Chapter 16:Harry's Confession

1.3K 57 3
                                    


Third person's pov..

Nag uusap ngayon si harry at mark tungkol sa nalalapit na dead game sa alpha university.

"Ayokong may mangyaring masama sa mga ka-grupo ko." Unang nag salita si mark at kapwa mata sa mata ang pag uusap nila.

"Ganun din naman ako. Ayoko nang maulit ang nangyari nakaraang dead game,maraming namatay at nadamay sa kalokohang larong to." May diin na sabi ni harry.

"Kaylangan nating mag tulungan para wala nang madamay na mga inosenteng studyante." Mark.

"Payag ako sa gusto mo. Alam kong plano talaga nya tayong patayin,pero hindi sya nag tagumpay nung una kaya pakiramdam kong pinag planuhan na nya itong mabuti."

"Alam kong si master ang pumatay sa ama ko,kitang kita ng mga mata ko lahat ng kahuyapang ginawa nya sa ina ko at walang awa nyang binaril sa ulo ang ama ko. Kaya ngayon gusto kong mag higanti,ipag hihiganti ko ang pamilya ko." Bakas sa boses ni mark ang galit sa taong sinasabi nya.

"May naisip nakong plano. Sasakyan natin ang larong gusto nya,pero kaylangan nating palabasin ang ibang studyante para wala ng madamay. Sa unang game kaylangan nating pareho kumilos,habang nagaganap ang unang laro kaylangan nating subukang hanapin kung nasan nag tatago ang master nayan." Harry.

"Good idea but... May nag sabi sa isa sa mga ka grupo kong may mga hidden camera pala ang buong school." Nagulat si harry sa sinabi ni mark.

"Kung ganun... Sa mga oras nato pinapanuod nya ang pag uusap natin.." Ika ni harry at tumingin sa kabuuang office. Bahagya namang tumango si mark.

"F**k! Akin lang si Alex!" Wika ni mark at biglang kinuwelyuhan si harry at sinuntok ng malakas.

Naguluhan si harry sa biglang kinilos mark,pero maya maya lang tumayo rin sya at sinuntok rin si mark kaya si mark naman ang napaupo.

"Mahal ko si alex at hinding hindi sya mapapasayo. Tandaan mo yan." Napakunot noo nalang si mark dahil tila ba totoo ang kiniloa ni harry. Si harry na ang unang umalis at iniwang nag iisip si mark.

*****

"Woah.. Nice fight. Pero kanina lang maayos ng pag uusap nila hmm..?"

"Master,nalaman ko pong pareho nilang nagugustuhan si alex joon."

Napangisi nalang ako sa sinabi ni fred. Hindi nako mag tataka kung bakit sila nag away ngayon. Hahaha! Hindi ko sila masisisi,sadya naman kasing napaka ganda ni alex. Naalala ko tuloy ang kanyang ina tuwing nakikita ko sya. Hayss.. Natatawa ko ngayon. Siguradong kamumuhian nya ang tatlong lalaki na mahalaga sa buhay nya pag nalaman nya ang lahat. Hahahahaha! Alicia.... Aking sinta..


*****


"Saan ka galing?!" Inis na sabi ni gio ng makita si jaycee na nag ti-tip toe mag lakad.


"Ah.. Hehe! Helo gio nanjan ka pala.." Tumayo ng maayos si jaycee at lumapit naman si gio.


"Hindi kaba nag iisip!? O sadyang tanga ka lang!? Bakit ka lumabas ng hindi ko alam!?" Pasigaw na sabi ni gio.


"Aba! Anong tanga!? Tsk! Hoy!? Iba na ata yang pananalita mo!? Bakit kaylangan mo pang malaman kung saan ako pupunta!? Wala kang pakielam kung san ako pupunta at kung ano mang mangya----" hindi na pinatapos ni gio mag salita si jaycee. Hinalikan nya ito sa labi na ikinagulat ni jaycee.


"Gusto kita jaycee. Yan ang dahilan kung bakit ako nag kakaganito ngayon. Shit! Mabuti nalang walang nangyaring masama sayo." Wika ni gio.


