Chapter 45: Bagong Alex

914 31 7
                                    


Third person's pov..

"Good morning po mam Eliza." Bati ng matandang katiwala sa kanyang bahay at bahagya itong yumuko.

"Ginawa nyo ho ba ang bilin ko manang?" Walang emosyong wika ni eliza at inilapag nya sa couch ang coat at bag na dala nya at humarap sa matandang katiwala.

"Opo mam, nagamot na po sya ng doctor na pinapunta nyo at nag papahinga napo sya sa kwartong binilin nyo rin." Wika ulit ng matanda.

Seryoso parin ang expression ni eliza habang paakyat ng hagdan para puntahan ang sugatan na lalaki. Pag dating sa pinto hindi n ito nag dalawang isip na pumasok at marahan nyang isinara ang pinto ng kwarto. Dahan dahan nyang tinungo ang sugatang lalaki. Naupo ito sa tabing kama ng sugatang lalaki sa luxury chair. Kinuha nya ang puting bimpo at marahan nitong pinupunasan ang muka at dibdib ng lalaki.

"Hm..Totoo nga lahat ng kinukwento nya tungkol sayo. Totoo ngang gwapo ka at isa kang matapang na lalaki. Kaya naman pala minahal ka nya ng todo." Wika ni eliza habang pinupunasan ang muka ng lalaki. Pagkatapos ay umaayos ito ng upo at pinag masdan naman ang lalaking sugatan at wala paring malay.

"Sige lang.... Mag pahinga ka lang... " wika ni eliza at sarkastikong ngumiti na punong puno ng poot ang mga titig nya. "Dahil pag gising mo... Sisimulan ko na LAHAT ng mga plano ko... Pahihirapan kita pati narin ang babaeng pinaka mamahal mo... Oh, makakalimutan ka nga pala nya. Tsk. Tsk. Ang malas mo ring lalaki ka,lahat ng babaeng nag mamahal sayo nawawala at iniiwan ka... Ano bang sumpang meron ka...." Ngumisi ulit si eliza bago tumayo sa pag kakaupo.

"Until next time....harry kim... That time i will make sure you and your dad ,not to survive in my deadful.... REVENGE. Just wait harry hm!.." Nakangisi at sarkastikong wika ni eliza bago nya tuluyang iwan ang lalaking sugatan na pinangalanan nyang HARRY KIM.

--------


Habang inaayos ng matandang katiwala ang silid kung saan nag papagaling si harry. Hindi maiwasan ng matanda na mapangiti at titigan si harry marahil natutuwa syang makita ulit si ito. Maya maya pa'y nakita ng matanda ang pag galaw ng kamay ni harry, kaya naman nilapitan nya ito at hinihintay na dumilat at magising.

"Iho." Ani ng matandang katiwala ng tuluyang mag kamalay si harry.

Umupo si harry at napahawak sa kanyang sintido ng bahagya syang makaramdam ng sakit. Kaagad na nag salin ng tubig sa baso ang matanda at kaagad na inabot kay harry. Ngumiti si harry at ininom ang tubig na inabot ng matanda, pagkatapos nilapag nya iyon sa side table ng higaan nya.

"Iho mas makakabuti kung wag ka munang tumayo,mag pahinga ka muna." Ani ng matanda at inalalayan si harry umupo ng maayos.

"Ma-manang.." Wika ni harry at binigyan ng ngiti ang matanda, nginitian rin sya ng matanda at naupo sa side chair na nasa tabi ng higaan ni harry.

"May masakit ba sayo iho?" Tanong ng matanda.

Umiling lang si harry at nilibot ang mga mata sa kabuuan ng kwarto kung nasaan sya. Bahagya nyang naikunot ang kanyang noo ng mapagtanto na pamilyar ang silid kung nasaan sya ngayon. Muli nyang ibinalik ang atensyon sa matanda na ngumiti muna bago mag salita.

"Alam kong matagal tagal narin na panahon ang lumipas,alam ko ring marami nang nangyari at nag bago,pero ang kwartong ito hinding hindi magbabago." Ika ng matanda habang nakatuon ang atensyon sa isang lumang litrato na hawak nya.

"Si eliza ho ba ang nag dala sakin dito?" Tanong ni harry sa matanda. Hindi kaagad nakasagot ang matanda at inilihis ulit ang tingin sa ibang direksyon.

The Alpha Gangster'sWhere stories live. Discover now