CHAPTER 8
Kinahapunan ay napagkasunduan ni Zia at Phil na kumain sa paborito nilang Restaurant. Pinili nila ang table na nakapwesto malapit sa glass wall kaya malaya nilang nakikita ang mga naglalakad galing sa kani-kanilang trabaho. Oras na nang uwian kaya halos mapuno na naman ang nasabing kainan. Bukod kasi sa masasarap ang mga putahe ay very Affordable pa.
“Masarap talaga ang foods nila dito, no? Itong lumpiang sariwa gusto kong aralin. Opss! Excuse me.” Pasintabi ni Phil nang muntikan na itong mapadighay pero nagtaka ito nang hindi manlang siya umimik bagkus ay nakatingin lang sa may pintuan.
“Hey! What’s wrong?” Usisa ng binata.
“Totoo nga ang ibinalita sakin ni Gill na may bagong babae na namang nilalandi si Cainon. Ang kapal-kapal ng pagmumukha ng hayop!” Nanggagalaiting litanya niya.
“Move-on, Zia. Hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Kung mahal ka no’n hindi yon gagawa ng ikakasama ng loob mo. Gago ba siya o sobrang manhid lang niya? H’wag niya lang hintaying magkasalubong kami baka mabasag ko lang ang pagmumukha niya.”
“Magbayad na nga tayo.” Kinawayan naman ni Phil ang nasa malapit lang na waitress.
Pagkatapos nilang magbayad ay sabay na silang tumayo. Inalalayan pa siya ng lalaki sa siko hanggang sa makarating sila sa parking lot. Mapagkakamalan silang real couple dahil sa pagiging gentleman ni Phil.
“Thanks, Phil! Salamat sa free dinner at sa paghahatid.”
Ngumiti lang ang binata at kumaway sa kanya bago muling pinaandar ang sasakyan nito.
Nagpalit lang ng damit si Zia at naglinis ng katawan saka dumiretso na ng higa. Pagod na pagod ang pakiramdam niya. Para siyang nalalantang gulay. Ito na yata ang kapalit ng ilang araw niyang pagpupuyat. Unti-unti nang pumikit ang mga mata niya kasabay nang pag alpas ng mga luha doon. Parang sirang plaka na paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang masasayang araw nila ni Cainon at ang pag iwan nito sa kanya. Parang tinatadtad ng pinong-pino ang puso niya.
“Thank you so much, Letty. You know matagal na rin akong hindi lumalabas.”
“Ano ka ba, Cai. Ako ang nangailangan ng tulong mo kaya ako dapat ang nagpapasalamat sa’yo. Pasensya na kung madalas lumalapit lang ako kapag nangangailangan ng tulong. Kaya kapag ikaw naman ang nangailangan, andito lang ako. Kahit gaano pa ako ka- busy no’n pupuntahan agad kita.”
“Kay Greg ka lang naman naging busy sa mga nakalipas na taon.” Nang-aasar na sagot ni Cainon kay Letty, na ginantihan naman ng babae ng isang nakakamatay na irap.
Mabilis na pinaharurot ni Cainon ang sasakyan paalis ng bahay ni Letty nang masiguradong nakapasok na ito sa gate.
Pag dating niya sa bahay ay dumiretso siya sa Bar at mabilis na nag salin ng Vodka sa shot glass na naroon. Pumayag siyang lumabas kasama si Letty upang kahit papaano ay maibsan ang selos na nararamdaman niya sa t’wing naaalala niya ang tagpo na may kausap na lalaki si Zia. Nahihiya siyang aminin maski pa sa sarili na umiibig na nga siya sa babae. Noong una, hindi siya sigurado sa nararamdaman patungkol sa babae pero nang makita niya itong masayang nakikipag-usap sa lalaking iyon ay tila binaril siya ng ilang beses sa dibdib.
