Padabog na pumasok ng pinto si leo. Wala itong nakitang tao sa sala kaya naman dumiretsyo nalang sya sa kitchen, dahil kanina pa nag wawala yung mga alaga nya sa tiyan. Sakto naman na nasa kitchen si rick dahil nag luluto ito.
"Ui Rick wala ka bang pasok hah? at nandito ka?" Ika ni leo pagkakita palang kay rick.
"Mhm.. Wala. Pumasok ba silang lahat?" Tanong ni rick.
"Oo naman."
"Eh sandali nga. Bakit ikaw nandito ka hah? Diba may pasok ka rin?" Nilingon ni rick si leo at tinaas taas ang pareho nyang kilay.
"Friday ngayon kaya wala akong pasok ano kaba!" Sagot ni leo at kinagatan ang green apple na hawak hawak nya.
"Hui, nandito pala kayong dalawa. " biglang sulpot ni john. Kumuha ng saging at naupo.
"Tignan nyo si boss dali!" Wika ni rick at sinenyasan yung dalawa na lumapit malapit sa bintana kung nasaan sya. Agad naman na lumapit yung dalawa.
"Kanina pa sya ganyan, tingin ko mag tatatlong oras na syang nag ttraining ei." Ika ni john.
"Aish! Isa lang naman ang dahilan kung bakit sya ganyan ei." Umiiling na wika ni leo. Napatingin sa kanya si john.
"Dahil kay Al-----"
"ANONG GINAGAWA NYO JAN? " biglang tanong ng isang boses babae. Kaya napatalon ang tatlo sa gulat at hinarap kung sino yun.
"Ui.. Hehe alex ikaw pala." -rick
"Bakit parang gulat na gulat kayo? Di bale, nasan nga pala si gerald? Ibibigay ko kasi sa kanya tong lunch nya ei sabi naman ni devon nandito daw si gerald." Malumanay at tuloy tuloy na wika ni alex.
Nag tinginan muna yung tatlo bago mag salita yung isa.
"Baka nasa likod sa garden pero alex pwed--" - leo
"Sige! Salamat sa inyo!" Nakangiting wika ni alex at mabilis na iniwan yung tatlo.
Alex's pov...
Iniwan ko na yung tatlo sa kitchen, parang mga tanga! Papunta ako ngayon sa garden sabi kasi nung tatlong mokong nasa garden daw si gerald.
Nag luto kasi si mama ng chicken curry then gumawa naman si tita ng leche flan. So bale parehong favorite ni gerald tong dish na niluto nila mama at tita, kaya naisip kong dalan sya ng lunch nya baka kasi dpa yun kumakain at peace offering ko na rin sa kanya dahil sa nakakahiyang ginawa ko. Aish ewan ko ba sayo alex! Siraulo kana.
Pag dating ko sa garden nakita ko kaagad si Gerald at si Harry... Napansin naman kaagad ako ni Gerald kaya tumayo sya bigla tapos lumingon naman si Harry na pawis na pawis at naka top less nanaman. Habang papalapit ako sa dalawa bumibilis pintig ng puso ko. Tapos kanina ok naman yung panahon pero ngayon bigla nalang uminit, yan tuloy! Pinag papawisan ako shit! Minabuti kong lagpasan at wag pansinin si Harry. Tumapat ako kay Gerald at binigay yung lunch box na dala ko.
"Lunch mo. Chicken curry yan at may leche flan pa, diba same mong favorite yan? Tara kumain kana." Nakangiting wika ko. Hindi nya ko kinibo at napapansin kong parang ang sama ng tingin nung isa.
"U-uhh.. A-alex pasensya na pero busog pako ei at tsaka tinuturuan ko pa si Harry, pasensya na talaga alex." Napa simangot nalang ako dahil sa pag tanggi nya. "Sandali lang harry. Alex may kukunin lang ako maupo ka muna." Wika ni gerald.pinaupo nya ako at iniwan kaming dalawa ni harry. D tuloy ako makatingala, lagi akong nakayuko dahil ayokong tignan si harry.
![](https://img.wattpad.com/cover/98165565-288-k756841.jpg)