CHAPTER 14
“Tang-ina naman! bakit ngayon niyo lang sinabi na nandito pala siya at dito pa mismo sa inyo tumuloy. Ginawa niyo akong tanga!” Namumula ang mukha ni Cainon pagkarinig sa mga ipinagtapat ng mag-asawang Patricia at Klark
“Panahon na kasi para ayusin ninyo ang lahat, Insan. Matanda na si Tita. Bigyan mo naman siya ng peace of mind. At saka subukan mong pakinggan yong paliwanag niya. Tiyahin ko siya pero hindi sa kinakampihan ko siya. Ang unfair lang kasi na hinusgahan mo agad siya kasi si Tito agad ang pinaniwalaan mo. Kung hindi mo matanggap na dito tumuloy si Tita, maluwag ang pinto at anytime pwede kang lumabas. Ayokong tumanggap ng pinsan na sarado ang utak.” Pagkatapos noon ay tumalikod na si Klark.
“Pasensya ka na sa pinsan mo. Pero sana maintindihan mo rin yong point niya.” Si Patricia.
“Enrique, anak?” Nilapitan ni Celia si Cainon na nakatingin sa malayo. Alam niyang umiiyak ang anak base sa pagyugyog ng balikat nito. Katabi ng binata ang mga nakatumbang bote ng Beer.
“Kaya mo pa ba akong tanggapin, ‘ma?” Nakatulala lang si Celia habang nakatunghay sa anak na namumungay ang mga mata. “Kaya mo pa ba akong patawarin?” Bigla nalang naghina ang tuhod ng ginang at lumuhod sa harapan ng anak at mahigpit na yinakap ang ulo nito.
“Hindi ko ihihingi ang sarili ko ng kapatawaran dahil sa kasalanang iniisip mong ginawa ko; ihihingi ko ng tawad ang sarili ko dahil naging marupok ako at sinukuan agad kita. Ayokong lalo kang nasasaktan sa t’wing nakikita ako kaya ako na ang nagpasyang magpakalayo-layo noon. Mahal na mahal kita, anak. Mahal na mahal kita.”
“Sorry, ‘ma. Sorry sa lahat-lahat. Gusto ko nang kalimutan ang lahat ng galit ko, lahat ng takot ko sa mundo. Patawarin mo ako, ‘ma. Tulungan mo akong buuhin ulit ang sarili ko.”
“Shhsss… magpahinga ka na. Bukas paggising mo, mag-uusap tayo.”
Inalalayan ni Celia ang anak na makapasok sa guest room na tinutuluyan nito. Agad na lumabas ng silid si Celia at bumalik din agad ito bitbit ang palangganang may maligamgam na tubig at Bimpo. Pinunasan niya ang mukha ng anak na nakapikit ang mga mata. Hinawakan ni Cainon ang kamay ng ina, “Sorry, Ma,” hindi na nito natapos ang sinasabi dahil tuluyan na itong nakatulog.
Matamang tinitigan ni Celia ang anak saka pinakawalan ang malalim na buntong-hininga. “Mahal na mahal kita, anak.” Tumayo na ang ginang at tuluyan nang lumabas ng kwarto.
Magdamag na halos hindi nakatulog si Zia; iniisip niya parin ang biglaang pagsulpot kahapon ni Cainon sa Resto at ang kaalamang mag-ina pala ito at si Tita Celia. Ilang oras na umiyak sa kanya kahapon si Tita Celia at nalaman niya ang lahat-lahat tungkol sa problema ng mag-ina. Gusto niyang samahan kahapon ang ginang para harapin ang anak nito pero ito na mismo ang tumanggi at sinabi nitong kelangan nitong harapin ang anak nang mag-isa.
Isang lingo na ang lumipas pero wala na siyang balita sa mag-ina. Isang bahagi ng pagkatao niya ang umaasa na magpakita ulit ang lalaki. Pero bakit nga ba siya aasa pa? Tapos na ang kwento nilang dalawa.
“Ang layo naman yata ng tingin mo. Ilang Segundo na ako dito sa tabi mo pero hindi mo manlang ako napansin.”
“Bristan! Ikaw pala. Kakain ka ba?”
“Nope. Nandito ako para imbitahan ka.”
“Bakit, anong meron?”
“Wala naman. Sinipag lang ako magluto kaya iniimbitahan kita.”
“Ngayon na ba agad?”
“Kung wala ka nang gagawin,”
“Wait lang. magpapaalam lang ako sa staff ko.” Tumalikod na ang dalaga at hindi maiwasang sundan ito ng tingin ni Bristan.
“June palang pero ang lamig-lamig na dito, no?” Napahalukipkip ang dalaga nang umihip ang hangin.
“O, isuot mo. Inabot sa kanya ni Bristan ang suot nitong Denim jacket kanina. Ang naiwan sa katawan nito ay ang white t-shirt at bakat ang six-pack abs ng lalaki.” Huli na para umiwas pa siya nang tingin; huling-huli na siya sa akto ng lalaki.
“Baka biglang matunaw yan sa kakatitig mo.” Biro ng lalaki.
“Sorry.” Nahihiya niyang usal at yumuko.
“May naaalala ka, no?” Umiwas siya nang tingin sa lalaki at mukhang naintindihan nito na ayaw niyang pag-usapan ang bagay na iyon.
Lagpas fifteen minutes lang at natapos na siyang mag ayos. “Bagay sa’yo.” Puri sa kanya ni Bristan. Simpleng spaghetti stap lang ang suot niyang dress na umabot hanggang tuhod niya at pinarisan iyon ng puting sneaker shoes.
BINABASA MO ANG
The Invader (R-18) TO BE PUBLISHED UNDER BOOKWARE
RomanceSYNOPSIS Aminado si Zia na naging tanga siya para paulit-ulit na tikman ang isang putahe na inihain sa kanya ni Cainon. Oo nga't lasing siya pero malinaw sa kanya ang nangyari sa kanila ng lalaki nang gabing iyon. Pero hinayaan niyang maulit iyon. I...