Chapter 25:Mr Gil

1.1K 52 1
                                    







Third person's pov...





Walang inaksayang oras si harry para hanapin si alex,naniniwala syang buhay pa ito.





"Harry! Sandali lang hayaan muna natin ang rescuer ang mag hanap kay alex." Wika ng kanyang ama.





"Hindi,hahanapin ko sya. Tumabi ka at wag mokong papakielaman." Wika ni harry at tinabig ang kanyang ama.





Wala ng nagawa ang kanyang ama kundi hayaan nalang si harry sa gagawin nya. Samantala... Napag desisyunan ng ibang mga boys na Sumunod kay harry pwera lang kayla christ at rhapael. ang ibang mga babae naman ay nagpupulong kung ano ang dapat gawin nila sa baby na kanilang nakita. Habang nag lalakad sila harry sinalubong naman sila ni mark at kasama ang lahat ng boys sa grupo nila.





"Tutulong kami sa pag hahanap kay alex." Wika ni mark. Hindi kumibo si harry at nag lakad na muli sila kasama ang kappa gang.




"Mabuti pa mag hiwa hiwalay tayong lahat,hindi natin mahahanap si alex kung sama sama tayo." Wika ni kim ng huminto sila saglit.





Hinati nila ang grupo nila sa tatlong grupo na may apat na member sa isang grupo. Sila Rick/Kim/john/Leo ang mag kakasama. Sila Gio/Devon/Lester/Drake naman ang mag kakasama. At sila Harry/Mark/Jimin/Daniel naman ang mag kakasama...





Sinuri muna ng grupo nila rick ang lugar na pinag hulugan ni alex. At sila gio naman ang tumitingin ng anggulo kung saan babagsak si alex. At sila harry naman ang naunang bumaba sa matirik na ibaba ng bangin. Sinubukan silang pigilan ng mga rescuer pero hindi nila ito pinansin,kaya wala naring nagawa ang mga rescuer kundi pabayaan sila.





Habang nag hahanap ang mga boys,hindi naman malaman ng ibang girls ang dapat gawin sa baby.





"Ano nang gagawin natin sa baby?" Tanong ni ferlyn.





"Ang cute cute nya.." Wika naman ni angelica habang nilalaro yung baby.






"Wala na yung ina nya patay na,kawawa naman masyado pa syang baby para mawalay sa ina nya." Wika naman ni joy-ann..





"Nakapag tataka lang,may buntis na pala sa loob ng AU ng hindi alam ng lahat miski ang mga leader ng AU sila Harry at Mark hindi nila alam to?" Nag tatakang wika ni jersel habang naka cross arms.





"Yun din ang gumugulo sa isipan ko kanina pa,pero naisip kong posibleng si master din ang may kagagawan nito." Wika naman ni rea habang hawak yung baby.




"Hindi kaya.... Anak ni master ang batang yan??" Napatingin lahat sila kay sheya na nag sabi ng mga salitang yan.





"Guys! Nandito lang pala kayo,kanina ko pa kayo hinahanap. Anong meron?? Teka nasan yung iba? Bakit kayo lang.?" Biglang singit ni jay-c kaya sa kanya na lahat nakatingin.





"Woah?? Sandali.. Bakit ganyan kayo makatingin?"





"Nag hanap yung ibang boys kay alex at kami dito iniisip kung san ba galing tong baby nato." Wika ni joy-ann..







"Baby? Ay! May narinig ako tungkol sa nanay ng baby nayan." Wika ni jay-c at mabilis na naupo sa tabi ni jersel.





The Alpha Gangster'sWhere stories live. Discover now