CHAPTER 16
Dalawang araw pa siyang Nanatili sa Maynila; gusto niya rin kasi makasama ang mga batang naroon. Kinumusta na rin niya ang gift shop niya. Lahat nasa maayos na kalagayan, maliban sa kanya. Hindi man niya aminin pero may parte ng pagkatao niya ang umaasa na sana tunay niya ngang pamilya sila Bristan.
Kinabukasan ay maaga siyang bumiyahe pabalik ng Isla Martina.
Pagkarating niya sa isla ay hindi na siya nag abalang magbihis; dumiretso na agad siya sa bahay nila Bristan.
“Magandang araw ho. Si Bristan po nandiyan?” Bati niya sa lalaking nasa edad Sisenta pataas. Pero sa halip na sagutin siya ng lalaki ay para itong namatanda na nakatitig lang sa kanya.
“Hello po.” Kumaway pa siya sa lalaki.
“Si Bristan ba kamo, iha? Naku maagang ipinasyal ang anak niya sa Bayan. May kelangan ka ba sa kanya? Gusto mo bang maghintay o bumalik nalang mamaya?”
“Ok lang ho. May itatanong lang po ako pero, pwede po bang kayo nalang ang tanungin ko?” Tila nagulat naman ang lalaki.
“Sige, sige. Halika, iha. Sa Study room tayo mag-usap. Lani!” Tinawag nito ang kasambahay.”
“Yes, Sir?”
“Ipaghanda mo kami nang mame-merienda. Dalhin mo na lamang sa Study Room. Salamat.” Tumalikod na ang matanda at sumenyas na sumunod siya dito.
“Maupo ka, iha.” Ipinaghila pa siya ng matanda ng upuan.
“Salamat po.”
“So, ano ang maipaglilingkod ko sa’yo?” Magiliw na tanong nito.
“Tungkol ho ito sa kwento ni Bristan na nawalan daw ho kayo ng isang anak noong lumubog ang isang barko,”
“Ang Doña Marziana Shipping Lines, ipagpatuloy mo iha.”
“Pasensya na po kung binabanggit ko pa ang tungkol doon. Alam ko po na ayaw niyo nang balikan ang panahong iyon pero nong makita ko po ang litrato ng nasira niyong asawa ay parang may nag udyok sa akin na alamin ang katotohanan sa pagkatao ko. Isa ho akong adopted at pareho na pong patay ang mga umampon sa akin dahil sa aksidente. Maayos po nila akong pinalaki pero nangarap parin po akong makilala ang tunay kong mga magulang.” Malungkot na tumingin siya sa matanda na titig na titig pala sa kanya. Ginagap nito ang kamay niya. “Pareho lang tayo nang gustong mangyari. Wala akong ginawa kundi ang magdasal gabi-gabi na sana, kahit imposible na ay makita parin namin si Elexzia. At nang makita kita, hindi ko alam pero parang nabuhayan ulit ako ng loob. Tulad mo, gusto ko ring malaman ang totoo.
Noon mismo ay pumunta sila sa Bayan at dumiretso sa Saint Anthony Medical Center para kuhanan sila pareho ng samples para sa gagawing DNA test.
“We will notify you as soon as the results come out, Mr. Ocampo.” Nakipag-kamay ito kay Gabriel Ocampo bago nagpaalam.
“Hindi ko alam pero kinakabahan at excited ako sa magiging resulta ng test.”
“Ako din po. Tingnan niyo nga po, namamawis ang mga kamay ko.” Ipinakita niya ang basang palad sa matanda.
“Ganyan na ganyan ang aking si Alexandra kapag nate-tense. Ngayon palang parang gusto ko nang angkinin na ikaw nga ang nawawala naming si Elexzia.” Puno ng pananabik ang tono nito.
Kinabukasan ay balik sa normal ang buhay ni Zia. Pero akala niya lang pala iyon.
“Ma’am, may lalaki pong pabalik-balik dito kahapon at ikaw ag hinahanap.” Ani Kesh.
“Sinabi ba kung ano ang kelangan niya sa akin?”
“Hindi po eh. Babalik nalang daw siya. Pero Ma’am, feeling ko hindi taga rito yon kasi laging dito po kumakain, eh.”
“Baka naman nasasarapan lang sa mga putahe natin kaya gano’n.” Biro niya kay Kesh.
“Siguro nga Ma’am. At saka ang gwapo po,” Hindi nito mapigilang kiligin habang nagsasalita.
Hindi alam ni Zia ang nararamdaman. Parang excited siyang makita kung sino man ang lalaking naghahanap sa kanya. At iisang tao lang ang itinanim niya sa utak na posibleng maghanap sa kanya.
Buong maghapon na balisa si Zia. Bawat pumapasok na customer ay napapalingon siya sa pagbabaka-sakaling ang taong naghanap iyon sa kanya.
