniel at nakangiting tumango naman ang madre. Umalis ang madre kasama ang mga bata pwera lang sa isang batang babae na unang yumakap kay daniel.
"Ma,pa." Wika ni daniel sa isang madre at sa paring kaharap nila ngayon."ah.. May ipapakilala po ako sa inyo." Savay tingin kay rea.
"Magandang araw iha." Ika ng pari.
"Kay gandang dalaga." Nakangiting sabi naman ng madre.
"H-Hello po,ako po pala si rea loo ang -----"
"Fiance ko po." Wika ni daniel at hinawakan ang kamay ni rea. Sa gulat ni rea hnd nya nagawang mag salita napatingin nalang sya kay daniel na nakangiti.
"Aba! Kung ganoon fiance mo pala ang magandang binibining ito." Sabi ng madre.
"Hndi kami tutol sa desisyon nyo. Masaya kaming bumalik ka rito daniel at may magandang balita kapang dala. Halika na kumain muna kayong dalawa,alam naming napagod kayo sa byahe." Sabi ng pari.
Ngumiti nalang si rea sa dalawa at tumingin ulit kay daniel. Tumingin din si daniel at binigyan sya nito ng magandang ngiti.
--------
Pag katapos ng mga pinipirmahang papel ni harry sakto naman na dumating ang assistant nya.
"Sir. May mga appointments po kayong dapat puntahan." Bungad ng assistant nya.
"Cancel all my appointments." Wika ni harry.
"But sir you'll need to---"