Chapter 46: I LOVE YOU GERALD.

925 27 0
                                    




Alex's pov..




Namalayan ko nalang ang sarili ko na nakaharap sa isang full body size mirror. Nakasuot ako ng itim na gown at wala akong ibang makita sa paligid kundi kadiliman tanging sa lugar ko lang may liwanag. Ano to? Nasan ako?

Nagulat ako ng biglang mag iba yung tao sa loob ng salamin kung saan ako nakaharap. Isang babae,nag iba ang itsura pero parehas parin kami ng gown na suot. Makikita mo sa mga mata nya na  sobrang lungkot nya at parang may gusto syang sabihin. Napaatras ako ng iabot nya ang kaliwa nyang kamay at tumagos yun sa salamin kaya napaatras ulit ako.

"Alex....Alex.... " wika ng babae ng tuluyan nang nakalabas sa salamin.

"S-sino ka? Pa-pano ka nakalabas dyan at Parang fa-familiar ka. Parang nakita na kita." Wika ko. Familiar talaga sya.

"Alex. Please... Help me.." Nag mamakaawang wika nya. Hindi ko alam pero parang may kung sinong sumapi sakin, dahil tumango ako.

"Bumalik ka sa alpha university. Puntahan mo ang secret room at kunin mo ang lumang libro sa likod ng portrait yun nakatago. Please don't tell this to anyone. Please alex.. Please... "

"Sandali. H-hindi ko maintindihan. Bakit ako? Bakit sakin ka humihingi ng tulong?"

Hindi na sya sumagot pa. Maya maya lang bigla nalang syang nawala na parang bula. Sinubukan ko syang hanapin pero wala na. Naguguluhan ako. Sino sya? Bakit sakin nya gusto mag patulong?

Nagising nalang ako bigla. Napa pikit ulit ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa muka ko, panandalian akong napaisip. Panaginip. Kung ganun panaginip lang pala yun? Pero parang totoo sya. Tumayo nako at dumiretsyo sa cr.

Bumaba nako pagkatapos ng routine na ginagawa ng mga babae tuwing umaga.

"Good morning ma, tita. Alis napo ako." Wika ko pag baba ko ng hagdan.

"Oh? Sandali, mag bfast ka muna. Nag luto pa naman ang tita mo." Ika ni mama.

"Pasensya napo, pero pupuntahan ko po kasi si kuya tsaka busog pa naman ho ako."

"Sigurado kaba iha?" Tanong naman ni tita.

"Oho. Sige ma, tita mauuna napo ako. Bye po." Nag mano muna ko bago ako lumabas ng pinto.

Hindi ko alam. Pero kanina pa talaga sumasagi sa isip ko yung babae ei. Hindi sya mawala sa isip ko parang totoo talaga yung mga sinabi nya.

"Ui, alex." -leo

"Hi alex." -rick

"Hello,Si kuya?" Tanong ko kayla leo at rick na kumakain.

"Umalis ei." Ika ni rick

"May importante daw silang pupuntahan." Ika ni leo.

"Ahh.. Ganun ba. Ah! Sila jersel nga pala??"

"May pinuntahan din sila ei. Kumain ka muna dali sarap ng bfast." -sarap na sarap na wika ni leo habang panguya nguya pa. Ngumiti muna ko bago mag salita ulit.

"Thanks, pero busog pako ei."

"Ok sige. " -leo

"Nga pala alex. Pwede bang ikaw nalang mag bigay ng kape ni harry? Sige na dpa kasi kami tapos kumain ei."

"H-hUh?"

"Ay bingi?" -leo

"Gusto mo bingihin kita? Hah!?" Mataray na sabi ko.

The Alpha Gangster'sWhere stories live. Discover now