Chapter 33:Memory Lost

997 49 5
                                    




Nag hihintay ang lahat na magising si alex. Ang mama at tiya ni alex ang nasa left side nito,si harry at rhapael naman ang nasa right side ni alex at yung iba naman nasa paahan nya. Habang hinihintay nilang magising si alex biglang dumating ang doctor na sumuri kay alex.


"Doc? Kumusta na ang anak ko? Ok na ba sya?" Sabi ng ina ni alex.


"Kumusta ang kapatid ko? Anong nangyari sa kanya?" Ika naman ni rhapael.


"Ok naman ang pasyente magaling na ang mga galos nya at magaling narin ang binti nya,ilang days nalang makakalakad na sya. Ngunit sa muling pag susuring ginawa ko nakita kong may Psychogenic Amnesia ang pasyente."


Nagulat ang lahat sa sinabi ng doctor.


"A-ano yung P-psychogenic a-amnesia?" Tanong ng ina ni alex.


"Ang psychogenic amnesia at kilala din bilang functional o dissociative amnesia at mahahalintulad sa kondisyong klinikal na repressed memory syndrome. Ito ay abnormal na pagtakbo ng pag-alala na walang nakikitang sanhing dala ng pinsala sa utak."


Muntik ng matumba ang ina ni alex sa nalaman mabuti't kaagad syang naagapan ng kapatid nya na tiyahin nila alex at ni rhapael. Mas lalong humigpit naman ang hawak ni harry sa kamay ni alex.


"Maaaring dahil ito sa nangyari sa kanya na nag dulot ng emotional shock. Maaaring malimutan nya unti unti ang ilang personal na alaala at impormasyon (episodic memories )" pag papatuloy ng doctor sa sinasabi nya.


"Hanggang kailan ito mag tatagal?" Tanong ni rhapael.


"Well.. Di karaniwan at maaring tumagal mula ilang oras hanggang ilang taon bago sya muling makaalala."


Napatingin nalang ang lahat kay alex.. Wala namang magawa si harry kundi hawakan ng mahigpit ang kamay ni alex at yumuko ito dahil sa sakit na nararamdaman nya.


"Unti unting makakalimot ang pasyente at ang maipapayo ko lang bilang doctor,kaylangan nya ng suporta,aagapay at pag mamahal ng mga nakapaligid sa kanya,sa ganoong paraan baka sakaling makaalala kaagad ang pasyente. Paano maiwan ko muna kayo tawagin nyo nalang ako kung sakaling mag karoon ng problema. Ahmm.. Mrs Joon? Maari ho bang sumunod kayo sa akin?" Tumango nalang ang ina ni alex. Sumunod ito sa doctor at kasama rin nila ang tiya ni alex.

Pag labas ng doctor kaagad na lumapit sila jersel at angelica kay alex. Lumapit naman si jenny kayla harry at rhapael na magkatabi lamang. Si mark at rea naman ang nasa paahan ni alex. Lahat sila nakakaramdam ngayon ng pag kaawa at pag aalala hndi lang kay alex kundi kay harry din.


Alex's pov..


Unti unti kong minumulat ang aking mga mata. Tatayo sana ko ng maramdaman kong may mahigpit na nakahawak sa kamay ko. Tumingin ako sa taong yun at kusa nalang ako napangiti. Dahan dahan akong naupo para hindi ko maistorbo sa pag tulog si harry na nasa right side ko habang mahigpit na nakahawak sa kamay ko habang natutulog. Naagaw naman ng atensyon ko ang mga kaibigan kong sweet na sweet ang bawat isa habang mag kakatabing natutulog sa couch at yung iba sa sahig nalang natulog.


Si jersel katabi nya ang bf nyang si jimin,si lester naman at si angelica ang mag katabi silang apat ang nasa mahabang couch. si joy ann at leo naman ang mag katabi si gio at jay-c naman ang mag katabi silang apat naman ang nasa sahig. Sila kuya at jenny naman ang nasa left side ko may sariling sofa tong dalawa,hm? Sila na kaya ng kuya ko?...


The Alpha Gangster'sWhere stories live. Discover now