CHAPTER 9
Buong maghapon na halos si Cainon lang ang laman ng isip ng dalaga. Masyadong ginugulo ng lalaki ang sistema niya. Alam ni Zia na hindi na normal ang mga nangyayari sa kanya. Kelangan niya na bang kausapin ng masinsinan ang lalaki? Hindi ba siya magmumukhang mababa sa paningin nito kapag ginawa niya iyon?
Five thirty palang nang hapon ay nag ligpit na si Zia ng mga gamit niya na ipinagtaka naman ng mga staff niya. She badly needed to rest.
Nagpaalam na rin siya kay Phil na mauuna na siyang umuwi. Ang sabi kasi ng lalaki ay alas-siyete pa nang gabi ito lalabas ng opisina.
Bago pa niya maisuksok ang susi sa doorknob ng pinto ng condo niya ay may mga yabag na siyang naririnig na papalapit.
“Anong ginagawa mo dito?”
“Pagod lang ako Cainon pero wala akong sakit. Makakaalis ka na.”
“Zia… I’m sorry. Sobrang hirap ba sayo na patawarin ako? Na tanggapin ulit ako?”
“Dapat tinanong mo ‘yan sa sarili mo noon bago mo ako iniwan at bago ka nangalabit ng iba! Inaamin kong ang tanga-tanga ko! Ang tanga ko kasi ang laki agad ng tiwala na binigay ko sa’yo. Umalis ka na, please,”
“Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo ako pinapatawad. Hangga’t hindi mo ako tinatanggap ulit. Please, mag simula ulit tayo.” Lumapit ito sa kanya at yumakap. Hindi siya gumanti. Mayamaya ay inilapat ng lalaki ang labi nito sa labi niya.
Ang lalaki ang unang bumitaw. Nag mistula lang kasi siyang tuod sa harapan nito. Tapos na ang halik pero halos limang segundo pa ang lumipas bago niya iminulat ang mga mata. She was scared that Cainon would read her real feelings.
Mabilis pinunasan ni Cainon ang mga luhang gumulong sa pisngi niya bago siya nito niyakap ulit nang mahigpit.
“Im sorry if I hurt you, patawarin mo ako.” Tumalikod na ang lalaki. Naiwan sa bisig niya ang bulaklak na dala-dala ng lalaki kanina.
Mabilis na kumilos si Cainon para i-prepare ang table. Nilapitan naman siya ni Marrith at tinulungan siya nitong mag sandok ng pagkain.
“Why are you staring at me, Cainon? Don’t tell me, may romantic feelings ka na sa’kin? Magpapa-misa ako kapag nagkagano’n.” Natatawang puna ng babae sa binata na nakatitig sa kanya.
“Ganoon ba katagal akong nakatitig sa’yo, Marrith?”
“U-huh-” nakangiting tumango ang dalaga at may pinong ngiti na naglalaro sa mga labi nito. “But don’t you worry, hindi ako mag a-assume.”
“Ok lang na mag assume ka Marrith because I do love you.”
Biglang siyang hinampas ng malakas ng babae.
“Yan ka na naman eh, pinapaasa mo na naman ako. Cainon, magpakatotoo ka nga sa sarili mo. Alam na alam kong hanggang kaibigan lang ang pwesto ko diyan sa puso mo. Na kahit mag tumbling ako sa harapan mo magdamag walang magbabago sa nararamdaman mo. Pero alam mo ba kung bakit hanggang ngayon nanatili ako sa tabi mo? Kasi mahalaga ka sa akin. I’m always here for you, Cai. Kasi gusto kong marealize mo na hindi lang kami pangkama. Na hindi lang sex ang kaya naming ibigay sainyong mga kalalakihan tulad ng paniniwala mo. Marami parin kami na dadamayan kayong mga lalaki sa oras na kelangan niyo kami. Sana ma-realize mo ‘yan bago pa mawala sa’yo si Zia.”
Paisa-isang hinubad ni Zia ang mga saplot niya hanggang sa ang underwear niya nalang ang natira sa katawan. Tiniis niya ang lamig na nunuot sa katawan niya saka tuluyang lumusong sa mababaw na bahagi ng dagat. Medyo madilim sa kinaroroonan niya, hindi na kasi iyon naaabot ng liwanag na nanggagaling sa lamp post.