Naalimpungatan si Zia nang marinig ang pag-iingay ng telepono niya. Naka-set kasi ang alarm clock no’n. Kelangan niyang gumising nang maaga kasi isasabay na siya ni Phil papasok, paano ay iniwan niya aang kotse kagabi sa building nila. Tinatamad man ay pinilit niyang bumangon para ipagluto ng almusal ang sarili. Wala kasi si Gill. May bagong project ito at out of town ang pictorial. Nag hire na rin siya ng panibagong secretary dahil madalas nang umaalis si Gill. Hindi niya naman pwedeng pigilan ang babae kasi mas nag e-enjoy ito sa modelling career nito.
Kasalukuyan siyang nagtitimpla ng kape nang tumunog ang doorbell. Hindi pa siya nakakapag-suklay o hilamos man lamang pero wala siyang pakialam, alam naman kasi niyang si Phil iyon.
Halos hindi siya makahinga matapos na yakapin siya ng lalaking pinagbuksan niya ng pinto. Hindi pa siya nakakabawi sa gulat ay nilamukos na ng halik nito ang mga labi niya. “I miss you. I really miss you, Zia. Sorry, alam kung kasalanan ko ito.” Lumuhod ang lalaki pero bago pa man siya makasagot ay may tumikhim na sa likuran nila and it was Phil. Mabilis na tumayo si Cainon saka nito hinarap si Phil. Mabilis pa sa kidlat na umalis ito habang nakakuyom ang mga kamay.
“High five! Ang galing talaga ng timing ko, no? sabi ko sa’yo marerealize rin ng lalaking iyon kung sino ang pinakawalan niya. Sino ngayon ang pinapatay ng sariling selos.”
“Mahal ko parin siya, Phil. Mahal na mahal,”
Ang kaninang masayang mukha ni Phil ay nalambungan ng kalungkutan at hindi iyon nakaligtas sa mga mata ni Zia kaya inakbayan niya nalang ang binata at iginiya papuntang kusina saka niya ito ipinagtimpla na rin ng kape.
Imbes na pumasok sa opisina ay maghapong nagmukmok si Cainon sa kwarto niya. Nagdala siya do’n ng isang bote ng Red wine pero hindi naman niya nagalaw hanggang sa makaramdam siya ng antok. Wala nga pala siyang tulog noong nakaraang gabi dahil sa kakaisip kung paano niya lalapitan ulit si Zia.
Pag pasok ni Zia sa office niya ay isang bungkos ng res roses ang bumungad sa kanya. Kahit hindi siya manalamin ay alam niyang namumula na ang pisgi niya dahil sa kilig na nararamdaman.
“Mukhang seryoso talaga sa pakikipag-bati ang ex mo, ah.” Tukso ni Phil na nakasunod pala sa kanya.
“Alam mo naman yong feeling ko sa kanya pero ayoko munang umasa, Phil. Nanggaling na ako roon sa point na nasaktan. I think, this time kelangan ko munang pag-isipan ‘to.”
“Very good. Minsan ang tao kelangan munang masaktan at mabigo bago matuto.”
“At isa ako don. Ang tanga-tanga ko lang na mabilis kong ibinigay ang sarili ko sa kanya na alam ko naman na walang kasiguraduhan kong pareho ba ang nararamdaman namin.”
“I saw the love in his eyes, Zia. Lalaki rin ako kaya alam kong totoo ang nararamdaman sa’yo ni Cainon. Kahit masakit para sa’kin, tatanggapin ko nang siya ang lalaki na nararapat sa’yo. Don’t worry, andito parin ako para sa’yo. Walang magbabago don. Yong friendship natin mananatiling buo iyon, okay?” Kinabig siya nito saka hinalikan siya sa ulo.
BINABASA MO ANG
The Invader (R-18) TO BE PUBLISHED UNDER BOOKWARE
RomanceSYNOPSIS Aminado si Zia na naging tanga siya para paulit-ulit na tikman ang isang putahe na inihain sa kanya ni Cainon. Oo nga't lasing siya pero malinaw sa kanya ang nangyari sa kanila ng lalaki nang gabing iyon. Pero hinayaan niyang maulit iyon. I...