Chapter 19: Mysterious Baby

1.2K 54 3
                                    






Walang takot na pumasok si jersel sa loob ng building,kahit alam nyang hindi pa pwedeng pumasok dito. Nang matungo na nya ang library agad nyang hinanap ang baby na nasa isang kahon,sakto naman na may narinig syang umiiyak na baby.





"Shh... Tahan na ligtas kana..." Wika ni   jersel sa baby ng makita nya  ito. Kukunin na sana nya ang baby ng may biglang yumakap sa kanya at tinakpan ang bibig nya para hindi sya makasigaw,pilit na pumapalag si jersel ngunit sadyang malakas ang lalaking nasa likuran nya,maya maya pa ay unti unting nanlabo ang paningin ni jersel hanggang sa mawalan na ito ng malay.





Alex's pov...





Nakita kong pumasok si jersel sa loob ng building na ito kaya sunundan ko sya. Pero hindi ko alam kung saan sya pumunta ang bilis nyang nawala. Habang nag lalakad ako may narinig akong isang iyak ng baby,sinundan ko iyon at dinala ako sa isang library. Baby!? May baby nga at nakalagay sya sa isang kahon, pano nagka baby sa lugar na to??





Binuhat ko ang bata at tumahan naman sya sa pag iyak. Ito ang unang beses kong makahawak ng baby,ang sarap sa pakiramdam. Kaya hindi ko mapigilang mapangiti.





"Alex!"





"Shhh.. Tignan mo harry may baby... Ang cute nya.." Nakangiting sabi ko habang hinehele yung baby.





"Baby!? Pano nag ka baby dito?.. Ano kaba alex! Bakit ka pumasok dito hindi pa tapos ang laro. Tara na lumabas na tayo dito."





"Sandali... Pano si baby? At tsaka nakita kong pumasok rin dito si jersel kaya sinundan ko sya."





Habang nag uusap kami ni harry biglang sumulpot si jimin na hingal na hingal at may sugat pa sa braso.





"Jersel!? Nasan si jersel.?" Wika ni jimin.





"Wala. Hindi ko alam pero nakita kong pumasok sya sa building nato pero ng sundan ko sya wala naman sya dito." Wika ko.





"Hindi! Nandito sya! Ang sabi nya kukunin nya ang baby. Hindi. Jersel! Nasan kana ba!?" Wika ni jimin.





"Huminahon ka. Nag sasabi ng totoo si alex,nang sundan ko rin si alex hindi ko nakita si jersel. Sandali.. Pano nagkaroon ng baby dito??" Wika naman ni harry.





"Hindi ko alam. Pumunta nalang kayo sa lagusan na sinabi mong patatakasin ang iba. Nandun ang nanay nyan,hahanapin ko sya hindi ako papayag na may mangyarong masama sa taong mahal na mahal ko,hindi ko makakaya yon.." Wika ni jimin at umalis na.





Bago kami umalis may nakita ako sa sahig ng isang bracelet. Pinulot ko yun at hinila na ko palabas ni harru kasam ang batang anghel.





*****





"Master nakuha nanamin ang isa sa kanila."





"Good. Ngayon isunod mo na sya, siguraduhin nyong hindi sya masasaktan at masusugatan. Pag may nakita akong galos sa kanya o nasaktan sya ikaw ang mananagot sakin."





"Yes master. Masusunod po."





*****





Tinungo na nila harry ang sinabi ni jimin. Nakita nilang nandun ang iba kasama ang ibang kappa gang.





"Baby?.. Pano nag karoon ng baby sa lugar nato?" Wika ni rea at lumapit kay alex na may hawak na baby. Iniabot ni alrx ang babyng mahimbing na natutulog kay rea.





"Pwede ko syang buhatin?" Tumango lang si alex sa tanong ni rea at tuluyang nabuhat ni rea ang baby inalalayan naman sya ni daniel na nasa tabi nya.





"Sya ba ang ina ng bata?" Tanong ni harry sa mga kasama nya.





"Wala na sya. Maraming dugo na ang nawala sa kanya." Si john na ang sumagot at sya rin ang tumingin sa babae.





"Sa tingin ko ordinaryong studyante lang sya,wala sya sa gang natin miski sa kappa gang. Ang pinag tataka ko lang sino ang ama ng bata at pano nya naitago ang pagbubuntis nya?" Nagtatakang wika ni jaycee.





Habang nag uusap ang iba muling sumulpot si jimin.





"Nasan si jersel?" Tanong ni jaycee at lumapit kay jimin. Pag iling lang ang naging sagot ni jimin.





"Kay jersel to diba?" Wika naman ni alex at inabot ang bracelet kay jimin.





"Oo. Binigay ko to sa kanya."





"Sa tingin ko may kumuha sa kanya." Wika ni mark sa isang gilid.





Lahat sila  panandaliang napaisip sa sinabi ni mark. Bigla silang naging alisto ng may seek team na papalapit sa kanila, kaya lahat ng boys nasa harap ng mga babae. Si Gio, jimin at si Devon nasa likuran nila si jaycee,si John at daniel nasa likuran naman nila si rea at yung baby si mark at harry nasa likuran nila si Alex.





"Dyan ka lang wag kang makikipaglaban." Wika ni gio kay jaycee.





"Ayoko nga! May espada ako at nag trai----"natigilan si jaycee ng lumapit ng husto sa kanya si gio.





"Plsss.. Makinig ka sakin,ayokong masugatan ka at ayokong masaktan ka dahil mahal na mahal kita hm?." Mahinahon na wika ni gio,napatango nalang si jaycee at umatras.





"Mag iingat ka." Wika ni rea kay daniel.





"Darling... Dyan ka lang sa likuran ko." Wika ni harry habang nakahawak sa isang kamay ni alex.





"P-pero.." Tinignan sya ni harry na nag sasabing sumunod nalang sya kaya tumango nalang si alex.





Nang makalapit ang kalaban nila nag simula na ang mga boys na labanan ang nga kalaban nila. Samantala.. Hindi naman mapakali ang nga girls dahil tingin nila hindi kaya ng boys ang nga kalaban.





Alex's pov..





Hindi ako mapakali sa nakikita kong labanan. Ano ba to! Sobrang dami nila ngayon tapos ang lalaki pa ng katawan mga Monster ata to eh. Nasa Left side sila Daniel,Gio,Devon at Jimin. Sa right side naman sila Harry,Mark at John. Nakatingin lang ako sa right side kung nasan si harry.





Nakita kong napatingin sakin si mark. Sigurado akong alam na nyang si Harry ang mahal ko,kaya hindi nya ko pinapansin ngayon :(





Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko ng may matulis na bagay akong naramdaman sa tagiliran ko tumingin ako sa gilid ko. Wala nang malay sila rea at jaycee.





"Wag kang mag tatangkang mag ingay kung ayaw mong mamatay ang bata." Isang familiar na boses ang bumulong sa tenga ko.





Sinubukan kong pumalag pero naunahan nya ko,tinakpan nya ang ilong ko ng panyo at unti unti akong nakaramdam ng pag kahilo at pag labo ng paningin.





"No! Aleeeex!!" Narinig kong pag sigaw ni harry bago tuluyang nag dilim ang lahat.





The Alpha Gangster'sWhere stories live. Discover now