Kinabukasan.. Maagang tinungo ni harry ang kanyang ama na sakto naman na naabutan nya itong nag iimpake.
"Oh? Harry anong problema?" Wika ng kanyang ama habang nag aayos ng damit nya.
"Tell me. Tell me you're not a mafia king." Seryosong sabi ni harry. Biglang napahinto sa ginagawa ang kanyang ama.
"That's true." Sabi ng kanyang ama at humarap ito sa kanya.
"Kung ganun totoong pumapatay ka!"
"Oo! Pumapatay ako. Pumapatay ako ng mga taong kinakalaban ako. Tanggapin mo nalang lahat ng ito dahil kahit anong gawin mo dmo na mababago ang lahat. Ako ang iyong ama at ikaw lang ang nag iisang anak ko,kaya pag nawala ako ikaw na ang mamamahala lahat ng mga naiwan ko at hawak mo narin lahat ng mga tauhan ko." Bumalik muli ito sa pag aayos ng kanyang gamit.
"Hndi. Ayoko maging katulad mo." Nakayukom ang mga kamay ni harry habang sinasabi nya yan.
"Alam ko anak,alam kong marami akong pag kakamaling nagawa lalo na sa inyo ng iyong ina. Pero maniwala ka man sa hindi nag sisi nako sa lahat ng nagawa ko at binago ko na ang sarili ko." Isinara nito ang maleta at lumapit kay harry. "Kaya harry ipinauubaya ko ang lahat ng kung anong meron ako ngayon,hindi para maging katulad kitang masama. Tandaan mo anak hindi lahat ng nasa mundo ng mafia ay masasama,oo may mga gawain kaming ilegal at pumapatay rin kami. Pero kaya kami gumagawa ng labag sa batas para mabawi ang nakuha mula sa amin at pumapatay kami ng mga taong hndi na dapat pang buhayin. Kung sino man ang totoong gumagawa ng masama ay karamihan nasa loob pa ng gobyerno at ang mga kasapi nito. Harry my son,gamitin mo ang kapangyarihang pinag kaloob ko sayo sa tamang pamamaraan at para ma protektahan mo rin ang mga kaibigan mo at lalo na ang taong mahal mo." Tinapik tapik nito ang balikat ni harry. Sa narinig nya mula sa kanyang ama nabawasan ang pangamba at mga katanungan nya.
"San nyo balak pumunta?" Tanong ni harry at tumingin sa maleta na dala ng kanyang ama.
"May aasikasuhin lang akong business sa US. Hangga't wala pa ako ikaw muna ang mamahala sa company natin dito,pag may problema itawag mo lang sa office ko sa us or tawagan moko sa phone number ko." Tinapik muli nito ang balikat ni harry at niyakap ng ilang segundo. " tunay ngang isa kang magiting na lalaki. Gusto kong malaman mo na proud ako dahil may anak akong katulad mo. Aalis nako ,may dadaanan pako bago ang flight ko. Mag iingat kayo,ingatan mo ang taong mahal mo wag mong hayaang mawala sya sa'yo." Ngumiti ang kanyang ama at tuluyan ng umalis. Nanatiling nakatayo si harry at iniisip ang lahat ng nangyayari ngayon.
*****
"Ano? Kumusta ka jan?" Wika ni jayC mula sa kabilang linya.
"Sa ngayon hinahanap ko parin sya. Ilang university na napag tanungan ko,pero may dalawa pa kong pag tatanungan. Eh kayo ba jan kumusta na? Ok na ba si alex?"
"Ok naman kami. Si alex ok narin sya pero mukang may problema nanaman silang haharapin."
"Hah? Bakit?"
"Si alex kasi may psychogenic amnesia. Sabi ng doctor unti unti nyang makakalimutan ang ilang impormasyon sa utak nya. Hayss.. Basta,txt or tawagan mo agad ako kung may lead kana sa kanya."