Chapter 41: Hinala ni chris

757 36 0
                                    

alex's pov..

"Salamat." wika ko at ngumiti kay gerald.

"Wala yun. Eto calling card ko tawagan mo lang ako kung may gusto kang sabihin at kung kaylangan mo ng tulong." nakangiting wika ni gerald. tumango nalang ako bilang sagot sa mga sinabi nya.

"Bye ate alex." kumakaway na wika ni jay na nasa loob na ng sasakyan. kumaway nalang ako at ngumiti.

Ng makaalis na sila minabuti kong pumasok na sa loob. Napabuntong hininga muna ko bago ko tuluyang buksan ang pinto. Nakasalubong ko naman na palabas na si... sino nga ba sya..

"Mark. Alam kong hind muna naalala pero wag kang mag alala babalik rin ang alaala mo." nakangiting sabi nya. Ngumiti nalang ako bilang sagot at dali dali akong umakyat sa itaas,sa hindi sinasadya may naapakan akong madulas kaya naman nawalan ako ng balance,mabuti nalang at kaagad akong naalalayan.

"Harry." sabi ko. Hindi ko alam pero naluluha na pala ako.

"Wait,are you ok!? may masakit ba!? fuck! SINO BA KASI NAG KALAT NG HONEY JAM DITO SA TAAS!!" sigaw ni harry.

"Hayaan muna,ok lang naman ako,salamat." naiiyak na wika ko. Muli syang humarap sakin at nag salubong ang mga mata namin.

Hindi ko maintindihan kung bakit ako naiiyak,pero sinusubukan kong pigilan dahil ayokong umiyak sa harapan nya. Kaya naman umiwas ako ng tingin at papasok na sana ko sa kwarto ng bigla nya kong yakapin mula sa likuran.

"I'm sorry darling." may lambing na wika ni harry at naramdaman kong siniksik nya ang ulo nya sa bandang left neck ko. "Alam kong mali ako kaya darling please sorry na talaga."

Harry hindi naman ako galit ei.. Galit ako sa sarili ko.. galit ako dahil alam kong kahit anong oras pwede kitang makalimutan,at alam kong matinding sakit ang mararamdaman mo kung mangyari man yun. Masakit pa sa nararamdaman ko ngayon,hindi ko alam ang dapat kong gawin. kumalas ako ng yakap at humarap kay harry.

"Harry... Mahal mo ba ko?" sumeryoso ang muka nya ng tanungin ko yan.

"Hnd kita mahal alex... Dahil Mahal na mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko,handa kong gawin ang lahat kahit buhay ko pa ang kapalit mapatunayan ko lang na mahal na mahal kita at hindi ko kayang mawalay kapa." seryosong sabi ni harry. Niyakap ko sya ng mahigpit,ganun din ang ginawa nya at tuluyan ng tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Mahal na mahal din kita harry."

JayC's pov..

pababa na sana ko ng makita kong mag kayakap sila alex at harry. Umiiyak si alex habang nakayakap kay harry. Alam kong marami pang mangyayari sa kanilang dalawa at paniguradong magugulat sila pag nalaman nilang buhay si eliza.

"Tingin mo alam na nya?" bigla akong napatingin sa likuran ko.

"Putsa ka christ! aatakihin ako sa puso ei. Anong alam na nya?" tanong ko kay christ na nakatingin lang kayla harry at alex na nakapamulsa pa ang dalawang kamay.

"Napansin kong ibang iba si alex ngayon kesa kagabi,hinala ko na alam na nya ang kondisyon nya." napatingin ako kayla harry at alex. Hm.. Kaya siguro ganyan sya makaiyak,ei bakit naman nya ililihim yun?

"Tara dun tayo sa Balkonahe mag usap." sabi ni christ at hinawakan ang kamay ko. as in holding hands talaga.

"Hah!?....Gio?" gulat na sabi ko at pilit na binabawi ang kamay ko kay christ. tsk! ano bang ginagawa ni christ bakit ayaw nyang bitiwan yung kamay ko.

The Alpha Gangster'sWhere stories live. Discover now