Kinaumagahan walang araw ang sumikat dahil sobrang makulimlim ang panahon. Mag kasamang nag plano ang dalawang gang para mailigtas ang kanilang mga kasama. Samantala... May masamang balita naman ang nalaman ni master..
"Master! Master!"
"Ano't sumisigaw ka fred!?"
"A-anjan... N-n-nanjan...---" nanginginig na wika ni fred.
"Ayusin mo ang pananalita mo!"
"Master... Dumating na po si mr kim at alam napo ng mga media ang nangyayari sa Alpha University ngayo!? A-anu po G-gawin natin?"
"Ano!? Hm!.. Sabi ko na't pinatakas nila ang iba. Bakit hindi nyo sila binantayan!"
"S-sorry master."
"Sandali!?.. Nasan si annabelle?!"
"Kasama po sya sa mga nakatakas." Nagulat si fred ng malakas na hampasin ni master ang lamesa.
"Mga walang silbi! Hmp! Ginagalit talaga ko ng dalawang yun! Fred. Gawin nyo na ang huling plano."
"Pero master.. Hindi po ba masyadong delikado yung huli? Tumakas na po kaya tayo!?"
"Manahimik ka! Hindi natin gagawin yon! Sama sama tayong mamatay! Sama sama tayong mag lalaho kasama ang alpha university!"
Hindi na nag salita pa si fred at sinunod nalang nya ang utos ng kanyang master.
*****
"Papatayin ko sya. Papatayin ko sya." Paulit ulit na wika ni chris sa sarili nya.
"Huminahon ka chris." Wika ni angelica.
"Huminahon!? Ako!? Pano ko gagawin yun hah!? Wala na ang taong mahal ko. Papatayin ko sya! Haaah!" Muling wika ni chris na halos sigawan na si angelica.
"Bro!? Ano ba! Hindi lang naman ikaw ang nawalan ah!? Mag kakaibigan tayo,kaibigan din namin ang nawala. Kaya huminahon ka!" Wika naman ni lester.
"Anong nangyayari dito?" Tanong ni harry ng makita sila.
"Wala na si hazel. Wala na sya harry." Mangiyak ngiyak na wika ni chris.
Hindi nakasagot si harry sa nalaman nya. Wala syang nagawa kundi tapikin ang kamang balikat ng kaibigan nyang sobrang pag hihinagpis.
"Halika na,mag sisimula na ang totoong laban." Mariin na wika ni harry at nauna na syang lumabas.
Kinuha ng kappa gang ang mga armas nila at ganun din ang ginawa ng alpha gang. Kahit na kulang na ang alpha ladies nag pakatatag parin sila para sa iba pa nilang mga kasama.
Naisipan ng dalawang grupo na mag sanib pwersa para matalo nila ang master na matagal nang hindi sa kanila nag papakita. Sina chloe,ferlyn,rose at sheya ang naatasang mag masid sa paligid. Sila joy-ann, at angelica naman ang naatasang hanapin kung saan binihag ni master sina jersel at Alex. Si Jenny at rhapael naman ang naatasang mag defuse ng bomba,si Jaycee at rea naman ang naatasang protektahan ang baby syepmre kaylangan rin ng dalawa ng proteksyon kaya sina Daniel,Devon at Gio ang naatasang protektahan ang dalawa. Sina Mark at Harry ang Mag hahanap kay master at yung iba ay naatasang makipag laban.
Pumwesto na ang apat na kappa ladies sa lugar kung saan sila mag mamasid.
"Naka pwesto na kami." Sabay sabay na wika ng tatlo sa hearings na nasa temga nila.
"Ok. Good, sabihin nyo kung sino ang pasugod samin at kung saan kami dapat dumaan." Wika ni mark.
"Ok,i got it boss." Wika ulit ng apat.
Alex's pov...
"H-hmm." Iling ko. Unti unti akong dumidilat at wala akong ibang maaninag kundi isang dilim,parang nasa madilim na silid ako at tanging sa kinauupuan ko lang ang may liwanag. Ng igagalaw ko na sana ang mga kamay at paa ko hindi ko magawa dahil parehas itong nakatali. Nakatali ako sa upuang parang bakal sa tigas.
"Tulong!! Tulungan nyo ko!" Sigaw ko. Nag babaka sakali akong may makarinig sakin.
"T-tulong!" Harry? Harry iligtas mo ko, nasan kana ba harry. :(
"Sssshhh.." Boses ng isang lalaki na nanggagaling malapit lang sakin.
"Sino ka!? Why i am here!" Usal ko kahit na nakatali ako.
"Hahaha--- relax alex..."
"Who the fuck are you!? Bakit moko kilala!?"
"Oh. Makikilala mo rin ako alex.. But now, may mas importante kang dapat makita." Sabi ng mystery boy at parang may pinindot syang button at nakawala na ako sa pag kakatali. Ano yun?! Lubid na de remote??
"Wag mong tangkaing tumakas dahil hindi mo yan magagawa pag nakita mo ang ipapakita ko sayo. Mag lakad ka lang ng diretsyo at buksan mo ang unang pinto at bago ka pumasok sa pangalawamg pinto ang ipapayo ko lang sayo,ihanda mo ang sarili mo." Wika ulit nung lalaki. Tingin ko may kaedaran na sya halata kasi sa pananalita nya.
Wala akong balak na sundin sya pero parang may nag tutulak sakin na sumunod sa lalaling to. Kaya sa huli nanaig parin ang curiosity ko sa kung ano ba ang ipapakita nya sakin na kaylangan ko pang ihanda ang sarili ko. Pag dating sa pangalawang pinto huminto ako at huminga ng malalim. Bakit ganito? Bakit ako sumunod sa kanya? Pano kung patibong lang nya to para patayin ako? Hindi! Hindi. Napaatras ako at napailing nalang.
"Pumasok kana at nag hihintay na sya sayo."
Pinipilit kong wag sumunod pero... Feeling ko may dapat talaga akong malaman. Sino ba ang tinutukoy nya? Kaya agad kong binuksan ang pangalawang pinto,napapikit ako dahil sa sobrang liwanag ang unang sumalubong sakin. Nang ok na unti unti akong dumilat.
OoO
Nagulat ako sa nakikita ko ngayon. Babaeng kulay itim ang buhok,katamtaman lang ang katawan at nakahiga sya sa puting kama na parang nasa hospital na may lifemachine pa sa tabi nya. Ang babaeng nakahiga roon ay ang inakala kong patay na. Si MAMA..
"Oh? Hindi mo ba sya babatiin sa muli nyong pag kikita?"
Napaupo ako sa sahig at nanumbalik lahat ng alala ni mama nuong kasama ko pa sya. Kung hindi ako nag kakamali sya ang nakita ko sa Year Book na nasa secret room. Pero ang sabi ni kuya patay na si mama dahil sa accidente?
