Chapter 20

7K 170 3
                                    

CHAPTER 20

Matapos pakalmahin ang sarili ay tumayo siyang muli at hinila ang maliit na maleta na hindi sumusulyap kay Cainon. Alam niyang umiiyak ang lalaki, tanda ang garalgal nitong boses nang subukan siyang pigilan nitong umalis.
Sa Orphanage siya dumiretso. Kapag sa Condo kasi siya tumuloy, malamang mabilis siya matutunton ni Cainon. Pero gaano nga ba siya kasigurado na susundan pa siya ng lalaki? Baka nga nagdidiwang ito ngayon at si Marrith dahil siya na mismo ang kusang lumayo.
“Ang aga mo yata- at teka nga, tama ba ang nakikita ko, ha?” Hinawi pa ni nanay Clarita ang buhok niya kaya lalo pang nalantad dito ang namamaga niyang mga mata.
“At saka diba ang sabi mo kagabi, magkasama kayong dadalaw ni Cainon dito.”
“Wala na pong kasal na magaganap pa, Nay,”
“Gusto mo bang pag-usapan ang tungkol diyan?” Umiling lang siya kasabay nang pagdausdos ng mga luha niya. Agad naman siyang dinaluhan ng matanda at yinakap ng mahigpit. “Pahinga ka na. Mukhang wala kang tulog. Pinaayos ko na yong kwarto na tutuluyan mo. Luto na pala ang almusal. Kumain ka muna bago ka umakyat.”
Inakay siya nito patungong kusina.
“Kahit ano mang problema yan, alam kong kaya niyong lagpasan yan, Nak. Kumain ka ng marami, ha?”
Pagkatapos nitong ihanda ang almusal ay naupo na rin ito at maganang kumain kaya nahawa na rin siya. “Excuse me,” pasintabi niya nang hindi mapigilan na kumawala ang malakas niyang dighay.
“Walang kupas parin po ang galing niyo sa pagluluto.” Pinasigla niya ang boses para hindi na masyadong mag problema ang matanda sa kanya.
“Salamat. Ikaw din, hindi rin nagbabago ang pamumuri mo sa luto ko.”
“Masarap naman po talaga.”
“O siya, umakyat ka na pero h’wag ka munang matutulog at kakakain mo lang.”

“Ano bang nangyari?” Basag ni Phillip sa katahimikan na namamagitan sa kanilang dalawa.
Kapwa sila nakaupo sa plastic mat na inilatag niya kanina sa Bermuda Grass sa likurang bahagi ng Orphanage. Tahimik sa parting iyon sapagkat malayo iyon sa playground ng mga bata.
Gustuhin man niyang h’wag nang pag-usapan ang tungkol sa nangyari ay mukahang imposible iyon dahil marami talaga ang magtataka kung bakit wala ng kasalang magaganap.
“I caught him kissing with her ex,”
“Yon lang? Sinukuan mo na agad?” Nagkamali yata siya. Akala niya kakampihan siya ni Phillip.
“Hindi simpleng bagay ang ginawa nila, Phillip. Kawalang-respeto iyon sa relationship namin, knowing the fact na engage na kami pero nakaya niya paring gawin iyon. O, baka nga noon pa nila ginagawa iyon. Malay ko ba kung hindi lang basta halikan ang nangyayari sa kanila.”
“Diba mas maganda kung pag-usapan niyo ang tungkol diyan? Escaping is not a solution to fix a problem. Kung ayaw mo na talaga, then you better talk to him.”
“Hindi ko pa siya kayang harapin,”
“So, kailan mo siya balak kausapin?”
“Ewan ko. Hindi ko alam, Phillip. Ayoko siyang harapin sa mga panahong sobrang nasasaktan pa ako kasi baka masumbatan ko pa siya nang sobra ay iyon ang iniiwasan kong mangyari.”
“Okay. I understand. Basta andito lang ako kapag kelangan mo nang kausap.”
“Alam ko na lagi ka namang nandiyan para sa akin, and I thank you for that.”
“Basta para sa’yo.” Marahang pinisil nito ang kanang kamay niya.
Siya na ang kusang yumakap sa lalaki na ginantihan naman iyon ng lalaki.
“Thank you Phillip.”
Nasa ganoon silang tagpo nang makita niya sa peripheral view niya si Cainon na madilim ang mukha. Hindi siya bumitaw kay Phillip. Hinintay niyang umalis ang lalaki saka siya kumalas sa pagkakayakap sa kaibigan.

