Chapter 21

6.7K 136 0
                                    

CHAPTER 21

“Sigurado ka ba talaga diyan sa desisyon mo? Baka naman nabibigla ka lang, anak?”
“Hindi ko alam, Ma. I just need to go away.”
“Ikinalulungkot ko na magkakahiwalay na naman tayo. Kung kelan okay na ang lahat saka ka naman lalayo. Pero naiintidihan kita. Iingatan mo ang sarili mo roon.”
Malungkot na ikinarga ni Cainon ang mga bagahe niya sa sasakyan niya na si Marrius ang may hawak ng manibela.
“I’m sorry Marrius kong nasaktan ko ang kaibigan mo. Kahit sabihin kong hindi ko yon ginusto pero nangyari na eh. Ang paniniwala niya, niloloko ko siya na may relasyon kami ni Marrith. But I swear to God na walang gano’n. I was drunk that time dahil nagyaya si Marrith na ubusin namin yong natirang alak. At nang tatayo na ako kasi gusto ko nang matulog, inalalayan ako ni Marrith hanggang sa isinandal niya ako sa dingding ang then she kissed me, iyon yo’ng naabutang eksena ni Zia.”
“Masyado mo nang nasaktan ang kaibigan ko, Cai. Kaya okay na itong lumayo ka na muna.”

Tumuloy si Cainon sa tiyahin niyang naninirahan sa Ontario, Canada. Dito rin namuhay nang ilang taon ang mama niya noong pinalabas ng papa niya na may iba itong lalaki ang hindi niya alam ay ang ama pala ang may kalokohang ginawa. Nang bumalik lang sa Pilipinas ang Mama niya saka niya nalaman ang katotohanan sa likod nang ginawang kwento ng kanyang ama. Nakakalungkot lang isipin na sobra niyang hinangaan ang ama pero may hindi pala siya alam pagkatao nito. Ganoon pa man, kelangan niyang tanggapin na hindi perpekto ang kanyang ama at tao lang ito na nagkamali. Kaya pala nang nanghihingalo na ito sa Hospital ay pangalan ng Mama niya ang binabanggit at ang salitang patawad.

“Masaya ako para sa’yo. Sino ang magsasabi na kahit lumipas ang napakahabang panahon sa buhay mo ay matatagpuan mo parin ang mga tunay mong kadugo. May mga bagay talaga na dumarating na hindi inaasahan.”
“Thank you Phil, for always here beside me. Sorry kung ikaw lagi ang takbuhan ko,”
“Mahal kasi kita kaya mahalaga ka para sa akin. And thank you for loving me back kahit hindi iyon kasing-lalim ng pagmamahal ko sa’yo but still, nagpapasalamat ako.

Dalawang taon na ang lumipas simula nang magpaalam si Cainon sa kanya at wala na siyang balita tungkol dito. At sa mga panahong iyon ay mas pinili niya ang mag move-on kesa magpaka-bitter sa buhay. She’s now happy having Phillip in her life. Sinubukan niyang mahalin ang lalaki at hindi ito mahirap mahalin. Sobrang maalaga ito sa kanya at maunawain. Minsan nga inaawat nalang niya ito sa pag-sisilbi sa kanya. Wala na siguro siyang mahihiling pa.
“Happy Eight monthsary, love.” Bulong sa kanya ni Phillip sabay hawak nito sa kamay niya.
“Happy monthsary, too. Ang bilis. Parang kailan lang, no?”
“Yeah. At masaya ako na narating natin ‘to. Thank you sa pagtitiwala sa pagmamahal ko. Alam kong sugal ang pagmamahal. At salamat sa pagtataya sa isang sugal na hindi mo alam kung mananalo ka o matatalo ka ulit. Let’s accept the fact that we are only just humans. Pwede tayong magkamali at maaaring ang pagkakamaling iyon at ikatalo lang natin sa sugal na pareho nating tinayaan. Hindi ko pwedeng panghawakan ang pag-ibig ko sayo para hindi ka masaktan; sobrang haba pa ng biyahe para sa ating dalawa at hindi ko hawak ang manibela para sabihing kasabay kita hanggang dulo. Pero habang nandito ako sa tabi mo, lagi mong iisipin na ikaw lang ang tanging babaeng mamahalin ko. Ikaw lang ang babaeng isasama ko hanggang sa huling alaala na iiwanan ko dito sa mundo. Mahal kita, Zia nang higit sa kanino pa man. Maikli pa ang relasyon natin kung tutuusin para hingin ko ang bagay na ito, but please, marry me, Zia.” Hindi alam ni Zia kung ano ang sasabihin. Paano ay nauna nang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Nasa isip na niya ang isasagot sa lalaki pero bakit parang ang hirap nitong lumabas sa bibig niya.
“It’s okay, Zia. Naiintindihan ko.” Gagap nito sa kamay niya.
“Phil… yes, I’ll marry you. Magiging misis mo ako at magiging mister kita. Bubuo tayo ng pamilya. Ikaw at ako, at magiging anak natin.”
“Thank you, Thank you, Love.” Mahigpit siya nitong yinakap at dahan-dahang inilapat ang mga labi nito sa labi niya. I was a very light kiss. Pakiramdam ni Zia at isa siyang Prinsesa na nakakulong sa bisig ng isang napaka-gwapong prinsipe.

