CHAPTER 15
Pagdating nila sa bahay ni Bristan ay sinalubong sila ng isang batang lalaki na nasa mahigit isang taong gulang ang edad. Nagkalat ang chocolate sa bibig nito. “La-la.” Pautal-utal na wika nito. “No, darling, she’s not your Lala. Where’s Tita Gelai?” Ngumuso ang bata at tumingin sa corner kung saan nandoon ang comfort room.
“Bless ka kay Tita Zia.” Mabilis namang lumapit sa kanya ang bata at hindi lang ito nagmano kundi nanggigil din ito sa paghalik sa kanya.
“Pasensya na, may tsokolate ka na rin tuloy. Napakapilyo talaga ng batang yan.”
“It’s okay. Sanay ako sa mga bata dahil bago ako mapadpad dito ay ako ang personal na namamahala sa Orphanage na iniwan ng poster parents ko.
“Brio! come back here! Tinakasan mo na naman ako.” Sigaw ng babae na nanggagaling ang boses sa CR.
“Go…” mabilis namang tumalima ang bata. Ang bilis na nitong maglakad kahit hirap na hirap dalhin ang katawan dahil sa katabaan.
“Ang cute cute.” Komento ni Zia. Kanina niya pa pinipigilang h’wag panggigilan ang bata.
“I’m lucky to have him,”
“Anak mo siya?” Tanong niya kahit kanina niya pa napansin na magkamukha ang dalawa.
Tumango ang lalaki na bakas sa mukha ang pagmamalaki.
“Eh, asan ang Mommy niya?”
“Si Vera, naalala mo? Iniwan kami para sa iba. Kaya ‘yang anak ko na ‘yan, lahat nalang nang makitang babae ay tinatawag na Mommy. Ikaw lang yata ang hindi niya tinawag na Lala.”
“At his age, kelangan talaga ang isang ina na mag aaruga sa kanya. Ayaw mo bang hanapan?” Biro niya sa lalaki.
“You mean, girlfriend? Baka sa halip na makatulong lalo lang dumagdag sa pasanin ko. Mas okay na ‘yong ganito na kay Brio lang ako naka-focus.”
“I understand.”
“Kuya, saiyo nga muna ang makulit na ‘to at tutulungan ko muna si Lani mag set ng table.” Mabilis namang kumalong sa ama ang bata. Matamis na ngumiti sa kanya si Gelai at titig na titig na ipinagtaka niya.
“Hello Cutie!” Kaway ni Zia kay Brio.
“Lala?” Tumingala ito sa ama na nagtatanong ang mga mata.
“That’s Tita.” Umiling ang bata na ikinatawa nilang dalawa.
“Lagot ka, Ayaw niyang tawagin kang Tita.”
Mayamaya ay lumapit sa kanila si Gelai at sinabi nitong nakahanda na ang hapunan.
“Let’s go.”
Pagdating nila sa dining room ay sa kanya lumapit si Brio at nagpakalong. Ilang saglit na tumitig sa kanya ang bata sabay bigkas ng, “Lala?”
“Kanina niya pa ako tinatawag ng Lala, ano ba ‘yon?”
“Tawag niya sa Lola niya sa t’wing nakikita ang picture frame ni Mama. Saka ito ngumiti. “Mukha na ba akong matanda ha, baby?”
“Mamaya ipapakita ko sa’yo ang picture frame ni mama para maintindihan mo kung bakit tinatawag ka niyang Lala.”
Hindi man lubos na maintindihan ang ibig sabihin ni Bristan ay hindi na lamang umimik si Zia. Naka-focus siya sa pagkain. Halos lahat kasi ng putahe ay masasarap.
Tulad nang sinabi kanina ni Bristan, pagkatapos nilang kumain ay dinala siya nito sa study room at ipinakita sa kanya ang litrato ng yumaong ina nito. Halos mapanganga siya sa nakita. Lalo na sa litratong dalaga pa ang ina nito. Para silang pinag-biyak na bunga.
“Kamukhang-kamukha ko siya.” Usal niya.
“That’s why Brio called you Lala. Akala niya ikaw at ang Lola niya ay iisa.”
Malakas ang tibok ng puso ni Zia; Iba ang nararamdam niya sa t’wing tititigan ang litrato ng ina ni Bristan na nalaman niyang Alexandra ang pangalan.
Hanggang sa pag-uwi ay hindi parin mapawi sa isip niya ang mukha ng ina ni Bristan.
Kinabukasan ay maaga siyang nag empake at dumaan siya sa Resto niya. “Aalis ho kayo, Ma’am?” tanong ng Inventory Clerk niyang si Kesh. Sa maleta niya ito nakatingin.
“Yes. At pakisabi kay Allen na siya na muna ang bahala dito.” Ang inuluklok niyang manager ang tinutukoy niya. Maaga palang kasi ay binigyan na niya ang mga tao niya ng tungkulin para may mapagkakatiwalaan siya t’wing kailangan niyang umalis tulad ngayon.
“Oh, Zia! Bakit ngayon ka lang? Naku, akala namin ay nakalimutan mo na kami.”
“Iyan po ang hindi mangyayari, Nanay Clarita.” Si Clarita ay ang matandang matagal nang nagtratrabaho sa Orphanage at halos sa bahay-ampunan na nito inilaan ang buong panahon. Wala na itong pamilya kaya ang mga bata sa ampunan ay itinuturing nitong sariling mga anak.
“Nanay Clarita, may itatanong po sana ako.”
“Ano ‘yon, anak?”
“Natatandaan niyo pa po ba kung sino ang nagdala sa akin ditto noon?”
“Matagal na panahon na iyon, iha. Pero sa pagkakaalala ko ay DSWD ang nagdala sa’yo dito matapos ang dalawang buwan na walang kumukuha sa’yo sa poder nila.”
“Wala ho ba silang nabanggit kung saan nila ako nakuha?”
“Wala naman. Bakit? May problema ba, anak?” Halata sa mukha ni Nanay Clarith ang pag-aalala.
“May nakilala kasi ako doon sa pinuntahan kong isla, yong Architect na kinuha ko noong ipinatayo ko ang resto ko doon. Hindi ko alam ‘nay pero nong una niya akong makita para siyang nakakita ng multo at saka noong inimbitahan niya ako sa bahay nila, para akong humarap sa salamin nang ipinakita niya sa’kin ang picture ng Mama niya noong dalaga pa ito. Iba rin po ang nararamdaman ko. Hindi kaya sila ang tunay kong pamilya, Nay?”
“Posible. Pero kelangan mong makasiguro.”
“Magpa-DNA test ka. Yong ama ba nong nakilala mo, buhay pa?”
“Buhay pa ho pero hindi ko pa name-meet ng personal.”
“Bumalik ka doon at gawin mo ang ipinayo ko sa’yo. Hangad ko ang tagumpay mo, anak.”
BINABASA MO ANG
The Invader (R-18) TO BE PUBLISHED UNDER BOOKWARE
RomanceSYNOPSIS Aminado si Zia na naging tanga siya para paulit-ulit na tikman ang isang putahe na inihain sa kanya ni Cainon. Oo nga't lasing siya pero malinaw sa kanya ang nangyari sa kanila ng lalaki nang gabing iyon. Pero hinayaan niyang maulit iyon. I...