"Walang hiya ka! Bakit mo ginawa yun!" Inis na sabi ni jaycee at balak nya sanang suntukin si gio mabuti nalang mabilis nya itong nailagan at niyakap nya si jaycee mula sa likuran nito.


"Tama na. Masyado kanang nagiging cute. Simula ngayon akin kana. Tandaan mo handa akong pumatay pag may nag tangkang iba sayo." Wika ni gio habang naka yakap sa lilod ni jaycee at nakapatong yung ulo nya sa balikat ni jaycee. Nangiti naman si jaycee na nag ba-blush pa yung pisngi sa ginawang pag halik ni gio at sa mga sinabi nito sa kanya..




Alex's pov...




Nang matapos na kaming kumain,ako nalang nag prisintang mag huhugas ng pinggan kaya naman bumalik na sila sa training room. Hindi sumabay si harry saming kumain,nasan kaya sya? Sabi nya mag t-training daw kami pag katapos kumain.




Hays... Aaminin ko na kinakabahan nako sa mangyayari bukas,nararamdaman kong may hindi magandang mangyayari ei. Habang nag huhugas ako ng pinggan narinig kong muling bumukas ang pinto,kaya sinilip ko kung sino yun. Si harry. Niluwagan nya yung necktie nya at hinubad nya yung tuxido nya. San kaya sya galing parang namumula sya at...teka!? Anu yung nasa gilid ng labi nya? May sumuntok ba sa kanya.




Third person's pov...




Nag punas ng kamay si alex at tinungo ang sala kung saan nakasandal si harry sa sofa at tila ba nakatulog na ito.




"Ahm.. E-hem. K-kumain kana b-ba? S-saan ka g-galing?" Wika ni alex kay harry,pero wala syang nakuhang sagot mula rito.




Hindi nalang ulit nag tanong si alex. Yumuko sya para mapantayan nya si harry at inilapit ang muka nya kay harry.




Hah?! Bakit sya may pasa at sugat sa gilid ng labi nya? Sino ba nakaaway nya? Hmm.. Wika ni alex sa isip nya. Maya maya pa nanlaki ang mga mata ni alex dahil biglang dumilat si harry,parang naistatwa si alex sa position nya ngayon. Iniangat ni harry ang ulo nya at inilapit pa ng husto sa muka ni alex,kaya ngayon hinliliit ng ating kamay ang pagitan ng mga muka nila.




"Alex.." Wika ni harry na pabulong.




Grabe! Yung puso ko! Yung puso ko!! parang gusto nang kumawala,ayss.. Bakit hindi ako makagalaw? Miski makapag salita hindi ko narin magawa.?! Yari!? Anong gagawin ko?? Ika ni alex sa sarili nya.




"A-e-a-a-ahm.."




"Gusto kita." Seryosong sabi ni harry.




"Huh?"




"Ang sabi ko gusto kita. Mahal kita alex,hindi ko alam kung paano at kung kaylan ko to naramdaman pero tuwing nanjan ka at nakangiti ka napapangiti rin ako,gusto ko palagi kang nasa tabi ko. Alex? Will you be my MINE?."




Sadyang hindi talaga makapag salita si alex. Ilang segundo rin ang lumipas hindi parin sumasagot si alex,kaya naman nalungkot si harry dahil akala nya wala syang pag asa.




"Pasensya na kung nabigla ka." Wika ni harry at akmang tatayo na sana sya ng bigla syang halikan ni alex sa labi. Nagustuhan nya ang halik na ibinibigay ni alex kaya naman hinalikan nya rin ito pabalik. They kiss each other passionately.




[Mahal na mahal kita harry, kaya kong ibigay ang lahat sayo kahit ang sarili ko isusuko ko para sayo.]




[Pangako alex.. Gagawin ko lahat para ma-protektahan kita at hinding hindi na mauulit ang nangyari sa nakaaraan.]




Wika ng dalawa sa kanilang isipan habang nag papalitan sila ng matatamis na halik na punong puno ng pag mamahal.





The Alpha Gangster'sWhere stories live. Discover now