Kinabukasan ay nag desisyon siyang bumalik na sa isla. Mas malilibang siya roon. Malakas ang ulan pero hindi naging hadlang iyon para hindi siya tumuloy. Nag presenta si Phillip na ihatid siya nito sa airport. Ang lalaki na ang nag buhat ng maleta niya.
Pag labas niya ng pinto ay nakita niya na kakababa lang ni Cainon sa sasakyan niyo. Hawak nito sa kanang kamay ang payong samantalang sa kaliwang kamay nito ang bungkos ng bulaklak at pagkakita nitong inakbayan siya ni Phillip ay biglang bumagsak sa semento ang hawak nitong bulaklak.
“Talk to him,” ‘yon ang ibinulong sa kanya ni Phillip pero paano niya pa susundin ang utos nito kung mabilis nang bumalik sa sasaktan si Cainon at pinaharurot iyon.
“See? Akbay lang ang nakita niya pero nag walk out agad.” Nag kibit siya ng balikat saka nagpatuloy na sa paglalakad patungong sasakyan.
“Gagawa nang kalokohan, seloso rin naman pala.” Nakaismid na komento ni Phillip.
“Hayaan na natin siya.”
Tahimik na sila hanggang sa marating nila ang airport.
“O, paano ‘yan, magkakahiwalay na naman tayo. Mag-iingat ka doon sa Isla Martina, ha? Hayaan mo, kapag nakaluwag-luwag ako, dadalawin kita doon. At siyanga pala, h’wag mo akong kalimutang i-update do’n sa DNA result mo ha?”
“Sure.” Muntik na niyang makalimutan ang tungkol sa bagay na ‘yon kung hindi sa pagpapaalala ni Phillip. Nakaramdam  tuloy siya ng excitement at unti-unti nang natatakpan ang kalungkutang nararamdaman niya.
Nagtaka pa siya nang pagdating niya sa isla ay sarado ang Resto niya. Anong nangyari sa mga tao niya? Dumako siya sa main entrance at nakita niyang hindi naman iyon naka-kandado kaya bubuksan na sana iyon pero nagulat siya nang may nag bukas noon galing sa loob at sinabuyan siya ng napakaraming petals.
“Happy Birthday, Zia!” Nakanganga lang siya habang tinuturo ang sarili niya.
Kahit busy siya sa iba’t-ibang bagay ay hindi pa niya nakakalimutan kung kelan ang birthday niya. At alam na alam niya na hindi iyon ngayong araw.
Lumapit sa kanya si Bristan at may inabot na sobre sa kanya. Nanginginig ang kamay na binuksan niya iyon.
Habang pinapasadahan ng tingin ang sobre ay unti-unti naming namuo ang mga luha niya. Mabilis na tinakbo niya ang kinaroroonan Gabriel Ocampo, papa ni Bristan na ama niya rin pala at yinakap niya ito ng mahigpit.
Hanggang sa napagitnaan na silang dalawa ng mga naroroon. It was such an unforgettable group hug. Isa ang nawala pero ang daming dumating. Mahal na mahal parin siya ng Diyos na hindi siya hinahayaang maging malungkot ng mahabang panahon.
“Welcome back, Elexzia!” Yapos sa kanya ni Bristan.
“Welcome back, Ate.” Sunod na lumapit sa kanya si Angela. Si Brio naman ay titig na titig na naman sa kanya, “Lala,”
“That’s Auntie Elexzia, Darling. Say, Auntie,”
“Tati?” Sabay-sabay silang nagtawanan nang biglang sumayaw si Brio. Para itong trumpo na wala sa tamang balanse.
“So, ngayon po talaga ang tunay kong birthday?” Baling niya sa ama.
“Yes. It’s your Twenty Seventh birthday. Kaka-apat na taon mo lang nong malunod ang Barkong sinasakyan natin. Request iyon ng mama mo na maglayag kasama ka. At iyon ang unang beses na isinama ka namin sa bakasyon. Iyon ‘yong araw na ginusto kong mas maigi pang tapusin na rin ang sarili kong buhay dahil sa pagkawala mo. Isang lingo, isang buwan, isang taon at umabot ng dekada ang hinintay namin na makita na ang katawan mo; buhay man o patay kaso parang lalo pa kaming pinahirapan nang wala kaming nakuhang balita buhat sa mga Rescue Team. Natutunan naming tanggapin ang lahat gaano man kahirap iyon. Pero hindi kami tumigil sa pagdarasal na sana kung buhay man ang aming anak ay nasa mabuti siyang kalagayan. Miss na miss ka namin, Anak.”