“I love you, future wife.” Bulong sa kanya ni Phillip habang isinusuot nito ang singsing sa daliri niya.
Matamang pinagmasdan iyon ni Zia. Bakit pakiramdam niya ibang engagement ring ang suot niya? Namamalikmata ba siya o nababaliw?
“Hindi mo ba nagustuhan?” tila may bikig sa lalamunan na tanong ni Phillip.
“No, I like it. Ang ganda nga, eh.”
“Thank you. You deserve it, Zia.”

Ihinatid siya ni Phillip sa bahay ng pamilya niya. Simula nang malaman niya na ang mga Ocampo ang tunay niyang pamilya ay hindi na pumayag ang mga ito na manatili siya sa cottage.
“Hi Papa!” Bati niya sa ama na nagbabasa ng diyaryo sa sala. Itinaas niya ang kaliwang kamay para ipakita dito ang daliri niyang may singsing.
Nanlaki ang mga mata nito saka kumawala ang malapad na ngiti na saglit na tumingin kay Phillip na nasa likuran niya.
“Masaya ako para sainyo.” Bumitaw ito sa kanya at si Phillip naman ang niyakap. “Ingatan mo ang anak ko.” Tinapik nito ang balikat ni Phillip bago bumitaw.
“Let call a celebration!” Malakas ang boses ng papa niya kaya sumulpot buhat sa kung saan ang kuya Bristan niya. Nag usap-usap ang mga ito at nagpaalam sa kanya na lalasingin lang daw ng mga ito si Phillip.
“Kung kaya niyong lasingin yan!” May halong pagmamayabang sa boses niya para sa Fiance.
“Love?” Tila humihingi ng saklolo sa kanya si Phillip.
“Kaya mo yan, Love. Goodnight!” Kinindatan niya ang kasintahan saka mabilis na umakyat sa kwarto niya. Malaki ang tiwala niya sa Papa at Kuya niya na hindi nito hahayaang malasing nang todo si Phillip. Alam niyang mahina ang tolerance ng Fiance sa alak, pero alam niyang kaya nitong dalhin ang sarili.
“Akala ko pa naman may tatalo na sa akin pag dating sa pagpapatumba ng bote ng alak.” Malakas na tumawa ang Kuya niya.

“Kulang lang sa practice,” Ganti ni Phillip na humahalakhak din. Halatang iniinda parin nito ang hang-over.
“Maiba tayo, napag-usapan niyo na ba kung kelan ang petsa ng kasal niyo?”
“Hindi pa po naming naaayos, pa.” Tumingin siya kay Phillip.
“‘Yan po ang pag-uusapan namin mamaya, Tito.”
“That’s great.” Masayang ipinagpatuloy ng ama niya ang pagkain.

The Invader (R-18) TO BE PUBLISHED UNDER BOOKWARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon