Jenny's pov...
Hindi ko talaga maintindihan,bakit may mga taong sobrang manhid. Yung tipong hindi nya maramdaman na palagi kang nasa tabi nya,yung handa kang mag pakatanga,yung handa mong ialay lahat miski buhay mo pa. Bakit ba ang manhid manhid nya? O baka naman talagang hindi parin nya isinusuko ang pag mamahal nya sa isang taong iniwan at ipinagpalit sya sa iba. Nandito naman ako ei.. Ako nalang ang mahalin mo.. Ako nalang...
"Jenny?" Biglang sabi ni raphael.
"Huh? A-ano yun?" Ika ko naman ng hindi tumitingin sa kanya.
"Are you ok? May problema ba?" Tanong nya. Plss.. Wag kang lilingon jenny wag na wag mong gagawing lumingon sa kanya.
"A--ahh--oO naman ok lang ako." Ika ko ulit ng hindi parin tumitingin sa kanya. Nagulat nalang ako sa sunod nyang ginawa, hinawakan nya ko sa mag kabila kong braso at pinilit na hinarap sa kanya.
"Jenny... Sabihin muna,may problema kaba? Tutulungan kita,ano ba yun ha?" Lintik!! Bakit ba pag tumitingin sya sakin ng ganyan may kakaiba akong nararamdaman. Jenny! Pigilan mo sarili mo.! Mabilis kong tinanggal yung mga kamay nya sa braso ko.
"Ok lang ako anu kaba,halika na pumunta na tayo kay alex baka nag tatampo na yun sayo. Ikaw ang kuya nya dapat ikaw ang nasa tabi nya,tara na." Tatayo na sana ko ng bigla nya kong hawakan sa kamay ko at tumingin sa mga mata ko.
"Thank you so much. Jenny thank you talaga sa lahat,simula ng makilala kita at simula ng mabuo ang alpha gang ikaw na ang palagi kong kasama,hanggang ngayon ikaw parin ang kasama ko at tumutulong sakin. Siguro kung wala ka sa tabi ko,hindi ko alam kung humihinga pako ngayon." Seryosong wika ni rhapael habang nakatitig sa mga mata ko.
"Ano kaba ok lang yun,hindi mo naman kaylngan mag thank you. Alam mo naman na may utang din ako sa iyo,kung hindi rin dahil sayo hindi ako ganito katapang at hindi ako sumasaya---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla nya kong yakapin. Aaminin ko KINIKILIG ako ngayon,pero hanggang ganito lang kami at alam ko yun.
"Shh.. Wag munang balikan ang nakaraan mo,ang mahalaga ngayon ligtas kana sa kanya at pangako hindi ko hahayaang saktan ka nya ulit." Ika ni rhapael habang nakayakap parin. Wala nakong masagot kaya niyakap ko nalang din sya. Sana nga... Sana nga hindi na nya ko balikan...
Alex's pov...
Sobrang saya ko ngayon,yung super duper saya talaga. Ikaw ba naman mag karoon ng pamilyang sobrang caring mga kaibigang dinaig pa mga security at nurse sa pag babantay sakin at syempre si harry na halos ayaw nang kumurap ang mata at parang linta na palaging nakadikit sakin.
"Hui? Umuwi ka muna at mag palit,ang baho muna kaya." Birong sabi ko at kunyari talagang nababahuan ako kaya nag takip ako ng ilong.
"Ayaw." Sabi ni harry at bumusangot. Hehehe natawa nalang ako sa inasta nya,para kasi syang bata ei.
"Eh?? Hindi ka pa nga ata kumakain tapos tignan mo ilalim ng mga mata mo ang itim,para kang zombie harry." Natatawang sabi ko.
"So what? Gwapo naman." May pag yayabang na sabi nya.
"Wah? Saan banda? Teka hahanapin ko lang." Sabi ko at kunyari hinahanap ko yung ka gwapuhan nya. Hehehe. ^_^ namiss kong asarin tong lalaking to.