Chapter Eleven:New Prof

1.4K 53 1
                                    




Alex's pov...





"Ok. Class dismiss,see you tommorrow."





Sabi ni sir lawrence,ang bagong prof.





"Miss joon? Can we talk right now?"





Tumango nalang ako at naupo ulit. Ang weird nya,kanina pa nya ko nginingitian ei. D naman kami close? O sadyang may saltik lang talga tong bago naming prof.





"Do you think im crazy,right?" Nakangiting sabi nya. Nge?! Narinig ba nya sinabi ko? Pero sa utak ko lang yun sinabi ei! Weird..





"Po? H-hindi naman po sa ganun. Bakit po gusto nyo ko makausap?"





"Kamukang kamuka mo nga sya." Nakangiting savi nya.





"Po?" Kunot noong sabi ko.





"Ah,nothing. I want to tell you,mag iingat ka and don't trust anyone here except yourself ,dahil ang tiwala ang papatay mismo sayo.. Oh,well.. I need to go may tuturuan pako." Nakangisi parin nyang sabi.





Naiwan akong blanko sa mga sinabi nya,bakit kaylangan kong mag ingat? Tiwala ang Papatay sakin? Ano bang ibig nyang sabihin?





Third person's pov...





Nakita ni jimin ang pag uusap nila alex at si sir lawrence ang bagong prof.





Hindi marinig ni jimin ang pag uusap ng dalawa,pero napansin nyang iba ang reaksyon ni alex. Kaya minabuti nyang lapitan si alex para makasigurado.





Samantala... Nasa SSCG office naman ang Leader ng Dalawang gang. Si Harry at si Mark,at ang kanang kamay ng nag mamay ari ng AU.






"Bakit mo kami pinatawag." Walang emosyong sabi ni Harry.






"Ano bang kaylangan mo." Ganun din ang reaksyon ni mark.






"Oh. Oh.. Relax.. Hindi ko gusto ang guluhin kayong dalawa. Masya ako at muli nanaman tayong tatlo nagkaharap harap." Nakangising sabi ni Fred,ang kanang kamay ng tunay na nag mamay ari sa AU.






"Pwede ba kung gusto mo pang makalabas ng buhay sa kwartong to,sabihin mo kung ano ang pinunta mo dito." May diin na sabi ni harry. At nag labas naman ng dagger si mark.






Tumawa nalang ng nakakaloko si Fred bago mag salita." Kayong dalawa talaga,masyado kayong mainitin ng ulo. Ok,nandito ako dahil may pinasasabi si Master."






"Dead game.!?" Sabay na wika ng dalawa.






Natawa muna si fred. "Bingo! Hahaha. Matalino talaga kayong dalawa." Napatigil sa pag tawa si fred ng hagisan sya nila harry at mark ng dagger. Pero hindi nila ito tinarget kundi ang mag kabilang gilid ng ulo ni fred.






"Hindi!" Sabay na sabi nila harry at mark.






"Hindi!? Hah! Remember!? Kayo ang nag patupad ng larong yun,wala na kayong magagawa. Dahil malalaman na ng lahat kung sinong grupo ang pinaka malakas."






"Sino ba talga yang master nayan!?" Wika ni mark.






"Bakit hindi sya mag pakita sa lahat. At bakit hindi sya mag pakilala!?" Inis na wika ni harry.






"Hahaha! Wag kayong maexcite,dahil malapit nyo narin syang makilala. At paniguradong lahat kayo ay magugulat,dahil makikilala nyo narin ang kanyang tagapag mana."






"Tagapag mana?" Wika ng dalawa.






"Yes. At kasama nyo sya rito. Hahahahaha!!"






Parehong nagulat ang dalawa sa sinabi ni fred. Dahil ang tanging alam lang nila ay ang nag mamay ari ng AU,hindi nila alam na may anak pala ito at kasama nila ito ngayon..






(Sa canteen)






Naisipan ng kappa lady's na manggulo,kaya lahat ng kumakain dun pinag tatapon nila ang mga kinakain at pinag tataob ang mga lamesa. Except sa lamesa ng mga Alpha Group. Sakto naman na nakita ng kappa lady si alex sa dulo ng nag iisang lamesa,busy ito sa pag babasa.







Inis na lumapit si rea kung nasaan si alex.






"Ano ba problema mo rea?!" Inis na wika ni alex dahil tinapunan ni rea ng juice ang librong binabasa ni alex.






"Ikaw! Inis na inis ako sayo! Bakit ba napaka especial mo sa lahat! Nakakainis ka!" Sabi ni rea.






"Rea,relax." Sabi ni ferlyn. Isa sa mga kappa lady.






"Anong special?? Rea,hindi kita maintindihan. Wala naman akong ginagawang masama sayo hindi ba? Rea plss.. Tigilan mo nako."






"Hindi. Hinding hindi ako titigil hanggat hindi ako nakakaganti sayo!"






"Anong nangyayari dito!?" Isang boses ng lalaki ang nagpatigil sa lahat. Si mark luhan at kasama nya ang mga grupo nya.






"M-mark?" Gulat na wika ni rea. Lumapit ito kung nasan si alex at ang kappa lady.






"Go to my detention room now! Kappa Ladies!" Wika ni mark at sabay talikod at nag lakad palabas ng canteen.






Sumunod ang apat kay mark pero sadyang nag mamatigas si rea,kaya muli nyang hinarap si alex.






"Hm! Masaya ka nanaman ha!? Mapaparusahan nanaman ako!"






"Hindi ko kasalanan na maparusahan ka.! Bakit Ba ako nalang palagi mong sinisisi tuwing napaparusahan ka!? Ei,ikaw naman gumagawa ng masama sa nakapaligid sayo!" Hindi na nakatiis si alex na hindi sumagot. Hindi na nya ito hinintay na sumagot. Umalis nalang sya sa lugar nayon ,dahil ayaw nya ng gulo.






"May araw karin sakin,alex!hm!"




The Alpha Gangster'sWhere stories live. Discover now