“Masaya po akong pinagtagpo tayong muli. Na hindi pa huli ang lahat. Ang sarap pala sa pakiramdam na sarili mong kadugo ang tumatawag sa’yo ng anak. Kahit siguro buhay pa ang mga umampom sa akin, magiging masaya rin sila na natagpuan ko kayo na tunay kong kadugo,”
“Kahit wala na sila, gusto ko parin silang pasalamatan dahil sa pagkupkop nila sa’yo sa napakahabang panahon. Utang ko sa kanila ang kaligtasan mo.”
“Nanatili po ako ng isang taon sa ampunan na pag-aari rin nila bago ako naging legal adopted nila.”
Natigil lang sila sa pag-uusap nang marinig nilang nag-iingay si Brio pagkakita nito kay Angela na bitbit ang cake.
“Happy birthday to you…happy birthday, happy birthday, happy birthday to you… O, ate, blow the candle muna.” Bago pa man siya makakilos ay naunahan na siya ni Brio na ihipan ang kandila.
“Naku naman, napakakulit talaga ng bata.” Pumalakpak lang ito at tumawa ng nakakaloko.
“Kiss mo nalang si Auntie.” Iniumang niya kay Brio ang mukha at mabilis namang sumunod ang bata. Biglang kinabig nito ang ulo niya at may pautal-utal na ibinulong.
“Oh, you’re so sweet. I love you too, darling.”
“Mahal na mahal ka na agad ni Brio, ate.” Baling sa kanya ni Gelai.
Isang lingo na ang nakalipas nang may hindi siya inaasahang bisita na naghihintay sa isang sulok ng Resto niya. Itinuro siya ni Kesh sa kinauupuan ng lalaki. Konti ang Guest nila dahil sa masamang timpla ng panahon.
Gusto niyang iwasan ang lalaki pero naalala niya ang sinabi ni Phillip. Gusto na niyang maging maayos ang lahat. Ayaw na niyang magbitbit ng problema at masakit iyon sa dibdib.
“Hi,”
“Zia,” his face was so gloomy. Para itong namatayan sa hitsura nito. Nangangalumata ang mga mata at makapal na ang bigote. Pati damit ay gusot-gusot. Yumuko siya. Ayaw niyang higit na mahirapan sa nakikitang ayos ng lalaki.
“I’m here to say sorry-and goodbye, Zia. Siguro nga hindi tayo ang itinadhana. Hindi ako ang lalaking nararapat sa’yo. Wala na kasi akong ginawa kundi ang saktan ang damdamin mo. Una iniwanan kita dahil sa kaduwagan ko. Pangalawa iniwanan mo ako dahil sa kagaguhan ko. Hiyang-hiya na ako sa’yo pero hinihingi ko parin ang kapatawaran mo,”
“Cai-”
“Ok lang naman kung hindi mo na ako kayang patawarin. Hindi kita masisisi kung bato na ang puso mo para sa akin. I’m so sorry for hurting you again. Nasaktan kita ulit nang hindi ko sinasadya at ayoko nang makita ka na ganoon. Mahal na mahal kita Zia kaya ako na ang lalayo- I love you and goodbye.” Tumayo na ang lalaki na hindi manlang hinintay na magsalita siya. Sinundan niya ito ng tingin habang nanlalabo ang mga mata dahil sa luha pero hindi naging hadlang iyon upang hindi niya makita ang babaeng bumaba sa sasakyan nito upang sunduin ito ng payong.
“Shhhsss… magiging okay din ang lahat.” Kay Patricia siya tumakbo para doon umiyak.
“Ang sakit sakit. Hindi man lang niya hinintay na tanggapin ko yong sorry niya. Hindi manlang niya hinintay na sabihing mahal ko pa rin siya na baka kelangan lang namin ng space para ayusin ang mga bagay-bagay. Hindi niya man lang hinintay na marinig na sabihin kong hihintayin ko parin siya kung kelan wala na ang galit sa puso ko at handa na akong patawarin siya. Siguro nga wala na talaga akong kwentang babae.” Tuluy-tuloy siya sa pagsasalita kahit na nga pumipiyok siya dahil sa pag-iyak.

“Everything will be alright, Zia. May be you deserve someone better than him. H’wag mong isara ang puso mo para sa iba.

The Invader (R-18) TO BE PUBLISHED UNDER BOOKWARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon