Ally's POV
Di ko alam kung ano yung pinagsasabi ni Gellie pero sa tingin ko eto na yung matagal ko ng hinihintay . Yung malaman yung katotohanan . Yung mga sagot sa mga tanong ko dati . Kakayanin ko ba ? SANA .
" Ano ba yun Gellie ? " - Ninenerbyos na kasi ako . Nanlalamig yung buong kamay ko tas namamawis . Aww . Iwas poise . Jk .
" Kase .. Si Miro , mahal ka pa rin niya " - Eto yung matagal ko ng hinihintay . Yung malaman na mahal niya pa rin ako pero di ko maramdaman yung kasiyahan na gusto ko .
" Gellie , kung yan lang sasabihin mo sa'ken aalis na ko " - Akmang tatayo na ko pero pinigilan ako ni Gellie. Ano pa ba ang dapat kong malaman ?
" Pwede ba Ally ! For once , just listen !! Lagi mo na lang isinasara yang utak mo ! Laging mong pinipilit yung isang bagay kahit hindi naman yun talaga ang totoo ! Sana alamin mo din yung side ni Miro ! Stop being selfish Ally . Kahit ngayon lang . Just this time , trust your heart and mind "
Di ko aakalain na masisigawan ako ni Gellie sa harap ng ibang tao . Siguro nga , sumobra na ko . Nagpakabingi ako sa lahat ng bagay . That's my mistake . Natatakot ako , natatakot ako malaman yung katotohanan na matagal ko ng hinihintay . Kase baka ako na naman yung mali dito .
" Hindi ko alam kung kakayanin ko pa Gellie . Baka lahat ng inipon kong lakas mawala lahat sa isang iglap . " - Weak kung weak pero yung totoo ay naiiyak na ako .
" Ally , its not about your pride . Sana naman this time makinig ka sa itinitibok ng puso mo hindi sa isinisigaw ng isip mo . Hindi lang ikaw ang nasaktan dito . Parehas lang kayong nabiktima ng pagsubok . You better talk to Miro " - Sana kayanin kong harapin si Miro . Sundin ang puso ? Magagawa ko kaya ?
" Pero Gellie , hindi pa ako handa . Hindi ko pa kaya . Masakit pa eh . Nandito pa rin yung sakit *sabay turo sa puso* "
" Hindi ko sinasabing kelangan niyo agad . Bibigyan kita ng panahon , bibigyan ka namin ng oras . Siguro sapat na yung 4 na araw para mabuo yang desisyon mo . Pagkatapos ng 4 na araw , tatanungin kita kung ano ang sagot mo . "
" Salamat Angellie . Sge , mauuna na ako . "
---
3rd Person's POV
Pagkauwing pagkauwi ni Ally ay dumiretso agad siya sa kanyang kwarto . Nag ayos ng sarili saka nahiga . Iniisip pa rin ang mga bagay bagay na napag usapan nila ni Angellie kanina . Kung tatanungin siya kung anong gusto niyang sundin , hindi niya din alam . Dahil baka kapag sinunod niya na naman yung puso niya , magkamali na naman siya . Kung puro utak naman ang paiiralin , hindi magiging pantay ang pagtitimbang ng desisyon . Ally want to shout it all out because her frustration . She really don't know what is the right thing to do .
* Ally , may 4 na araw ka pa ! *
Yan ang ipinipilit niyang isiksik sa utak niya. Oo nga naman , may 4 na araw pa siya . Kung sa apat na araw na yun , sapat na kaya yun para magdesisyon ?
.... Habang nag iisip si Ally sa kanyang magiging desisyon , may biglang sumagi sa utak niya . Siguro dahil sa bagay na yun , alam na niya yung tama . Alam na niya yung desiyon niya .
--------
AN : Yan muna siguro for now :)) May unti akong babaguhin dito sa story . Hindi mismo sa story siguro sa characters .
Vote , Comment and Like ♥
#CallMeBabyBoo