Dahil nadismaya na hindi nagparamdam ang taong iyon ay nagpasya siyang maglakad-lakad na lamang sa dalampasigan hanggang inabutan siya doon ng takip-silim. Napadpad siya sa bahaging halos wala ng tao na nagagawi roon.
Niyakap niya ang sarili habang nililipad ng hangin ang lagpas balikat niyang buhok. Halos labing limang minuto na siya sa kinauupuan nang maramdaman niyang hindi siya nag-iisa sa lugar.
“Pinuntahan kita sa resto mo pero wala ka doon.” Kilalang-kilala niya ang tinig na iyon.
“Ano ang ginagawa mo dito?” Pinatigas niya ang boses. Ayaw niyang mahalata ng lalaki kung gaano niya pinanabikan na makita itong muli. Kung pwede nga lang na sugurin niya ito ng yakap, baka kanina niya pa ginawa.
“I’m here to say sorry. Sorry for everything, Zia,” kasama ba sa everything na yon na hindi na niya ako kayang mahalin ulit?
“Anong ibig mong sabihin?”
“Alam kong nasaktan kita. At gusto kong ihingi ng tawad iyon, Zia. Sorry kung Gago ako para saktan ka nang ganoon.”
“Aaminin kong nasaktan mo nga ako, Cainon. Pero hindi naman kelangang lahat isisi ko sa’yo diba? Hindi mo kasalanan kung bakit ako umasa. Nagkamali lang ako ng akala. Akala ko kasi pareho tayo ng nararamdaman.” Hindi niya napigilang tumingin sa malayo na halos mga maliliit na bangka lamang ang nakikita niya.
“I still love you, Zia. Walang nagbago sa damdamin kong iyon. Kinailangan ko lang hanapin ang sarili ko. Kelangan ko lang maniwala ulit sa pag-ibig. At sa mga panahong iyon, ninais kung lumayo sa’yo kasi hindi ko naman mabubuo ang sarili ko kong nasa paligid ka lang. Please, love me again, Zia.” Ginagap nito ang kamay niya at mahigpit na pinagsalikop iyon ng lalaki.
“I love you,” pabulong na wika ng lalaki.
“Cainon,” Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa lalaki. Nangingibabaw kasi ang malakas na tibok ng puso niya habang nakadampi ang labi nito sa noo niya. Pagkatapos nitong alisin ang labi sa noo niya ay mahigpit naman na ipinalibot sa bewang niya ang bisig nito.
“My Mom wanted to invite you. Nai-kwento kasi kita sa kanya.”
“So, alam na niya ang lahat tungkol sa akin?”
“Yes. She knew that you are the woman who invaded my heart. My whole being- hey! Are you crying?” Nagtatakang tanong sa kanya ni Cainon.
“No, I’m not.” Tanggi niya kahit huling-huli nito ang pag punas niya ng luha.
“Tell me the reason, Honey.”
“I’m just happy knowing that you finally here and saying that you love me. Na ako parin,”
“I love you even more, Zia. At kaya gusto agad kitang isama pabalik ng Maynila kasi gusto kitang pormal na ipakilala kay Mama.”
“Malamig na dito. Ihahatid na kita.” Inilalayan siya nitong tumayo. Pero bago niya pa maihakbang ang mga paa ay mahigpit na siyang yinakap ni Cainon.
“Oh, I miss you, Honey.” Gigil na gigil itong ikinulong siya sa matitipuno nitong braso. Dinig na dinig niya ang malakas na pagtibok ng puso ni Cainon.
“I miss you too, Cainon. Tara na.” Siya na ang nangtanggal ng mga braso nito sa bewang niya. Duda kasi siya sa nararamdaman niya. Baka hindi sila makaalis sa tabing-dagat kapag hinayaan niya si Cainon. Alam niyang hindi lang yakap ang kaya nitong iaalay sa kanya sa gitna ng dilim.
“Thank you.” Mariin siyang tinitigan ni Cainon pagdating nila sa pinto ng Cottage niya.
“Thank you for what?”
“For accepting me again. Kahit hindi mo sabihin, ramdam ko na ang pagpapatawad mo.” Habang nagsasalita ang lalaki ay ramdam niya ang kakaibang pagtibok ng puso niya. Bahagyang idinampi ng lalaki ang labi nito sa noo niya kasabay ng pagpalibot muli ng mga braso nito sa balingkinitan niyang katawan.
“You have no idea how happy I am, Zia.” Ang mga kamay nito ay nag umpisa ng kumilos. Mabilis nitong naipagapang ang kaliwang kamay papunta sa dibdib niya habang ang bibig naman nito ay tinutukso ang nanabik niyang labi.
BINABASA MO ANG
The Invader (R-18) TO BE PUBLISHED UNDER BOOKWARE
RomanceSYNOPSIS Aminado si Zia na naging tanga siya para paulit-ulit na tikman ang isang putahe na inihain sa kanya ni Cainon. Oo nga't lasing siya pero malinaw sa kanya ang nangyari sa kanila ng lalaki nang gabing iyon. Pero hinayaan niyang maulit iyon. I...