CHAPTER 4
"Miss Rose, ‘yong ipinagawa ko sa’yo kahapon, nagawa mo ba?" Bahagyang nagulat pa ang Secretary dahil sa boses niyang nagmamadali. "Yes Sir, may napili na po akong model for Mr. Win Hao."
"Okay good. Thank you." Tumuloy na sa opisina ang lalaki.
"May bago akong project, Zia. I'll be gone for a week. Sa Cebu kasi ang location. Sumama ka kaya total matagal ka nang hindi nakakapag-vacation. O, ano? Sige na para naman may ka-kwentuhan ako doon." Dahil sa pamimilit ni Gill ay napapayag siyang sumama dito.
"Pero, paano ang Shop?" “
“Sus, andiyan naman si Pami. Alam na alam naman natin na maaasahan din ang babaeng iyon."
"Yes I know. Pero nakakahiya, baka kasi isipin niya umaabuso na ako. Alam mo naman na naka-leave yong ka-relyebo niya."
"She won't think that way. At saka pwede ka namang maunang umuwi sa akin."
"Sige na nga."
Bago gumayak ng gamit si Zia ay pinuntahan niya muna ang shop at hinabilinan si Pami na ito na muna ang bahala sa lahat, maluwag naman sa dibdib na tinanggap iyon ni Pami.
Abala ang Secretary niya nang madatnan niya ito sa lamesa nito.
"Miss Rose, please prepare your things. Mr. Hao invited us to come with him to Cebu. This is our chance to unwind and relax from our hectic schedule.”
"Really Sir? for real?" Namimilog ang mata ng Secretary niya. Hindi siya nagkamali na yayain ito para naman maiba ang ambiance nito, hindi yong puro nalang sa opisina at kapapelan ang nasa harapan.
"Yes. Kaya maaga kang umuwi mamaya para makapag-empake ka."
"Thank you, Boss. Makikita ko na rin sila Mama after one year."
Sumasayaw-sayaw pa ito sa kaligayahan.
"Yes, you can visit them."
She was busy looking around when someone hit her back. Shit! Hindi manlang humingi ng sorry.
Hindi niya nakilala ang lalaking bumangga sa kanya kasi likod nalang nito ang naabutan ng tingin niya. Ang bastos ng hayop! Napaka ungentleman! Anong tingin niya sa akin, pader!?
"Ok ka lang, Zia?" Tanong sa kanya ni Gill na nakasunod din ang tingin sa lalaking may kagagawan kung bakit siya nakangiwi.
"Ok lang ako. Buti na rin yong hindi ko nakita ang pagmumukha niya at baka maupakan ko lang siya."
Nakasimangot parin si Zia hanggang sa makapasok sila sa Aircraft.
"Papangit ka niyan." Siko sa kanya ni Gill.
Ipinikit na lamang niya ang mata kesa sagutin pa ang kaibigan. Kahit mukhang pamilyar sa kanya ang likod nang taong nakabangga sa kanya kanina ay binalewala na lang niya iyon. Imposible naman kasing mapadpad doon ang lalaki.
Nagising si Zia nang tapikin siya ni Gill sa balikat.
"Dito na tayo."
Humikab pa ang dalaga bago isinuot ang sunglasses at tuluyang tumayo at saka isinukbit ang dala-dalang backpack.
Kanina pa lihim na pinagmamasdan ni Cainon si Zia Guevarra. Ito ang nabangga niya kanina sa Airport. He was in a hurry kaya kahit pag hingi ng sorry ay hindi niya nagawa. Sinundan niya ito, and luckily, iisang Hotel lang ang tutuluyan nila.
Hindi na niya ito hiniwalayan ng tingin hanggang sa pumasok ito sa elevator at ang kasama nitong babae. Maganda rin ang kasama nito at halos magkasingtangkad lang ang dalawa pero mas kapansin-pansin ang angking ganda ng babaeng ewan ba niya pero tila may magnet ito sa katawan na ayaw humiwalay ng mga mata niya.
Pipihitin na sana ni Cainon ang seradura ng kwartong tutuluyan pero may palad nang pumatong sa kamay niya; tila nakikipag-unahan ito.
"Ikaw?!" Nanlalaking mata ang sumalubong sa kanya. Pero bigla rin itong namutla.
Ramdam niya ang mabilis na pag tibok ng puso niya. Hindi siya ito. Hindi siya ang tipong magpapanic kapag may babaeng dumikit ang balat sa kanya.
Iba ang kabog ng dibdib niya. It was screaming volume of emotions but he was sure for that kind of feelings. That must be love! Fuck! It couldn't be!
Falling inlove was the last thing he would do in his entire life. Paano nalang ang pangakong isinumpa niya sa sarili na hindi siya iibig kelan man? Women were just a medicine for his sexual needs. Period!
"Zia-" his voice made her hearts trembling in excitement and happiness. Diyos ko po! Paano nagagawa ng lalaki na paghinain ang mga kalamnan niya?
"Hey!" He snapped his finger infront of her.
"Uhmm… I think, mali ka ng pinto na pinuntahan. Cainon right?" Kunwari ay panghuhula niya sa pangalan nito. Kung may paligsahan lang sa pagpapanggap, panigurado, nominado na siya.
Dahil doon ay tiningnan ng lalaki ang card na kasama ng susi na hawak nito.
"Sorry. Next door pa pala ang sa akin. Anyway, nice meeting you again. Small world, huh?” Pahabol pa nito.
"Oo nga, small world. Sige pasok na ako."
Naiwang napasapo sa noo ang binata. Small world. And I think, she's going to ruin my world.
Dali-daling tumayo si Zia sa pag aakalang si Gill ang nag do-door bell. Halos Thirty minutes na kasi buhat nang maka-akyat siya sa kwarto nila pero wala parin ang kaibigan.
Natulos siya sa pagkakatayo nang hindi ang kaibigan ang napagbuksan niya.
"Ikaw na naman? Ano bang kelangan mo? Tell me?!"
"This is what I want-" a smooth and hot lips landed on hers.
BINABASA MO ANG
The Invader (R-18) TO BE PUBLISHED UNDER BOOKWARE
RomanceSYNOPSIS Aminado si Zia na naging tanga siya para paulit-ulit na tikman ang isang putahe na inihain sa kanya ni Cainon. Oo nga't lasing siya pero malinaw sa kanya ang nangyari sa kanila ng lalaki nang gabing iyon. Pero hinayaan niyang maulit iyon. I...