Tuluyan na niyang inilubog ang sarili sa dagat at hinayaang lumutang ang sarili. Bata palang ay natuto na siyang mag floating dahil na rin sa tiyagang magturo ng poster Daddy niya. Pagkaalala sa mga magulang ay bigla niyang itinahaya ang sarili at ang liwanag ng buwan at kumikislap na mga bituin ang tumama sa mukha niya. Maliwanag na ang kanina’y maulap na kalangitan.
Sana andito ang mga magulang niya para kahit papaano ay hindi niya masyadong iisipin ang masakit na nangyari sa kanya. Sana buhay pa ang mga ito nang sa gano’n ay may mapagke-kwentuhan siya kung gaano siya nasasaktan ngayon.
Hindi niya alam kung ilang oras na siyang nakalutang sa tubig-alat, basta naramdaman na lamang niya na may yumuyugyog sa katawan niya at meron pang parang tumitili.
“Hey! wake up! Miss, wake-up!” Tinapik-tapik pa ng estranghero ang mukha niya. Dahan-dahan naman siyang nagmulat ng mata at nagulat pa siya nang mapansin niyang nagpapanic ang lalaking may buhat-buhat sa kanya.
“Hon, is she okay?” Narinig niyang tanong ng boses babae.
“I’m fine, Mister. Salamat at pakibaba nalang ako.” Pero hindi sinunod ng lalaki ang sinabi niya bagkus ay kinarga parin siya nito hanggang sa dalampasigan.
“Are you sure you’re okay?” Tanong ng babae na halatang nag-aalala sa kanya.
Kiming tumango si Zia sa babaeng tingin niya ay kasing-edad niya lamang. Yumakap ito sa lalaking kumarga sa kanya kanina.
“Pasensya na sa abala. Nakatulog pala ako habang nag fo-floating.”
“Don’t do that again, Darling. Napaka-delikado na ng panahon, lalo na sa ganitong oras. Paano kung umalon ng malakas at natangay ka sa kung saan. Anyway, I’m Patricia and this is my husband, Klark,”
“Zia Guevarra- at maraming-maraming salamat sa inyong dalawa.”
“No worries, Zia. It is our job to save people.” Malapad ang ngiting sagot ni Patricia sa kanya. Dahil hindi pa man gano’n kalalim ang gabi ay nagkayayaan silang pumunta sa floating Restaurant na halos limang minuto nilang nilakad.
Napag-alaman niyang isa sa mga Investors ang mag-asawa sa Isla Martina. At ito rin ang nag mamay-ari ng floating Restaurant na kinaroroonan nila.
Simpleng red summer dress ang suot niya na lagpas tuhod at saka pinarisan niya ng flat na tsinelas.
“So, bagong kasal lang kayo?” patanong na sagot ni Zia sa mga kwento ni Patricia tungkol sa mga pinagdaanan nito bago nauwi sa kasalan ang relasyon nito kay Klark.
Tumango ang babae na halatang kinikilig. “Ano ka ba, umabot din sa point na sabi ko sa sarili ko tama na kasi palagi nalang akong nasasaktan. But it wasn’t easy for me to decide kasi naipit ako between giving-up and holding on, Eight years is not a joke, mahirap pakawalan ‘yong ganoon kahabang panahon-”
“Nahirapan kang mag decide kasi mahal mo talaga ako at tiniis mong hindi aminin sa akin dahil sa pride,”
“Pinapahiya mo ako, hon.” Pabirong kinurot ni Patricia ang asawa na mas pinagtuunan ng pansin ang pagkain.
Hindi man aminin ni Zia ay nakaramdam siya ng inggit sa mag-asawa. Napag-alaman niyang parehong member ng rescue team ang dalawa.
Madaling-araw na silang umuwing tatlo. Nag enjoy kasi silang panoorin ang bandang tumugtog sa nasabing Resto. Halos magkanda-ihi-ihi siya sa kakatawa kanina habang pinapanood ang mga comedienne guests. Panandaliang nalimutan niya ang dahilan kung bakit nandito siya ngayon sa Resort na ‘to.
BINABASA MO ANG
The Invader (R-18) TO BE PUBLISHED UNDER BOOKWARE
RomanceSYNOPSIS Aminado si Zia na naging tanga siya para paulit-ulit na tikman ang isang putahe na inihain sa kanya ni Cainon. Oo nga't lasing siya pero malinaw sa kanya ang nangyari sa kanila ng lalaki nang gabing iyon. Pero hinayaan niyang maulit iyon. I...